Chapter 21: Served Justice

191 17 2
                                    

~~••~~

I TIGHTLY grip the handle of the car and swung it open. Hindi pa ako pumasok ng tuluyan at tumingin muna sa maasim na mukha ni Klaus bago ako natatawang umupo sa passenger seat.

Kinalabit ko pa ang seatbelt at nilagay sa ibabaw ng hita ko ang dala-dala kong shoulder bag. Hindi siya umimik at pinaandar ang sasakyan.

Wala sa mood- to be precise, nawala ang happy mode niya dahil sa ginawa ko. Klaus really hates it when I don't follow his rule.

Kahit pa sabihin na concern lang ang loko-loko, ayoko naman manatili sa condo habang siya ay sino-solo ang bagay na dapat kami dalawa ang gumawa.

Wala eh. Kung siya may topak, may sayad ako. Nakangisi lang ako habang sinisilipan siya ng tingin. Hindi pa din na-iiba ang ekspresyon niya kaya na imbyerna na ako.

Mawawalan ako ng pasensya kapag siya ang nagtampo. Sa totoo lang, siya naman ang may topak sa aming dalawa. Kung pumayag siya ng mahinahon, malamang hindi magiging tahimik ang byahe namin.

"Dumaan ka sa Starbucks," utos ko sa kanya. Hindi sumagot ang kupal. Humihingi po ako ng pasensya mahal na panginoon. I gave off a low sigh before turning my head to his side. "Klaus, I know you're mad, but you can't keep me in my condo just for that."

No response. Dapat talaga pokus siya sa pagmamaneho pero alam kung nagmamaktol ang utak n'yan. Minsan lang naglalabas ng ekspresyon ang binata na ito, at halos lahat ng ugali niya kilala ko na.

"I'm well, already. Hindi mo ba nakikita? My temperature dropped to normal; I can move, and I eat well. Don't be too overprotective, masyado ka ng nababaliw sa akin." Sinundan ko iyon ng maikling tawa, pero napasimangot na naman ako dahil dedma ang kausap ko.

"Sabihin na natin na galit ka, okay. Ang arte naman. Gusto ko lang sumabay, bakit ayaw mo akong pagbigyan? Ano naman gagawin ko kung magaling na ako at kaya ko ng lumabas? The doctor said it's a normal cold na nakukuha kapag masama ang panahon. Masyado kang OA kung ideretso mo ako sa ospital. Buti kamo nasa night shift ang nanay ko kaya hindi nila tayo nakita. Yes, my fault for getting soaked in the rain, but you're too demanding when it's just a normal fever!"

"Isang araw pa lang ang lagnat mo, Monica. Ano 'yon, magic? Bigla na lang mawawala? Malamang na-susupressed pa sa loob ang init mo kaya wala kang nararamdaman. Wala akong kilalang tao na bigla na lang gumagaling pagkatapos ng isang araw!"

"Huwag mo naman sabihin na alien ako!" giit ko. Sinabayan ko ang topak niya dahil natatawa na ako sa tono ng boses nito. Parang nagtatampo na ewan. Cute niya pa naman magtampo. "Magaling ang nag-alaga sa akin kaya mabilis akong naka-recover. Pwede ka ng maging doktor, Klaus."

"Huwag mo akong pakiligin."

"I'm not lying! I'm feeling good this morning," sabi ko sabay taas ng kanan kong kamay na parang nangangako. "I drank my medicine before we got out."

"Not enough reason to convince me you're well. Bumaba ang temperatura mo ngayon dahil sa gamot, pero babalik 'yan mamaya. Kung sumunod ka lang sa gusto ko at manatili sa condo para magpahinga, hindi ako magagalit."

"Galit ka? Akala ko nagtatampo ka lang," banat ko. Nanunungkit na ang dalawang kilay nito at matalim pero seryoso ang tingin niya sa daan. "Oo na, kasalanan ko na po. Dumaan ka nalang sa Starbucks at ikaw mag-order ng kape, tapos ibalik mo ako sa condo."

"H'wag na, sayang sa gasolina."

"Ayan naman pala e," nakangiting wika ko. "Dumaan ka sa Starbucks, kailangan ko ng kape para tumino utak ko mamaya."

✓ | The Esoteric Mismatched [D-Archives]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon