Kaaway
Nagtagisan pa kami ng tingin nung hambog na lalaki na yon. Siya ang unang bumawi ng tingin. Tumingin ulit ito sa akin pero inirapan ko to na halos puti na lang ang makita sa mata ko.
"Okay ka lang girl parang sinaniban ka jan ah" sabi ni Chelzee sabay halakhak.
"Wala na bad trip lang talaga ako kasi nakita ko na naman yung damuho!"
"Oh ito na ang order mo" saad ni Jennyl.
"Thanks"
Panay ako subo habang kumain. Sila naman Jennyl at Chelzee ay may pinagc-chismisan. Hindi na ako sumabat pa sa kanila.
"Uy girl gwapo nung nasa smaw no yung si Generald" saad ni Chelzee na kinikilig.
"Bago mo na naman yang ka fling?" tanong ko kay Chelzee.
"Oo hihi ang gwapo kasi"
"Pag ikaw umiyak dahil jan hindi talaga kita e cocomfort!" Saad ko.
Eh paano naman kasi kahapon iba ngayon iba na naman dami talagang lalaki nitong si Chelzee.
"Jennyl manonood kaba mamaya?" tanong nung lalaking bagong dating.
Yun yung lalaking kaibigan nung buang na kinaiinisan ko.
"Sige manonood ako e sasamama ko tong dalawa kong kaibigan" bibo saad ni Jennyl.
"Okay kitakits nalang mamaya sa basketball court" sabi nung lalaki tapos pumunta sa table nung buang kung kaaway.
Tumingin na naman sa akin yung abnoy inirapan ko na naman ulit ito. Kunti nalang iisipin ko na may crush yung lalaki na yun sakin kasi papansin.
"Hoy sino yun ha?" kuryuso kung tanong.
"Ah si Hilary" tipid nitong saad.
"Diba kaibigan yun nung kaaway ni Xianna?" tanong ni Chelzee.
"Oo best friend sila ni Khairo" saad ni Jennyl.
"All this time kilala mo pala yung hinayupak na yun?" gigil kong saad.
"Xianna ngayon ko lang nalaman na si Khairo pala yung kaaway mo" mahinahon nitong sagot.
"Pano mo sila nakilala?" usyoso ni Chelzee.
"Eh kasi ganito yun klasmet ko sila nung pre-school ako"
Tapos na kaming kumain kaya pumunta na kami sa room baka kasi dumating yung teacher namin.
Nang may pumasok bigla sa room namin.
"Hello everyone wala ngayon si miss natividad kaya ako muna ang mag bibigay sa inyo ng quiz" saad ni Khairo.
Of all people bakit siya pa. Oo nga pala natanong ko kay Jennyl kanina na Grade 12 HUMSS din ito kaya senior namin ito.
Nagbulongbulongan agad ang mga ka klase kung mga babae. Parang ngayon lang ito nakakita ng lalaki.
"Ah Khairo kailan papasok si ma'am Natividad?" Saad ni Bianca ang social climber kung klasmet.
"I don't know pero baka next week papasok na si ma'am Natividad" saad nito.
"Sana ikaw nalang pa lagi ang magtuturo Khairo para hindi boring" saad ng isa ko pang pabebe na classmate.
Duh bakit ba sila gwapong gwapo kay Khairo eh ang sama ng ugali niyan eh.
"Sexy mo tignan sir Khairo kapag nagsusulat sa board parang na tanggal yung panty ko bigla" malanding saad ni Honey Rose.
Naghiyawan naman ang mga ka klase ko. Bwesit ang ingay ng room. Buti pa kung si ma'am Natividad ang nagtuturo parang sementeryo ang room dahil sa tahimik.
Tumawa lang yung demonyong lalaki na yun na parang bang nasiyahan yata sa paglalandi ni Honey Rose.
"Sexy talaga ako Honey" saad nito na parang nanglalandi rin.
Pakengshet ano ba talaga maglalandian nalang ba sila or mag q-quiz kami nagmumuro na talaga yung lalaki yan sa akin ha!
At naghiyawan na naman ang mga bobo kung mga ka klase.
"Okay silence everyone" saad nito at nagsitahimik na ang mga badjao kung ka klase.
Nag bigay ito ng quiz na sasagutan namin.
"Psst ano ang number 8 mo? Tanong ni Chelzee.
"Huh? Di kita masyado marinig" saad ko dito.
"What's the problem there Miss Novazon?" saad ni Khairo.
Patay pinandilatan ko ng mata si Chelzee ng dahil sa kanya pag-iinitan na naman ako ng abno na ito.
"Nothing" saad ko.
Tapos na akong sagutan ang quiz kaya tumayo na ako upang ipasa ito.
Pagkaharap ko didto ay parang kinalibutan ako hindi dahil gwapo siya kundi parang may demonyo akong kaharap. Naiinis parin ako sakanya hanggang ngayon.
"Wag ka munang aalis Miss Novazon tulungan mo akong bitbitin lahat ng quiz paper" saad nito sa baritonong boses.
Pakengshet parang ma h-highblood ako nito sa wala sa oras argh! ginagalit talaga ako nitong buang nato. Bakit pa ako pa ang gusto niyang tumulong e marami namang willing na tumulong halimbawa na lang si honey rose na ang lagkit kung tumingin kay khairo.
"Xianna tapos kana ba jan? Tanong ni Jennyl.
"Una nalang kayo sa court ipapatulong pa ako ng abno" saad ko.
"Oh sige sunod ka agad ha" saad ni Chelzee.
Paglingon ko sumalubong agad sakin ang nakakunot noong mukha ni Khairo. Syempre umatras ako noh ang lapit kaya niya saakin na parang kunting tulak nalang mahahalikan na niya ako.
"What did you say?" saad nito na parang na iirita.
"Ana ko abno ka" saad ko in bisaya.
"Anong sinasabi mo alien kaba" saad nito sabay tawa.
Hindi ko na ito pinatulan pa. Nag iinit na talaga ang bunbunan ko sa inis na buang nato arghh!
Sabay na kaming lumabas sa room para pumunta sa faculty room kung saan namin dadalhin ang mga quiz paper.
"Oh saan ka pupunta?" tanong nito.
"Edi sa lugar na wala ka!" inis kong saad nito.
"Baka nakakalimutan mo na may atraso kapa sakin"
"Eh ano naman ngayon!" singhal ko dito.
"Because of you I got a 91 grade kaya may atraso ka talaga sakin!" gigil na saad nito.
"Oh bakit galit ka ang laki pa din ng grade na nakuha mo!" singhal ko ulit dito.
"Never in my life that I got 91 lahat na grade na nakukuha ko 95 pataas kaya sabihin mo sa akin bakit hindi ako magagalit sayo!" balik singhal nito sakin.
Laglag panga akong naka tingin dito ngayon lang ako nakakita ng lalaking subrang grade conscious. At the heck! 91 ang pinakababang grade na nakuha niya. Ako pag nakakuha ako ng 91 subrang saya ko na non.
"Dre mag s-start na ang game" saad nong isang tropa niya na sumabay na sa amin na lumakad.
Pagkapasok namin sa court subrang ingay. Hinanap ko agad silang Jennyl at Chelzee kung saan ito naka pwesto.
"Xianna lika dito!" sigaw ni Chelzee.
Sumuong ako sa dagat dagat na tao para lang maka punta ako sa pwesto nila.
"Dzai bakit ang tagal mong sumunod?" tanong ni Jennyl.
"Pumunta pa kasi kami sa faculty" simpleng saad ko.
BINABASA MO ANG
Stars In The Sky (On-going)
Novela JuvenilSaksi ang mga bituin sa pagmamahalan nating dalawa. Saksi siya nong na wasak ang puso ko dahil sayo. "Sana hindi nalang kita nakilala...Sana hindi nalang kita minahal" masakit kong saad. Start: April 6 2022