Chapter II - Destiny

12.8K 249 30
                                    

AUTHOR: DEDICATED SA MGA SUPPORTED KONG FRIENDS! :)

#Angela, ‪#‎Kath‬,‪#‎Genevieve‬, ‪#‎Ryma‬, #Connie, at ‪#‎Katrina <3

***

[ Jelly's POV ]

Ang sarap talaga kumain! Ang sarap rin tingnan ng crush ko. joke lang! Haha. Malapit na daw kami sa mansion sabi nung driver namin. Katabi ko si Ate, chumichibog kami. Nagpapaunahan makaubos ng isang piattos, lagi akong panalo. Hindi kasi bibig 'to pagkumakain, nagiging bunganga. Nasa unahan naman si daddy at mommy.

"Jell! Tara laro tayo!"

"Anu na naman? Pagod na ako."

"Don't worry Jell, food trip 'to!"

Nung narinig ko yung matamis na salitang "food" ay hindi na ako nakatiis. Pumayag na ako sa laro namin. At least habang naglalaro kami, kumakain rin ako. Grabe! Ang talino ko talaga.

"Game na game! Teka, anung laro?"

" Madali lang 'to. Padamihan tayo ng fruity loops na masasalo gamit ang bunganga. Ikaw magbato para sa akin tapos ako magbabato para sayo."

"Sus. So easy, game na nga. Akin na yan!"

Kinuha ko yung fruity loops sa kanya. Nagsimula na kaming maglaro. Una muna daw siya kaya pumayag ako. Pagbigyan ang matatalo. Bwahahaha! joke.

"Ate catch!"

Binato ko na yung isang piraso ng fruity loops. Aba, siniswerte ata siya ngayon.

"Hoy ate. Ikaw na!"

"No Jell, Ikaw na! Hahaha!"

"Gaga, ikaw na yung magbabato. Game"

Nakahanda na yung bunganga ko. Nakanganga ng malaki para malaki chance. Nagsalita ako habang nakanganga kasi ang tagal niya kumuha.

"Ate! Ang tagal!"

"Eto na. Catch!"

Sure ball na yun, Haha! Ansabeh ng sure ball? Sure ball na kasi kitang-kita ko na na magshu-shoot yung cereal. Nang bigla tumigil.

*Booooogsh!*

Nahulog kaming dalawa ni ate sa kinauupuan namin. Magkakabukol ata ako sa pagkakauntog eh. Tumama kasi sa matigas na part ng upuan yung ulo ko imbes na dun sa parang unan na part.

"Manong driver! What happened?" tanong ng mama ko kay Manong D.

"Ah ma'am may tumawid po kasing dalawang lalaki. Muntikan ko na po mabangga. Sorry po."

"Ahhhh. Ok lang, next time ingat po okay?"

Dalawang lalaki? Tinawag ko si ate para tingnan namin.

"Sino ka?" banggit ni ate sakin nung tinawag ko siya.

"Omg! Mommy, daddy! Hindi si Ate Jen kasama natin! Poser!" hinampas ako bigla ni ate.

"Baliw. Nagpapanggap ako na may amnesia kaso di nagwork sayo. Kainis. Teka, tara tingnan na natin." sumilip kami sa window ng car. Sinabunutan ko si Jenny, ay! actually nagsabunutan kami parehas kasi ampogi nung dalawang lalaking umiinom ng coffee, coffee ata... basta yun, tapos ang hot pa kasi makikita mo naman sa katawan nila at pananamit.

"Jell! Ampogi nung isa oh! Grabe! Mommy aircon, pabukas, ang hot kasi nila."

"Oo nga oh! Ang amo nung mukha niya kaso yung isa pogi naman kaso nakasimangot. Nagalit ata masyado."

"Yah! Basta ang hot niya oh!? Ang cute pa. hmf! Sayang naman."

"Ha bakit naman? Kasi di mo na sila makikita?"

The Twins and The Bestfriends (JaDine and KathNiel fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon