Chapter VII - Erich Hemsworth

8.4K 183 28
                                    

AUTHOR: Happy 2.5k reads! 14 days pa lang 'tong story ko. Kakaflatter. Mwahaha!! <3 Thanks talaga. Yun lang, siya sige. CONTINUE! :)

***

"Anu ba yan? Pati ba naman dito? Ang landi talaga nitong kambal nato. Nakuha pang tumabi doon sa dalawang super hottie ng school. Super ewww!" banggit nung isang babae samin. Konti na lang hahampasin ko na sila. Wala naman talaga akong ginagawa sa kanila eh. Anu bang problema niya, ha?

Di ko na lang pinansin yung mga babae at sa halip ay nagbasa na lang ng libro. Di ko na inalam kung anu yung binabasa kong libro basta may pag tuunan ako ng pansin para di ko mapatay yung mga babaeng yun.

"Hoy. Di mo sakin sinasabi na mahilig ka pala magbasa ng libro. Feeling matalino ka pala eh." sabi sa akin ni Gift. Nakakainis, ako na lagi ang trip. Ang hot hot tapos ang pilyo. Kainis! Turn-off sagad.

"Anu bang problema mo, ha!?" napasigaw ako sa sobrang inis ko sa kanya.

Aray!

"Hey! How dare you. Grabe ka makipag-usap kay Gift ah! Talk back again and you're gonna be dead for sure!" binato ako nung isang babae ng papel na crinumple. Tinawanan ako ng mahina ni Gift. Errr. Kainis ka talaga. Isusumpa ko ang pamilyang Crixle!

Kahit sinususot ako nung hayup na yun. Di ko na lang pinansin kasi pag-iinitan na naman ako ng mga baliw niyang fans. Oo fans! Mukha silang electric fan! Hmf.

*KRIIIIIIING*

Buti naman at lunch na. Sana naman matahimik na ako sa kakainan namin.

"Tara na Jell at baka ma-Vhong Navarro ako dito ng wala sa oras."

"Teka Jen, kausap ko pa si Gill---"

"Let's go!" hinila ko na siya papunta kung saan man malayo at mabubusog ako ng sobra-sobra.

"Eto naman. Ba't ba ang init ng regla este ng dugo mo ngayon ha?"

"Ehhh kasi naman. Ang kulit nung Gift na yun saka yung mga babaeng yun." nakanguso na ako habang naglalakad-lakad kami. Napag-isipan kong sa Mcdo na lang dumiretso. BFF naman kami ng twin sister ko kaya pwede na yung BFF fries n' McFloat combo ulit.

"Ayiiiie! Inlove ka doon nuh? Hoy madaya ka. Hati tayo doon. Hahahaha!" ha? anu raw? inlove? urur. Pagpumuti na yung uwak, yung batok ni Obama at pagtumangkad na si Mahal, Mura at Dagul saka ako maiinlove.

"Wag ka nga. Di ako maiinlove sa lalaking yun kahit may abs pa siyang edible!" Talagang talaga! isaksak niya sa kokote niya. Matapos akong asarin at pahiyain ng Gift na yun. Hmf. Dire-diretso lang kami ng lakad nang biglang may sumingit na lalaki

"Hoy Jen! Where are you going?" aba. Pagtitripan na naman ata ako nitong Gift na 'to. Natahimik ang demonyong kaluluwa ni Ace tapos ngayon si Gift naman? Nyenye!

"Hi Jell!" bati ni Ace kay Jell.

"Hello." sagot naman nitong kapatid ko. May cold na tone pero parang fishy.

"Where are you going your face! Bubusugin ko sarili ko yung hindi kita kasama at nakikita. Pag nakita ko ni anino mo. Baka di na dumami lahi niyo! Bleh at ikaw naman Jell, don't talk to strangers!"

"Pero kilala natin sila?"

"Hindi natin sila kilala! Tara na." tinakbohan ko na agad siya para di na niya ako maabutan.

PHEW!

Buti na lang di na niya ako hinabol. Wala siyang bitnatbat sa mga Fertosa no!?

Pumasok na kami ni Jell sa Mcdo at umorder ng pagkain. Pagkatapos ay umupo na kami at nagsimulang kumain nang may biglang lumapit sa aming babae.

The Twins and The Bestfriends (JaDine and KathNiel fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon