~~••~~
PINAGMASDAN ko ang mga bomba na nakakalat sa sahig. Sa puntong 'to hindi ko alam kung makikita ba sa panlabas na kaanyuan ang takot na namumuno sa aking kalooban dahil hindi ko maramdaman ang katawan ko.
Inside this hard shell, my whole veins were trembling, but I was ditching the thought for me to be able to get out of this situation and save myself before they explode.
Nag-iisip ako kahit tumatakas na ang dugo sa aking katawan. Hindi pwedeng umiiral ang takot dahil buhay ko ang nakasalalay dito. Hindi pwedeng tanggapin na talo ako at nagwagi ang bwisit na lalaking 'yon. Never in the damn life of Monica Mikhailuv to be defeated by this murderer!
Hindi ko din trip mag-aksaya ng oras at mamatay ngayon kaya sa huli, minaigi kong kumalma at mag-isip ng daan para mabuhay.
I let out a deep sigh.
Dahan-dahan akong bumaba sa sofa at tinapak ang kanan kong paa sa isang maliit na espasyo. "Dapat pala nag-take ako ng ballet lessons, takte naman." Nagpapasalamat na lamang ako dahil meron akong balance coordination sa pagiging black belter kaya hindi ako natumba. "Humanda ka talaga sa akin Lucas Arante kapag nakalabas ako dito ng buhay, ipaparamdam ko sa 'yo kung gaano katindi talaga magalit ang isang Monica Mikhailuv!"
Nakakonekta ang mga bomba sa isang manipis na wire, pero may espasyo ang pagitan ng ilan sa mga ito. 'Yon ang ginagawa ko ngayon, nagkukumpisal ng malalim bago muling gumalaw.
"Go, Monica. A meter away, ayos na."
Self-motivation lang ata puhunan ko dito. Pinigilan kong huminga nang muli akong humakbang. Ilang beses nangyari 'yon bago ako tuluyan nakaalis sa pihit ng kamatayan. "Ha! Sabi ko sa inyo hindi mamatay ngayon ang dakilang Monica Mikhailuv!"
Nagtatalon pa ako pero agad din naman akong natigilan. "Lucas Arante, bobo ka ba o tanga ka lang? Kung maglalagay na nga lang ng bomba, dapat walang espasyo. Ayan tuloy, hindi ako mamamatay."
Wala na akong pakialam kung magiging baliw ako dahil sa uri ng ngiting lumalatay sa aking labi. Mabilis din naman akong natauhan at akma sanang tatakbo palabas ng maalala kong kinse minuto lamang pala ang binigay na palugit ng lalaking 'yon. Tiningnan ko ang timer at may seven minutes na lang akong natitira. Bumalik ako sa may gilid ng sopa at hinagis ang bracelet na regalo ni Klaus.
Tinanggal ko din ang damit, sapatos at pantalon na suot ko saka tinangay ang bathrobe na nasa banyo at tumakbo paalis. Kailangan ko ng matinding alibi na patay na ako.
Hindi pwedeng malaman ni Lucas na nakatakas ako dahil alam kung marami siyang alyansa ngayon, isali pa ang traydor na Jared Hughman na 'yon.
Humanda talaga ang dalawang 'to, hindi ako uurong-
I covered my head as I crumpled on the floor when a loud explosion enveloped the entire building. It would be a blessing in disguise that I reached three floors below the floor of my death. The walls shaked and a little debris fell on the ground.
"First," I murmured.
Kumilos akong muli para mas makalayo. Ngayon ko na pinagsisihan kung bakit nasa mataas na floor ang unit ko. Biglaan naman bumukas ang fire exit at nagsitakbohan ang mga tenants. Nakisabay ako sa agos ng kaba nila at nakipag-sisikan pababa sa building. Biglaan naman kaming lahat nagsigawan ng may sumabog muli.
"Anong nangyayari!?"
"Diyos ko!"
"My gosh, move away!"
Samu't saring mga boses ang narinig ko. May nag-iiyakan na at nagmumura dahil sa nangyayari. Nahagip ko pa ang isang batang umiiyak habang yakap-yakap siya ng kanyang ina na may hawak namang sanggol. Hindi na ako nag-isip at inarga ang bata.
BINABASA MO ANG
✓ | The Esoteric Mismatched [D-Archives]
Misteri / ThrillerD-ARCHIVES - TEM 1 When series of issues tarnished the reputation of Crestwood University. Klaus Sandoval: the lazy genius and a walking plague of Berlin, together with Monica Mikhailuv: the infamous Crestwood troublemaker, pledged to end the turmoi...