Chapter 2

2 1 0
                                    

Ninakawan ng halik

Pumasok na sa court ang mga players kaya dumoble ang hiyawan ng mga babaeng malandi katulad nalang kay chelzee na parang nakalunok ng speaker.

"Hinay hinay naman chelzee sa pagsigaw basag na eardrums ko dahil sayo!" inis kong saad ko dito.

"Sori pi"saad nito sabay peace sign.

Kaya pala todo sigaw ang malanding babae kasi kasama pala si Generald sa maglalaro.

"Go Hilary!" sigaw ni Jennyl
Tinakip ko nalang ang dalawa kong kamay sa aking tenga. Kaya ayaw ko sumama sa kanila pag ganito eh kasi parang may mga  speaker sila sa bibig kong makasigaw wagas.

Na bigla ako na pati din pala si Khairo ay maglalaro. Aaminin ko gwapo talaga ito kaya maraming nahuhumaling dito. He looks so good in his jersey. Ngayon ko lang natitigan ng matagal ito he look like a greek god. Pointed jaw line kissable lips dominant biceps at sigurado akong sa loob ng kanyang jersey ay may nakatago ditong pandesal. Wait---erase bakit ko ba pinagnanasaan itong abnoy na ito.

Siguro nahawa lang ako sa mga malalanding babae na nasa likod namin na panay sigaw kay Khairo. Tama hindi ko talaga siya pinagnanasaan nahawa lang talaga ako. Siguro kailan ko ng pumunta sa simbahan mamaya upang magdasal na sana gabayan ako ng panginoon at ilayo ako sa mga demonyo na tulad nito.

Nanlamig ako ng lumingon ito sa pwesto ko. Diritso itong nakatingin sa akin. Parang nag slow motion ang lahat at ang tangi ko lang naririnig ay ang kabog ng aking dibdib.

"Xianna ayos ka lang?" tanong ni Jennyl.

"Ayos lang ako" simpleng saad ko.

Hindi ko alam na nakatulala na pala ako. Dilikado na itong nangyayari sa akin. Parang hindi na tama siguro mamaya pagkatapos kung pumunta sa simbahan pupunta narin ako sa hospital baka may sakit narin ako sa puso.

Omayghad ano naba ang nangyayari sakin.

Nagtagisan na ang mga manlalaro. Lamang ng two points ang grade 12 kay sa grade 11 kasi naman mas hamak na mas matatangkad ang mga grade 12 students. Time out muna kaya hinila agad ako nilang chelzee at jennyl patungo sa mga grade 12 na player.

"Bakit dito kayo sumuporta diba dapat sa grade 11 tayo?" tanong ko sakanila.

"Girl dito talaga kami susuporta dahil nandito ang mga baby loves namin" saad ni chelzee na parang kinikilig.

Binigyan ni chelzee ng gatorade si generald. Si jennyl naman pinupunasan nito si Hilary. The heck! parang thirdwheel na ako nito ha. Ang sweet naman ng mga kaibigan ko iniwan ba naman ako sa gitna at nagsikanyang asikaso sa mga boyfriend nito.

"Can you hand me the mineral water" saad ng nasa tabi ko.

Si Khairo pala alam talaga nito ko pano ako bwesitin. Ano siya gold para utosan niya ako. Not in my sexy flawless gorgeous body.
"Pungkol ka!" sabi ko in bisaya.

"Alien ka talaga minsan no!" inis na saad nito kasi hindi nito na intindihan ang sinasabi ko.

"Can you please give me the water nasa gilid mo lang nakalagay!" sarkastiko nitong singhal.

Paglingon ko sa gilid ko may mga karton pala don na ang laman ay bottled mineral.

"Oh" sabay bigay ko sa kanya ng bottled mineral water.

Napahiya ako dun ah. Edi wow nalang sa kanya. Inirapan ko ito.

Tapos na ang time out kaya nagsimula na ulit ang laro. Mas naging wild ang mga manood dahil nagka tie ang grade 11 at grade 12 mas naging mainit ang laban. Pinasa ni Hilary ang bola kay Khairo at nag 3 points. Mas lumakas ang hiyawan ng mga manood.

"Woah ang galing mo babi!" Saad ni Jennyl na sobrang proud kay Hilary na para bang ito ang naka shoot sa bola tsk.

Panalo ang grade 12 kaya hinila agad ako ng dalawang malalandi.

"Ang galing mo dun love!" proud na saad ni Chelzee kay Generald.

At kinindatan naman ni Generald si Chelzee. Kaya ayon ang lola namula halatang kinilig.

"Congrats babi!" Saad ni Jennyl kay Hilary.

Yinakap naman siya nito kaya ayon si Jennyl kinilig din.

Umasim ang mukha ko sa nakikita. Ganon ba talaga pag nakita na nila ang mga boyfriend nila parang nakakalimutan nila na may single silang kaibigan dito!

Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko na ang p-pda. Lord ganito nalang ba palagi maiingit nalang ba talaga ako.

Nakita ko si Khairo dinumog ito ng mga babae. Tsk sana hindi kana makahinga.

Patungo ito sa pwesto ko. Seryoso itong naka tingin sa akin. At aaminin ko ang hot ng papi niyo!

Basa ang buhok nito dahil sa pawis. Tumutulo pa ang pawis nito sa leeg. Gosh bakit ang sarap niyang hangkan pag ganyan siya ka seryoso tumingin sakin.

Bumalik lang ako sa ulirat ng pitikin nito ang aking noo. Ah shit ang sakit ng pagka pitik nito.

"Ang sakit non ha!" madamdamin kong singhal.

"Eh kasi tulala ka miss na gwagwapohan ka ba sakin?" pilyong tanong nito may multo din ng ngiti sa labi.

"Ikaw gwapo baka gago!" Inis kong singhal.

"Eh bakit ka natulala kanina?" tanong ulit nito.

"Kasi ngayon ko lang na realise na gaano ka pala ka pangit"

Nagsalubong ang kilay nito. Oh galit na naman si mister grumpy! Haha

"So are you saying that I'm ugly?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo" simple kong saad.

"Sa mukha kong to madami ng babae ang nababaliw sakin baka nga ikaw ma baliw din!" Saad nito.

"In your wet dreams" saad ko bago ngumise.

Halos sasabog na sa galit si Mr. grumpy haha ang sarap talaga nito asarin.

"In your wet dreams pala ha" saad nito.

Sabay hablot sa braso ko kaya ayon tumama ang labi ko sa labi niya. Oo tama ang inyong iniisip nahalikan ako ng gagong ito.

Tinulak ko ito kaya napabitiw ito sakin. Gago first kiss ko yun! Tadhana bakit naman sakanya napunta ang first kiss ko. Matatangap ko pa kung sa mahal ko pero sa taong kinaiinisan ko bakit!

Mabilis akong kumalas gago ba siya! Nagnakaw ba naman ng halik sakin.

"Hoy! Bakit kaba nanghahalik bigla?!" pagalit kung singhal.

"Uy namumula siya kinikilig yan" saad nito sabay tawa ng malakas.

Mas lalong nag-init ang mukha ko sa galit. Kaya sinipa ko ang binti niya bigla. At nag walk out agad ako. May araw ka din sakin!

"Hoy bakit ka naninipa!" sigaw nito.

Hindi ko na nilingon pa ang buang bahala siya sa buhay niya!

Stars In The Sky (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon