XLI - Step 5 (Part 1)

1.4K 43 8
                                    

"He, may kamay rin ako."

"If you say so." sabi ni Gift habang nakangiti. Nadapa na ako, nakangiti pa siya? Pasalamat siya anim pandesal niya kundi. Hmf!

Inayos ko ang sarili ko at pumunta na sa upuan sa loob ng kotse at umupo. Medyo tahimik lang sa loob. Yung dalawa, si Ace at Gift, nakasuot ng earphones siguro nakikinig sa music.

O baka nanunuod ng porn. =___=

Tapos si Jelly... nakangiti? Iba yung ngiti niya. Parang baliw. Ano kaya nasa isip niya? Hindi naman kasi totoo yung pag kambal daw kayo parehas kayo ng iniisip. Aba! Natatae ako ngayon wag, mong sabihing natatae rin siya?

"Hoy, Jell." bulong ko sa kanya.

"Ay jusko mariya!"

"Ang OA mo naman."

"Eh ikaw kasi e!"

"Oo na, ano ba kasing iniisip mo at ganyan ka makangiti? Para kang baliw?" sabi ko habang kumukuha ng kutkutin galing sa bag ko at sinimulang kumain.

"Grabe naman yung term mo. Wagas!" sabi ni Jell habang kumuha ng pagkain sa lalagyan ng mga kutkutin ko.

"Wala, masaya lang talaga ako. Diba pwedeng sumaya?" sabi niya habang tumawa ng mahina at tumingin sa bintana.

Sabagay, "Oo nga naman. Sige bahala ka diyan. Magmukha ka ng baliw ulit."

Something is really fishy here. Hmmmmm.

[ Ace's POV ]

"Hoy anong gagawin natin mamaya?" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway at pinagkakaguluhan kami ng mga babae, siyempre chick magnet ako e pero ang puso ko, kay Jelly lang! Di pwede mabuwag ang sweetest loveteam na Jelly Ace!

"Nothing." sabi ni Gift habang bored. What's his problem? We usually go somewhere else after class to breathe up. Anyare?

"Oh, okay." nag-isip ako ng pwedeng gawin at naisip ko na may practice pa nga pala kami ni Jelly kaya di rin kami makakagala. Hahaha.

"Sige, bro. Sa practice na lang ako pupunta. See you at home." nagnod lang siya at lumakad na. Siyempre, wala naman akong pake sa nararamdaman niya kaya dumiretso na lang ako at hinanap si Jelly.

Hahaha joke lang. Ganyan kasi si Gift pag may problema. Halos hindi nagsasalita. The last time he has been like this is when namatay yung mommy niya.

FLASHBACK

"Mommy! Don't sleep right now like what Lola did." humahagulgol na si Gift sa pag-iyak. Even though we already know that his mom is dying. He still insists that she's just going to sleep, forever.

"Mommy have to sleep." sabi ng mommy niya at hinahaplos niya yung mukha ni Gift. Nandito lang ako, nakaupo sa upuan sa gilid.

"When will you wake up?" tanong naman ni Gift habang gumaan ang kanyang pag-iyak.

"I won't." sagot ng mommy niya habang napapapikit sa nararamdamang sakit.

"But I will always be there when you need me because you're the greatest gift that we have ever received from God." dugtong ng mommy niya at tuluyan ng pumukit at kelanman ay hindi na minulat ang kanyang mga mata.

END OF FLASHBACK

"Hoy, Ace!" biglang may pumitik sa noo ko at pagkakita ko ay mukha ni Jelly ang sumalubong sa akin.

"Ano?" sabi ko habang naiinis dahil sa binigay niyang pitik. "Gusto mo pitikin rin kita?"

Bigla namang tinakpan ni Jelly yung buong katawan niya ng kanyang mga braso. "Abuse!"

"Kadiri ka naman! Tara na nga baka malate pa tayo." sabi ko sa kanya. Tumuloy na kami papunta sa room kung saan kami nagpapractice ng sayaw.

Nilapag na namin ang gamit sa gilid at pumunta na sa position namin. Nagbigay naman ng cue yung choreographer namin kung kailan kami magsisimulang sumayaw.

Nagsimula na ang music, nagbigay na rin siya ng cue. Nagsimula na rin kaming sumayaw.

Falling out, falling in...

Kasabay ng mga salitang binibigkas sa tugtog ay ang pagpadyak naming dalawa ng sabay. Nakahawak ang isang kamay niya sa braso ko at nakahawak namang isa sa aking kamay.

Napayuko naman si Jell. Wala naman sa steps na tinuro nung choreographer namin kaya nag-alala ako ng konti.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Uhmm, Ace?" tawag niya sa akin.

"Hmmm?"

"Masakit ba magmahal?" tanong niya na agad nagpawala ng concentration ko dahilan para maapakan yung paa niya.

"Aray naman, Ace! Wag mo na nga sagutin, alam ko na sagot. Masakit nga." sabi niya habang nagpout. Tinuloy namin ang sayaw at pinagpatuloy ang pagtugtog ng kanta.

Never knowing what lies ahead. We can really never tell it. Oh no...

"Alam mo..." pagsisimula ko ng sagot para sa tanong niya.

"Hindi pa." sagot naman ni Jell.

"Hindi pa ako tapos, Jell."

"Ay sorry, hehe." pagpapaumanhin niya sabay kamot sa batok niya.

"Alam mo---"

"Hindi pa ng-"

"Isa pa, hahalikan kita." pagkasabi ko nun ay agad naman niyang sinarado ang bibig niya ng pagkahigpit-higpit.

"Alam mo..." tumigil ako saglit, titingnan kung sisingit pa ulit siya pero nakatingin lang siya sa mga mata ko at nag-iintay ng sagot.

Dugdug! Dugdug!

"Hindi naman pagmamahal tawag sa ginagawa mo kung hindi ka masasaktan. It's part of learning. Part of life. You'll never know who's the right person for you if you won't risk yourself to be hurt." sabi ko sa kanya na nagpanganga naman sa kanya.

"You'll never get it but there's always that one person who'll make you get every step of it." bigla namang may naalala agad si Jelly na nagpatigil sa kanyang sumayaw.

"Ahhhh, Ace. Naalala ko nga pala. 5PM may gagawin ako. Sige!" nagpaalam siya sa akin pati sa choreographer. Pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis papalabas ng room.

"I hope I'm the one who'll make you every step if it." pabulong ko habang nasisilayan ko sa bintana ang pag-alis niya.

"Ace, tayo na muna magpractice? Isipin mo muna ako si Jell. Hehe." sabi nung choreographer. Nandiri naman ako agad dahil lalaki siya kaya binigay ko na lang yung tuwalya sa kanya at sinubo ito sa bunganga niya. Tumakbo naman agad ako ng mabilis upang hindi maabutan at mapagsamantalahan. Ayoko pa! Bata pa ako!

[ Jelly's POV ]

Nagpaalam na ako kay Ace at kay Kuyang Choreographer dahil naalala ko sa sinabi ni Ace yung Step 5. Tama! Risk everything! One shot lang 'to. Dito ko na malalaman ang kapalaran ko! Mga bituin! Madam Auring! Help me! Fighting!

Pumunta ako kay Sophia upang kamustahin ang lahat ng mga plano namin sa Step 5.

"As what you have said. May two tables na, and may dress code akong ipapabigay kay Gift at Ace. You will be wearing the black and blue dress which will be the given dress code for Gift's partner while Erich will be wearing the white and gold one which will be the given dress code for Ace's partner. The dresses are on my car. Puntahan mo na lang later." sabi ni Sophia na may halong ngiti na agad namang ikinatuwa ko at di ko napigilang tumalon talon sa venue.

This is it.

***

SORRY SA LATE UPDATES. ASAHAN NIYO YUNG NEXT UPDATE NEXT WEEK OF LATE NEXT WEEK.

Para di kayo mainip. You can read my other stories. Hahaha. Vote and comment rin kayo. Thank you po! :)

The Twins and The Bestfriends (JaDine and KathNiel fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon