Chapter VI - Tulungan Na Kita

9.2K 206 31
                                    

AUTHOR: Sinung nakakaramdam na ng kilig na magaganap? Di ko pa ilalagay :P Saka pa. Mwahaha! Uy vote niyo every chapters ko, ha? :) Thanks! :*** <3

***

Lagot daw ako sabi ni Gift.

Sabi ng konsensya ko, hindi daw. Bagay lang daw kay Jelly yun.

Pero hindi naman dapat talaga si Jelly eh.

Di ko lang nahulaan kung sino si Jenny kasi kambal sila.

Mabait naman siya ng konti sa akin kasi binigyan pa rin niya ako ng yakap as sign ng gratitude sa pagligtas namin sa kanila

Teka, anu ba 'tong iniisip ko. Erase erase!

Sinundan ko sila ni Jenny sa baba. Di ko muna sila inistorbo at tumago ako sa isang sulok pero naririnig ko parin yung pinag-uusapan nila.

"Ate Jen. I'm scared." naririnig ko siyang humahagulgol sa iyak habang pinapatahan siya ni Jenny Mas matanda pala si Jenny kaya siguro siya masyadong protective pero sobra pa rin kung ganun siya kaprotective.

"It's alright di naman totoo yung sinasabi niya. Teka, Jell may sugat ka! Wait for me, okay?" umalis si Jenny para maghanap siguro ng ipanggagamot sa kanya pero sigurado ako matatagalan siya kaya ako na ang lumapit kay Jelly kasi may first aid kit kami dito.

"Uhmmmm. Jelly." medyo nahihiya ako kasi di naman ako sanay na lumapit sa isang babae ng seryosohan. Lalu na pag ganitong sitwasyon kaya medyo natataranta ako saka di ako sanay.

"Ano!? Kung sa tingin mo aatras ako sa binigay mong contract sa amin at hayaan na lang na mawalan ng company sila daddy. Well , you're wrong! Cuz i won't! Tabi, Aalis na ako!" tinulak niya ako papaalis sa kanya tapos naglakad papunta sa may kitchen. Bakit siya sa kitchen didiretso?

"Hoy, saan ka pupunta?"

"Sa room namin."

"Sa taas ang room mo. Wala diyang stairs papunta sa taas." napatigil siya ng ilang saglit tapos dumiretso sa tinuro kong daan papunta sa room nila.

"Sabi ko nga"

"Oh eto, kunin mo." inalok ko sa kanya yung first aid kit.

"Anu yan?"

"Lunchbox, kainin mo. Edi malamang, first aid kit yan. May red na cross oh tapos may kulay puti yung paligid. Anu ba naman yan? Hirap kasi pag trying hard independent."

"Nakakainis ka talaga! Pero salamat sa binigay mo pero nakakainis ka pa rin! Hmf!" Ayun. Inalisan na niya ako. Di ko naman kawalan eh. Kawalan niya yun pag di niya inaccept yung binibigay ko.

"Aray! Shet!" napahawak siya sa hagdanan at napaupo ng bahagya. Tumakbo ako papunta sa kanya. Di ko alam kung bakit ko siya tinutulungan pero dire-diretso pa rin ako.

"Kelangan mo ng tulong?"

"Hindi, kaya ko na 'to. Tsss."

"Hindi. Hindi mo kaya. Tulungan na kita." kinuha ko yung braso niya tapos pinatong ko sa balikat ko para maalalayan siya. Dahan-dahan akong naglakad para di humapdi yung sugat niya sa tuhod.

"Uhmmm. Ace, diba magkaaway tayo? Bakit mo ako tinutulungan?" bigla siyang nagtanong habang papalapit na kami sa pinto papuntang maids' room.

"Wag kang magreklamo. Ang baho ng kili-kili mo."

"Hmf. Di naman ako nagrereklamo. Nagtatanong lang saka di mabaho kili-kili ko. Bahala ka na nga diyan." inalis niya yung pagkapatong ng braso niya sa balikat ko tapos pumasok na siya sa room niya.

The Twins and The Bestfriends (JaDine and KathNiel fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon