XXXVII - Preparation

2.9K 72 2
                                    

Week 7

" Jelly."

<___<

>___>

Nasaan yung tumawag sakin? Bakit ang ganda ko? Sino yun? Bakit madilim? Bakit ang ganda ko ulit?

"Jelly..." lalaki? Uwaaaa! Nasaan ba siya? Huhu. Titingnan ko pa naman kung gwapo yung lalaki kaso di ko makita kasi ang dilim. Huhuhu.

Ah! Alam ko na. Tanungin ko na lang. Hihi. Baka kilala ko. "May I know kung sino ka?" Oh yes, english.

"It's not important." nakatayo lang siya doon and still hindi ko siya makita kaya sinubukan kong lumapit.

"Huwag!"

"B-bakit?" pagtatakha ko. May ebola ba siya kaya ayaw niya ako palapitin? Curious lang naman ako sa mukha niya *pout*

"I just need to confess something." Huh? Ano daw? Confess? Baliw ba siya?

"Anung kala mo sakin? Pari? Kelangan sakin talaga magcoconfess?" may pagkamangmang pala 'to e. Alam ko na! Papadala ko na lang 'to sa simbahan. Hihihi.

"Gusto mo dalhin kita sa simbahan?"

"B-bakit? Kasi papakasalan mo ako dun?" parang may kaboses talaga 'tong lalakeng 'to. Ang hot kasi ng boses. Hehe.

"Sira! Sabihin mo muna kung sino ka." banggit ko sa kanya. Aba kelangan malaman ko rin kung sino siya. Hehe.

Ilang minuto segundo ang nakalipas at di pa rin siya sumasagot. Sinubukan ko ulit lumapit pero this time, nagsalita na siya.

"I love you."

"Aray!" biglang nagmulat ang mga mata ko at nakita ko ang naglalagablab kong kakambal sa galit.

"Para saan yun! Ha?" sigaw ko sa kanya habang nagkukusot ako ng mata.

"Aba! Tanghali na." sabi niya habang kumukuha ng damit sa closet. "Aalis tayo."

"OMG. Step 5 na ba?" tanong ko sa kanya habang kinuha ko yung damit na inabot niya sakin.

"Yes, final step." tumayo siya ng saglit at nagcross arms, "kaya maligo ka na."

***

YES YES! FINAL STEP NA!

Masigla akong lumabas ng room after kong magbihis. Aba! Sa wakas mawawala na rin ang connection niyang ni Jen kay Erich. May naamoy kasi akong baho diyan sa babaeng yan at sigurado akong may baho siyang tinatago kasi hindi namang pwede sa akin nanggaling yung baho, nakaligo na ako.

"So saan tayo magsisimula?" I ask her habang papunta na kami sa labas ng gate ng mansion nila Gift.

"ANOOOOOO!?---AWWW!"

"Wala pa kasi akong sinabi." pagsita sa akin ni Jenny habang may matching pitik pa. "There you go again."

Nandito kami ngayon sa taxi. Ewan ko nga kung saan kami pupunta kasi address lang sinabi niya. *pout*

"Ay ganun ba? Hehe." inayos ko yung nakalugay kong bangs. "Saan ba kasi ?"

"Pupunta tayo kela Sophia." 

"Ahhh." buti naman sinabi na niya. Pabitin pa eh. "Saan yun? Sino yun?"

[ Gillian's POV ]

"Hello, good afternoon. This is Gillian. Gillian Axoma. May I ask if natrace niyo na po kung nasaan si Erqin?" bigkas ko habang nanginginig ang boses ko.

It's been awhile since mawala si Erq. Hindi ko masabi sa mga pulis na may kinalaman si Erich dito kasi una, I don't have any evidences. Pangalawa, for sure ay iisolate lang nila yun kasi isa sa pinakamaimpluwensya sa buong bansa ang Hemsworth family.

The Twins and The Bestfriends (JaDine and KathNiel fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon