Chapter 7

0 2 0
                                    

Your mine

Pagkatapos ng pagkikita namin ni Khairo sa may basketball court hindi ko na ulit siya nakita. Dahil iniiwasan ko na siya. Alam ko ako lang may gusto sakanya. Alam ko laro lang ito sakanya. Alam ko sa huli ako lang ang masasaktan.

Nasa room na naman ako nag heheadset habang hindi pa pumapasok ang susunod namin na professor. Nang biglang pumasok sa room namin si Khairo.

Nagulat ako dahil pumasok siya kaya tinanggal ko ang headset ko.

"Okay grade 11 HUMSS dahil absent si miss Desilva ako muna ang magbibigay ng oral sa inyo" saad ni Khairo habang nakatingin sakin.

Kaya iniwas ko ang tingin sa kanya at sa White board nalang tinutok ang tingin.

"So this is the question miss Desilva give to me" saad nito.

Nagtawag na siya ng pangalan tapos pangalan ko na ang tinawag niya.

"Your question is mas mabuting bang e give up nalang kung masasaktan ka rin naman?" tanong ni Khairo.

Ang topic kasi namin is about love kung paano mo ito e hahandle.

"Oo kasi bakit pa kayo mag s-stay sa relationship kung walang kasiguruduhan at magkakasakitan lang kayo" saad ko.

"Bakit e g-give up mo? what if maayos pa ninyo. What if magkakaroon pa kayo ng label?" buwelta sakin ni Khairo.

Kaya uminit ang bunbunan ko bakit pa siya nakikipag debate sakin. Psh!

"Eh kasi paasa ka! Kasi akala ko ako lang. Akala ko totoo mga sinasabi mo eh ako naman si tanga nahulog agad sayo!" Inis kong buwelta sakanya.

"Eh paano kung hindi ako paasa. At totoo ang mga sinasabi ko. At kung sabihin ko sayo na nahuhulog na rin ako sayo!" Inis na singhal din ni Khairo sakin.

Natahimik ang buong klase dahil sa sagutan namin ni Khairo. Pati si Jennyl at Chelzee ay pareho sa mga classmate ko na gulat ang reaksyon.

"Aherm pasensya na class thank you for your answer Miss Novazon" saad ni Khairo sa seryoso na boses.

Ilan minuto lang din ay naka recover agad ang mga classmate ko sa sagutan namin ni Khairo at nag patuloy ang oral.

Tapos na ang aming klase at nagsi alisan na ang mga classmate ko. Nagligpit na rin ako ng gamit ng tawagin ako ni Khairo.

"Xianna pwede bang mag-usap tayo?" malumanay na saad ni Khairo.

Hindi ko ito sinagot o nilingon nagpatuloy lang ako sa pagliligpit ng gamit.

"Una nalang kami sayo Xianna!" Saad ni Jennyl at sabay sila ni Chelzee na umalis at iniwan ako.

Kami nalang dalawa ni Khairo ang naiwan sa room. Tinitigan ako nito ng seryoso na nagpatindig ng balahibo ko. Malamig ang titig nito parang galit ito sakin. At bakit siya magagalit eh ako nga ang may karapatang magalit sakanya! Dahil may kalandian siyang iba.

"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong nito habang humakbang palapit sakin kaya napaatras ako.

"A-at bakit naman kita iiwasan?" saad ko kahit parang nanglalambot na ang tuhod ko dahil sa malamig niyang titig.

"Bakit nga ba?" tanong nito pabalik sakin habang humakbang ulit ito palapit sakin.

Umatras ako pero wala na akong maatrasan dahil White board na ang likod ko.

"Ano ba ang ginagawa mo?" tanong ko kabado dahil sobrang lapit niya sakin.

Ilang pulgada nalang ang lapit niya sakin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Tinitigan ko sa mukha si Khairo at lalo ko napagtanto sa sarili ko kung gaano ko siya ka miss. Ilang araw ko din siyang iniiwasan.

"Alam mo ba na halos ako ma baliw nung hindi mo ako pinapansin tapos iniiwasan mo pa ako!" singhal nito sakin.

Sige pa Khairo sabihin mo lahat. Sabihin mo sakin gaano mo ako ka miss. Kung gaano mo ako ka mahal.

"Alam mo ba tinanong ko pa sila Jennyl at Chelzee kung bakit ka malamig sakin?!" galit na tugon nito.

Sige masalita ka pa. Magalit ka Khairo at hanggang masabi mo sakin na nahulog ka narin sakin.

"I miss you" mahinang saad nito sakin habang hinaplos nito ang pisnge ko.

Nalulunod na ako sa mga titig niya. At bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pero ngayon may mga parang paro paro na nagliliparan sa tiyan ko. At ngayon hindi slomo ang nakita ko kundi fast forward. Ngayon nakikita ko ang sarili ko na naglalakad patungo sa altar kung saan siya naghihintay.

"I love you" paos nito na saad.

At ngayon tanggap ko na lahat ng mga posibilidad masaktan man ako basta mahal ko siya. Masaktan man ako basta lumaban ako. Masaktan man ako basta hindi ako nagsisi kung bakit hindi ko pinaglaban ang pagmamahal ko sakanya.

"I love you too" paos ko ring saad  sakanya.

Khairo smile at me. He's precious smile. At gagawin ko lahat maging masaya lang siya. Gaya ng mga bituin sa kalangitan na hindi mawawala sa tabi ng buwan. Mawala man ang buwan dahil sa araw ang mga bituin ay nandon parin naghihintay sa buwan na bumalik. Naghihintay na gumabi para makita na naman niya ang buwan. At kung may mga gabi man na ang mga bituin ay di makikita pero hindi yun maging matagal dahil babalik at babalik talaga ang bituin sa piling ng buwan.

And then Khairo kiss me. Not just gentle but passionate. Parang binubuhos niya lahat ng pagmamahal niya sakin don sa halik na yun.

Hinabol ko ang hangin pagbitiw niya sa halik. Humihingal si Khairo habang nakatingin sakin. Nakita ko ang sarili ko sa mga mata niya. I fall for Khairo fast hard and deep. Ngayon hindi ko alam kung paano umahon. At ayaw ko na umahon. At kung panaginip man ito ayaw ko ng magising.

"Tara alis na tayo" saad nito habang parang pinipigilan humalakhak.

"Ba't ka tumatawa?" tanong ko.

"Cute mo kasi" saad nito habang nakangise.

"Hmp wag ka nga!" Inis kung saad para hindi niya mahalata na kinikilig ako.

"Now that your mine wala ng pwedeng lalaking magka gusto sayo dahil akin ka lang your mine alone" seryoso nitong saad.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat. Yes I'm all yours Khairo Hayle Villegas saad ko sa isip.

"Your so pretty babe" paos na sabi ni Khairo na siyang nagpalambot sa tuhod ko lalo.

Stars In The Sky (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon