Chapter XI - Fake Kiss

6.9K 175 19
                                    

AUTHOR: Hoy! Ambilis ko ng mag-update, ha? :) Nangungulit kasi sila eh. Huhuhu!

***

[ Jenny's POV ]

Woohoo!

Ang saya naman ng gising ko. Hihihi. Pagkatingin ko sa calendar, nangibabaw agad ang salitang FRIDAY.

Ay.

Oo nga pala.

Yung condo pa pala sa sunday. Huhuhu.

Ay ok lang! Kering-keri ko yan. Bumangon na ako sa higaan ko at ginawa ang morning rituals namin tapos pumunta na sa baba.

"Good morning Gift! Good morning Ace!" bati ko sa kanila nung pagdaan nila sa amin with matching kamay na parang paunat. hehe.

"He!" sabay na sigaw nila sa akin. Pft, Ang sungit. Hinanda na namin yung mga pagkain tapos nagsimula na rin akong kumain.

"Uysh. Aalish pashla kami sha shunday." todo kain na ako para matapos agad ako at makapagready para sa school. Hehe

"Huh!?" tanong ni Gift sa akin. Bingi ba siya o sadyang bingi talaga siya? Uminom ako ng tubig tapos nilunok ng buo yung kinakain ko.

"Sabi ko aalis kami sa Sunday." tapos tinuloy ko na ulit yung pagkain ko.

"Ahh.. Okay." sabi ni Gift sa akin. Yun lang sagot niya?

"Eh? Ayos lang sayo?" tanong ko sa kanya. Sinusure ko lang naman. Mamaya nangtitrip na naman 'tong mga 'to eh.

"Yeah, of course. Kasama kami eh." sabi ni Gift. Hindi siya nakatingin sa amin. Nakatungo lang siya.

"Talaga?" tanong naman ni Ace sa kanya.

"Yep and wala na kayong magagawa since we're the boss here." tumingin siya sa akin na may mataray na looks pero panglalaki at bagay sa kanya tapos nilaro-laro niya yung tinidor niya.

"Awwwww!" sigaw ko sa kanya. Bakit naman gusto nila makita yung condong bibilhin namin? Kelangan pa ba sumama sila? A-ah! Kainis eh.

***

"Bakit ka naman nakangiti diyan?" tanong ko kay Jell habang nakasakay sa kotse nila Gift.

"Anu ka ba? Siyempre diba kasama si Gift?" tapos tinuloy ulit niya yung pagngiti niya. Gusto ko rin naman kaso nga nakakahiya saka mang-aasar lang yung mga yun. Huhuhu!

Pagkapunta namin ni Jell sa academy ay dumiretso agad kami kay Erich para kumustahin. Nakakahiya kasi yung ginawa nung Gift na yun eh. Walang respect sa ex niya. Ang bait bait naman ni Erich sa amin.

Nakita ko si Erich nakaupo sa bench sa loob ng academy kaya agad naman kaming dumiretso doon ni Jell.

"Erich! Erich!"

"Oh, why? What happened?" sinarado niya yung folder na binabasa niya.

"Sorry sa nangyari yesterday. Huhuhu! Si Gift naman talaga nanghila sa akin eh." lumuhod ako sa harap niya para magmakaawa.

"Okay lang yun nuh! Tumayo ka na nga diyan. Hihihi." pangiting sabi sa akin ni Erich.

"Ahh. Jen, Erich. Punta lang ako kay Gillian. May kukunin kasi ako eh, okay lang?"

"Okay, sige." sabi namin ni Erich sa kanya kaya umalis naman agad si Jell.

[ Jelly's POV ]

Habang nag-uusap sila Jen saka Erich tapos nung sinabi ni Jen na hinila siya ni Gift ay umalis agad ako. Naalala ko kasi yung hinila rin ako ni Jen habang kausap ko si Gillian eh. Wala naman talaga akong kukunin eh. Hehehe. Ito naman kasi si Jen minsan dumodoble ang pagregla sa isang buwan.

The Twins and The Bestfriends (JaDine and KathNiel fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon