Chapter 9

0 1 0
                                    

Bitter sweet

Lumipas ang mga araw na puno ng kilig at saya.

Nasa basketball court kami ngayon. Nagprapractice kasi silang Khairo dahil malapit na ang final game.

"I miss you guys!" matinis na sigaw ni Chelzee.

Ngayon lang kasi kami nagkasamasama. Busy kami sa mga jowa namin nong nakaraan. Sanaol diba.

"Miss you too" saad ko habang tumatawa.

Tapos nag group hug kaming tatlo. Parang mga abno lang HAHAHA.

Nasa room na kami habang naglelecture ang proof. Pagkatapos mag lecture nito ay linigpit ko na ang mga gamit ko.

"Guys una na ako sa inyo ha" saad ko sa dalawa.

Nasa may labas ako ng classroom ni Khairo para hintayin ito. Ilang minuto din ay tapos na ang klase ng mga ito at nakita ko na si Khairo na lumabas kaya kinilig na naman ako. Shesh Khairo you never failed to make me this way.

"Sorry boss babe kung pinaghintay kita" saad nito sabay halik sa noo ko.

"Okay lang" naka ngiti kung tugon dito.

Nasa mall kami ngayon dahil nagyaya si Khairo na mag date kami. Tinawagan pa niya si mama para magpaalam. Nasa jollibee kami ngayon nag-oorder dahil ginutom kami.

Si Khairo ang nag-order. Nakakita naman ako ng bakanteng upuan kaya don na ako pumuwesto.

Ilang minuto lang din ay dumating na si Khairo dala ang mga inoorder nito.

"Ang dami naman nito" saad ko.

"Dinamihan ko talaga kasi ang payat mo na" tugon naman nito.

"Hindi ako payat no sexy ang tawag dito!" saad ko.

"Tsk. Wag kana maraming dada kumain ka nalang" sagot nito.

Kumain na kami. Nag-asaran pa kami. Gago ba naman na Khairo kinuhanan ako ng picture yung sumusubo pa ako ng chicken joy. Tapos na kaming kumain ng maisipan kung bumili ng libro kaya sinamahan niya akong pumunta sa national books store.

"Babe pagkatapos natin bilhin ang libro mo mag sine tayo" saad nito.

"Sige gusto ko yan!" maligaya kong saad.

Kaya naman pagkatapos namin na mag bayad sa counter sa libro kung binili ay pumunta na kami ng sinehan. Nakita ng mata ko ang now showing na tarpaulin ng isang horror movie kaya na engganyo akong panoorin ito. Matagal tagal na din akong hindi nakapanood ng horror movie puro na lang kasi love story ang pinanonood naming tatlong Chelzee at Jennyl pag nag sine kami.

"Sure ka babe na horror movie ang panonoorin natin? Hindi ka natatakot?" tanong sakin ni Khairo.

"Yes I'm sure!" excited kung saad ko.

"Pwede bang comedy nalang or action?" nag-aalangan na tanong nito.

"No gusto ko yang horror movie parang maganda" maligaya kong tugon dito.

"O-Okay yan gusto mo eh" saad nito na para bang napipilitan lang ito.

Wag niyang sabihin na takot siya sa horror movie. Pft isang Khairo Hayle Villegas takot sa horror movie natawa ako sa na isip ko.

"Bakit ka natatawa?" tanong nito.

"Wala pft!" saad ko.

Pumasok na kami sa loob ng sinehan. Ang dilim ng loob at ilan lang din kaming nanonood. Umupo na kami ni Khairo.

"Babe bili lang ako ng popcorn sa labas tapos juice na din" saad nito.

"Okay wag ka magtatagal malapit na magsimula ang movie" sagot ko dito.

At umalis na ito. Habang wala pa si Khairo may nakita akong mag jowa na naghahalikan sa may gilid. Like ghad guys hindi ito motel! Ang sarap sigawan ng get a room.

At paglingon ko naman sa bandang unahan ko may naghahalikan na naman. Ano ba ang nangyayari dito. Kinalibutan ako sa mga nakikita ko kaya sinilip ko na lang ang phone ko upang tignan kung anong oras na ng dumating na si Khairo dala ang isang malaking box ng popcorn at dalawang juice.

"Hindi pa nagsisimula?" tanong nito.

"Hindi pa.. oh ayan nagsisimula na" sagot ko dito.

Seryoso akong nanonood ng biglang may humawak sa braso ng lumingon ako si Khairo pala nakapikit ito halatang takot.

Kaya natawa ako dito. Minulat naman nito ang mga mata.

"Wala na yong White lady?" tanong nito sakin.

Kaya imbis na sagutin ito ay natawa na naman ako. Sino bang mag-aakala na isang team captain ng basketball team ay takot sa horror movies.

Nangbigla akong halikan nito kaya nagulat ako. Hindi lang ito simpleng halik. Expertong sinipsip at kinagat ni Khairo ang labi ko. Kaya naman napaungol ako dahil dito. The heck! Kanina lang may nakita akong naghahalikan hindi ko akalain na maghahalikan din pala kami ni Khairo. Take note sa sinehan pa kaya naman ginamit ko lahat ng lakas ko para maitulak ko si Khairo. Kahit maskin ako ay nanghihina at nalalasing na sa mga halik nito.

"Sorry babe hindi ko napigilan" nanghihinang saad nito.

Hindi na ako tumugon dito pumungay ang mga mata kung nakatingin dito.

"Next time I will remind my self na hindi na tayo manonood ng isang horror movie dahil iba ang nagagawa natin" saad nito kaya natawa ako.

Natapos ang movie na hindi ko na nasubaybayan ang istorya. Habang naglalakad kami palabas ng mall ay ang mga kababaihan ay tutok ang mata sa kasama ko. Kahit kailan talaga head turner talaga itong lalaking to.

Sumakay na kami sa motor niya at parang noong una lang din yung hindi pa kami mag girlfriend at boyfriend. Yumakap naman ako ng mahigpit dito. Hinahangin ang buhok ko sobrang gaan sa feeling yung kuntinto ka lang sa anong meron sayo. Yung sobrang saya mo dahil mahal ka rin ng mahal mo.

Huminto na kami sa tapat ng bahay namin. Hinubad naman ni Khairo ang helmet ko pagkatapos niyang hubadin ang sakanya. Nakatitig lang ako dito. I memorize all the features of his face.

"Babe grabi ka naman makatitig sakin" saad nito tapos tumawa

"Ang gwapo mo kasi" wala sa sarili kong tugon.

Kaya naman humalakhak ito. Na hypnotised naman ako habang tinitigan siya.

"I love you" saad nito sa mababang boses.

"I love you too" I happily said.

Sana hindi na matatapos ang araw na ito.

Kung sana ma ibabalik ko pa ang kahapon yung masaya pa kaming dalawa yung mahal pa namin ang isa't-isa

                                              •••••

"Uy tulala ka na naman!" saad ni Naya

Kaya naman napa tuwid ako ng upo. Hmm its been 5 years since the last time we see each other. And I'm so proud of my self na nakayanan ko lahat ng sakit. Now I finally move on. It's time to live my life happy yung hindi na ako mag-iisip ng nakaraan. Yung iisipin ko nalang muna ay yung ako. Now I'm going to love my self. 5 years ago was a bitter sweet memories.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stars In The Sky (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon