Nasaktan
Nasa school nako habang nakaupo sa may armchair ko. Hindi pa dumating ang dalawa kong kaibigan kaya nag headset muna ako. Mga lima pa kami sa room kasi sobrang aga pa.
Busy ako sa pag scroll sa news feed ko sa fb ng madaan ko ang picture ni Khairo na may ka akbay na babae naka tag ito sakanya kaya nakita ko ito.
Umasim ang pakiramdam ko sa nakita. Oo na. Aaminin ko na gusto ko si Khairo hindi ko alam kung pano nagsimula. Basta ngayon gusto ko na ang abno na yon. Hindi ko maintidihan ano ba ang gagawin ko sa nararamdaman ko.
Tinangal ko na ang suot ko na headset then I turn of my phone. Siguro lalabas na muna ako habang wala pa silang Jennyl at Chelzee.
Naglalakad ako sa may corridor ng marinig ko ang boses ni Khairo. Kaya pupuntahan ko sana siya ng may makita akong babae siyang kausap.
"Everything gonna be okay wag ka mag-alala I'm always here in your side" pagpapatahan nito sa babaeng umiiyak habang hinahagod nito ang likod nito.
Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa pwesto ko. Patuloy parin sa pag cocomfort si Khairo sa babae at ilang minuto ay nag pasya na silang umalis.
Nagtago agad ako para hindi nila ako makita. At dun nasilayan ko ang mukha ng babae. Ito yung kasama niya sa picture. Tingin ko sobrang close nila sa isa't isa.
Pinagmasdan ko ang mukha nito. Mukha itong anghel in short maganda talaga ito. Kulot ang buhok hanggang bewang maputi rin ito. Mukha itong may lahing foreigner at mukha din itong ka edad lang ni Khairo. Tinitigan ko ang babae na sobrang opposite sakin kasi straight ang buhok ko na hanggang balikat ko lang din. At hindi rin ako masyandong maputi at may pagka chinita rin ako.
Habang tinititigan ko sila lumalakad papalayo kumirot ang puso ko.
Ininalis ko agad akong tingin ko sa kanila ng tawagin ako nilang Chelzee at Jennyl dumating na pala ang dalawa. Hindi ko namalayan abala kasi ako sa pagmamasid kina Khairo.
"Saan ka ba galing?" tanong ni Jennyl.
"Dito lang" simple kong saad.
"Okay ka lang?" tanong ni Chelzee na mukhang nahalata ang pagiging walang gana ko.
"I'm fine!" Saad ko pilit pinasigla ang boses sabay ngite ng pilit.
"Sure ka? Parang may problema ka" nag-alala na saad ni Jennyl na nahalata na ang pagka walang gana ko.
"Okay lang talaga ako tara na sa room!" Saad ko sabay pilit na ngumise sa dalawa.
Mabuti naman naniwala ang dalawa kaya pumasok na kami sa room.
Sobrang ingay na ng room. Parang kanina lang ang tahimik dito.
Dumating na ang aming professor kaya tumahimik na din ang mga kaklase ko. Habang nag lelecture ang professor namin wala akong ibang iniinisip kundi yung nakita ko kanina. Bakit parang sobrang close sila. Matagal na ba sila magkakilala.
Natapos na ang klase namin na walang pumapasok sa utak kundi si Khairo lang.
"Punta muna tayo sa cafeteria gutom na ako" saad ni Jennyl.
Kaya napagsyahan namin na pumunta na sa cafeteria dahil gutom na din ako.
Umupo kami sa usual seat namin. Doon sa may gilid. Si Chelzee at Jennyl ang nag oorder kaya ako na naman ang naiwan.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong cafeteria ng magtama ang tingin namin ni Khairo. It feels nostalgic parang kailan lang ganito rin ang nangyayari. Ang kaibahan lang ngayon hindi galit ang nasa mata niya ngayon kundi hindi ko mapalangnganan na emosyon. Nagkakatigan kami ng matagal at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Naputol lang ang pagtitinginan namin ng dumating yung babaeng kasama niya kanina.
Lahat ng saya na nararamdaman ko ay biglang nawala at na palitan ng kirot.
"Carbonara ang inorder ko dahil alam ko na paborito mo ito" saad ng babae habang nakangite.
Ngumite lang si Khairo sa babae at kinain ang Carbonara. Biglang may asido sa aking sikmura. Nang dumating na silang Jennyl at Chelzee dala ang mga order namin.
"Oh burger mo tapos C2 mo" saad ni Chelzee.
"Thanks" saad ko.
"Okay ka lang ba talaga Xianna kanina ko pa napapansin na ang tamlay mo may problema ba?" nag-alalang saad ni Jennyl.
"Wala okay lang ako no!" Saad ko sabay tawa ng peke.
"Wag mo kaming lokohin alam namin na pekeng tawa yun ano ang ba problema mo?" saad ni Chelzee na nag-alala rin.
"Basta wag niyo nalang ako pansinin" saad ko na pilit pinapaligaya ang boses.
Tapos na kaming kumain. Nang tingnan ko ulit silang Khairo at yung babae tumatawa silang dalawa. Ang sakit naman.
Iniwas ko nalang ang mata ko. Pumasok na naman kami sa classroom dahil may klase pa kaming kasunod.
Tapos na ang klase namin sa philosophy kaya pwede na umuwi. Linigpit ko na ang mga gamit ko ng biglang magsalita si Jennyl.
"May practice silang hilary xianna manonood kami sama ka?" saad ni Jennyl
"Sige" simple kong saad.
"Wag ka mag-alala maraming gwapo na kasama silang Generald at Hilary!" Saad ni Chelzee.
"Okay!" tugon ko dito.
Pagpasok namin sa basketball court nagsisimula na ang practice. At tama nga si Chelzee maraming gwapo na kasama silang Generald pero si Khairo parin ang pumapasok sa isipan ko. Iginala ko ng tingin ang buong basketball court pero wala si Khairo dapat nandito na ito dahil may practice sila.
"Diba kasama nilang Generald si Khairo?" tanong ko kay Chelzee.
"Oo pero baka na late kaya wala pa" saad ni chelzee.
Nang biglang pumasok sa loob ng basketball court si Khairo kasama yung babaeng kasama niya kanina.
"Sorry couch I'm late" saad ni Khairo sa couch nila.
Tinitigan ko yong babae. Bakit magkasama parin sila hanggang ngayon hapon na ah!
Tinignan ko si Khairo habang dinidribble ang bola ng biglang tumingin ito sakin habang shinoot ang bola.
"Good Khairo 3 points!" Saad ng couch nila.
Iniwas ko agad ang tingin ko sakanya. Hindi dapat ako maging marupok isang titig lang okay na. Pa fall ang abno hindi niya alam na habang naglalaro lang siya nasasaktan na ako.
BINABASA MO ANG
Stars In The Sky (On-going)
Teen FictionSaksi ang mga bituin sa pagmamahalan nating dalawa. Saksi siya nong na wasak ang puso ko dahil sayo. "Sana hindi nalang kita nakilala...Sana hindi nalang kita minahal" masakit kong saad. Start: April 6 2022