Lasing
Hindi ako mapakali saking kwarto nakabihis na ako pero nagdadalawang isip parin ako kung pupunta ba ako.
Sure kasi akong kami na naman ang pulutan dun. Aasarin na naman kami.
Nang biglang mag ring ang cellphone ko.
"Xianna ano pupunta ka ba or hindi?" tanong ni Jennyl.
"Ewan hindi ko alam" sagot ko sakabilang linya.
"Buang kaba anong ewan hindi ko alam. Halika na dito kanina pa naghihintay si Khairo sayo" ani nito.
"Oo na pupunta na!" pressured kong utas.
"Susunduin ka jan ni Khairo ge bye!" maligayang saad nito.
Sinuklay ko ang buhok ko para naman hindi akong mukhang bruha pag punta ko dun. Tapos nag perfume na rin ako para fresh tayo mga besh. Linagyan ko na rin ng kunting liptint ang lips ko para hindi naman akong mukhang patay.
Nang may makita akong pumaradang kotse. Bumaba na ako.
Nang makasalubong ko ang maldita kung kapatid.
"Ate sana ka pupunta?" maldita nitong tanong.
"Sa kanilang Jennyl lang"
"Isusumbong kita kilang mama at papa na umalis ka!"
"Eh di isumbong mo sumbongera!" maldita ko ring saad.
At lumabas na ako sa bahay. Grr kagigil talaga yang si xiandra lakas mang bad trip. Sumbongera pa. Wala kasi ngayon silang mama at papa dahil nandun sila sa tito ko. At tinawagan at nagpaalam naman ako kay mama kanina.
"Okay ka lang? Muka ka kasing bulldog na galit pft HAHAHAHA" Saad ng hambog na buang na si Khairo.
"Anong sabi mo?!" Gigil kong saad.
Kung kanina bad trip ako ngayon subrang bad trip na ako. Grrr. Nangigil na talaga ako sa Khairong ito. Ginawa ba naman akong bulldog. Gague ba u?! Pakshet lang ha. Bakit ang hilig nitong asarin ako. Bakit pag kami lang ang daldal niya! Bakit pag kami lang buang siya! Grrr kagigil!
"Sabi ko ang cute mo magalit" saad nito.
"Cute talaga ako!" singhal ko.
Tang na juice uminit ang pisnge ko. Bakit ako nangblublush. Sinabihan lang naman ako ng cute. Grrr.
Binuksan nito ang front seat kaya pumasok na ako. At sumakay na din ito.
Sobrang awkward ng paligid. Na ang maririnig mo nalang ay bawat hinga namin.
"A-ah... Nandun na ba silang lahat sa inyo?" mahinang saad ko.
"Oo tayo nalang ang kulang" saad nito.
"Ahh... Okay" saad ko.
"Nga pala xia sorry dun sa nagawa ko nung nasigawan kita" seryosong saad nito.
"Okay lang yun" ani ko.
Pagkatapos nun hindi na kami nagsalita. Pinagmasdan ko siya habang nagmamaneho ang hot niya. Ang tangos rin ng ilong niya. At ang curvy at taas ng pilik mata niya. Sheyt ang gwapo niya pag naka side view.
"Staring is rude miss pero pag ikaw why not pft HAHAHA" saad nito.
"Hindi kita pinagmamasdan no feeling!" defensive kong tugon.
Tawa parin siya ng tawa. Nabubuang na yata. Nang lumiko na kami sa may subdivision nakita ko ang bahay nila. Ang laki ng bahay nila hindi pala ito bahay kundi mansyon. Nakalimutan ko mayaman nga pala itong si Khairo.
BINABASA MO ANG
Stars In The Sky (On-going)
Teen FictionSaksi ang mga bituin sa pagmamahalan nating dalawa. Saksi siya nong na wasak ang puso ko dahil sayo. "Sana hindi nalang kita nakilala...Sana hindi nalang kita minahal" masakit kong saad. Start: April 6 2022