Chapter III - First Day Of School (Part 1)

10.5K 313 46
                                    

AUTHOR: Ang ikli ng POV ni Gift nuh? MHAHAHA! Guys remind niyo ako if may maling part or magulo. Irerevise ko. Maganda ba? Nakaka-excite? Anu? Sabihin niyo. Wag kayong mahiya kasi ako, hiyang hiya na. Hahaha!

Dedicated para sa mga nadedicate ko last chapter tapos kay Cecilia Ricot at marami pang iba. Haha

Keep supporting and vote for my story guys! :)) Comment kayoooo!

***

[ Jenny's POV ]

*Kruuuung kruuuuung*

Ang aga-aga nanggugulo 'tong orasang 'to. Anung oras na ba?

*tingin sa orasan*

8:30 AM pa lang!? Hati ang beauty rest ko. 1PM ako kadalasang nagising eh. Teka nga gigisingin kona 'to si Jell.

Dumiretso ako sa kama ni Jell. Nakatayo ako sa harap ng kama niya.

"Jell, alam kong tatlong araw ka matulog pero kelangan mo na gumising kasi may pasok pa tayo."

Kala ko gigising na. Aba! Walang kaimik-imik. Ay, sabagay, nagha-hibernate ata. Tinutusok-tusok ko na yung tiyan niya, nagbabakasakaling magising siya pero hindi.

"Jell! Gumising ka na."

*tusok sa tiyan*

"Jelly, ang lambot ng tiyan mo. Huy Jell! Twin! Sis! Gaga gumising ka na!"

Sa sobrang irita ko hinablot ko na yung kumot niya. Nagulat ako sa nakita ko.

Bali-baling katawan ni Jell ang nakita ko habang may bimpo na nakapalibot sa bibig niya.

Hindi joke lang. Hahaha. Imagination ko lang. Puro unan ang nakita ko. Ibig-sabihin, nakapagligpit na siya ng higaan niya? maaga siyang nagising?

Dumiretso ako sa baba kasi nagugutom na ako eh. Nakita ko si Jell na nasa baba at hindi naako nagulat sa ginagawa niya kasi siya ulit ay. kumakain.

"Hoy! Ikaw naman, bakit di mo ako ginising? Kumakain ka na pala."

"Di kita ginising kasi alam kong uubusan mo ako ng kakainin."

"Eh halos wala ka na ngang ititira at halos ubusin mo na yan eh."

Umupo na ako sa table tapos nagsimula na akong kumain para di ako maubusan ng kakainin. Naligo na kami ni Jell after we ate tapos nag-ayos na ng sarili. 10 AM kasi start ng pasok namin. Pinaalalahanan kami ni Daddy na dumiretso agad sa driver namin, makinig sa classes, mga chuchu chuchu at higit sa lahat... wag daw kaming magboboyfriend. Well, sinusunod ko naman sila doon kasi puro crushes lang naman meron kami ni Jell and besides, my beauty is for that one and only boyfie that I will meet sooner or later.

***

*school bell ringing*

"Jell."

"Oh?"

"Before we go. Don't call me ate"

"Bakit naman Jen?" Tingnan mo 'to. Nagtanong ka pa eh sinunod mo naman.

"Eh kasi... uhmmmm.. I'll look like older than all of you."

"Eh? Yun na yun?"

"Oo, Bakit?"

"Wala naman. Haha. Tara na Jen! Jen let's go! C'mon Jen! hahaha!" Napasarap ata 'to si Jell. Hindi kasi siya pinapayagan ni mommy na tawagin akong Jenny lang kasi mas matanda daw ako ng 2 minutes and 15 seconds. Ayaw ko naman kasi magmumukhang akong matanda, eh kambal kami!

Pumunta na kami sa sinabing room. Sakto lang pagdating namin kasi nagtatawag na yung prof for attendance. Well, hindi naman talaga sila prof na as in prof. Mas focus sila sa acting, singing at dancing kesa sa Math, Science at History stuff. Heaven diba?

The Twins and The Bestfriends (JaDine and KathNiel fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon