Chapter 22: Unreasonable Doubts

169 19 5
                                    

~~••~~

NATAPOS ang meeting bago mag pananghalian. Hindi ko na ma-i-sisiwalat lahat ng nangyari pero ilan lamang doon ay bangayan ng dalawang tao na mukhang nagdedebate na.

Kitang-kita ko ang pagka-inis sa mukha ni Captain Morgan tuwing nababanas siya sa ugali ni Klaus, pero walang nag-awat sa kanila maski si Senior Inspector Brillantes.

Lahat ay isa lang ang nasa-isip: iwasan ang dapat iwasan. Mukha kasing mahirap pakisamahan ang kapitan ng Narcotics. Kahit ako nga ayaw siyang lapitan at kausapin.

Nag-usap na kami ni Klaus tungkol sa bagong operasyon na gagawin. Hindi naman ako nagalit nang nilabas niya 'yon kahit wala siyang hiningi na pahintulot sa akin.

Parang automatic na ata kasi alam nitong hinding-hindi ako mananatili sa likod niya. Okay na din naman sa akin na gawin ang plano, dahil isa din ako sa may gusto na matapos na ito.

Whoever is making this mess, I will make sure my fist will land on his face before I let him rot in prison.

When Klaus and I first met, it all circles around Steven Perez, but the underlying message remains intact until now. He was tailing the whereabouts of an ex-student of Crestwood named Christopher Chavez.

Alam niya na sa umpisa na may kinalaman si Chavez sa droga kaya siya napadpad sa Crestwood, 'yon din ang pinupunterya ng Narcotics Unit.

Two years na siyang hindi mahahagilap ng pulisya, kahit nga sa digital world ni anino nito wala. If he is really behind this all, he must have a plan to why the case only resurfaces now.

May gusto ba siyang gawin? Kung meron, ano at bakit?

I jolted when a hand touched my forehead but before I could exert my defense, he removed the hand and sat beside me.

"We need to eat so you can drink your medicine. Saan mo gustong kumain- no preservatives and fats, I warn you woman, hindi porket nasa labas ka malaya mo ng gawin ang gusto mo."

"Opo, doc. Masusunod po ang mga bilin mo- aray!" Pinisil ba naman niya ang pisngi ko na parang slime lang dahil hinila niya pa ng konti. "You don't know how much muscles my cheeks have, Klaus. Masakit 'yon!"

"Good, kasi akala ko mataas na naman pain tolerance mo."

"Ang galing naman ng doktor, nanakit para lang malaman kung may nararamdaman ba ako o wala. Grabe, hindi na naawa."

"Pick a place, I'll take you there- remember the rule." Pagkatapos niyang magpakita nang iwan niya ako sa lobby ng istasyon, tumayo na naman siya para umalis dahil may tumatawag sa kanyang cellphone. I could only hear distinct sounds, but my ear caught the word 'Hughman'. Bakit ba lagi kausap ng lokong ito ang isa pang lokong 'yon?

Napapansin ko na kasi nitong mga nakaraan panay hawak si Klaus sa cellphone niya at lumalayo tuwing may kausap. Hindi naman ako mausisa kaya ipinagsawalang bahala ko 'yon, pero mukhang palagian na kasi.

Hindi ko na din nakikita si Jared sa eskwelahan, dahil wala naman kaming rason para magkita din. Gusto kong itanong kung ano ang pinag-uusapan nila, pero dumadaing ang pride ko.

Kahit gusto ko, hindi naman pwede. Ano ba pakialam ko sa buhay niya bukod sa set up namin na magjowa? Mas marami siyang sikreto kaysa sa akin na kung minsan naiinis na ako pero wala naman ako sa lugar para maglabas ng hinanakit.

I'm not the real girlfriend. Isa lamang itong set up for convenience dahil pareho kaming may hidden agenda. Kung aabot kami sa punto na kailangan na tanggalin ang bigkis, sana handa ako.

Pafall kasi ang loko, malamang sino ang hindi mahuhulog do'n? Call me marupok, at least hindi ako in denial katulad niya.

Bumalik siya sa pwesto ko ng nakangiti. Nagmistola lang naman slow motion ang nangyari.

✓ | The Esoteric Mismatched [D-Archives]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon