Napagtanto
Nasa kotse na niya ako. At ang init ng pakiramdam ko.
"Oh shit wag kang maghuhubad!" pahisteryang saad ni Khairo.
"Ang init eh!" Saad ko.
"Oh ito na linakasan ko na ang aircon!" Saad nito.
"Ang init parin!" Saad ko sabay tangkang hubad sa t-shirt ko.
"Sabing wag kang maghuhubad!" galit na saad nito.
"Eh ang init daddy!" Saad ko na parang bata.
"Wag mo akong tawaging daddy hindi mo ako sugar daddy!" Inis na saad ni Khairo.
"Sobrang init talaga dito sa kotse mo!" sigaw ko sakanya.
Nang biglang halikan ako nito. Nanigas ang mga kalamnan ko sakanyang ginawa. At bigla ring nawala ang pagkalasing ko.
"Sabi ko na nga ba kiss lang magpapatahimik sayo!" Saad nito.
Nakarating na kami sa amin. Kaya bumaba na ako sa kotse namin. Inalalayan niya akong bumaba. Medyo nahihilo parin kasi ako.
"Wag mo na akong alalayan papasok" saad ko.
"Baka mahilo ka kaya aalalayan kita hanggang pinto" seryosong saad nito.
Hindi na ako umimik habang inalalayan ako nito.
"Salamat sa paghatid" saad ko.
"Oh sige pasok kana bago ako aalis" tugon nito.
"Okay" simpleng saad ko.
Pagkapasok ko sa loob ang dilim na ng bahay mukhang tulog na si xianndra at hindi pa nakauwi silang mama at papa.
Pumasok na ako sa kwarto ko para makapaghinga. Masakit ang ulo ko at pagod ako sa byahe.
Naalala ko naman ang nangyari kanina. Bakit sa tuwing magkakatitigan kami ni Khairo bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit sa tuwing hahalikan niya ako napapraning ako. Bakit sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko nanlalambot ako. Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon ayaw ko munang bigyan ito ng kahulugan. Baka masaktan lang ako.
"Hoy ate gising na!" sigaw ng abno kung kapatid.
Naalimpungatan ako dahil sa sigaw xianndra. Kaya napabangon agad ako.
"May sunog? Saan?!" pahisterya kong saad.
"Anong sunog naka drugs kaba? Pinapagising ka lang ni mama!" maldita nitong tugon.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit parang mahahati ito. Hindi na talaga ako iinom ng alak tss. May hangover tuloy ako.
"Ba't ba kasi ka sumisigaw!" Inis kong saad.
"Eh kanina pa kita ginigising hindi ka nagising kaya sumisigaw nalang ako" saad nito.
"Oh sige baba na ako" tugon ko dito.
Napahawak ulit ako sa ulo ko ang sakit talaga. Parang pumipintig ito sa sakit. Hindi na talaga ako iinom!
Pumasok na ako sa banyo para maligo baka kasi mawala ang hangover ko pag maligo ako.
"Ate ano ba ginagawa mo diyan ba't ang tagal mo!" sigaw ng asungot kung kapatid.
Binilisan ko na lang maligo dahil ang ingay ng abno kung kapatid.
Pagkarating ko sa sala nagulat ako dahil nakaupo si Khairo sa may couch kaya napahawak agad ako sa may bandang dibdib ko dahil hindi ako nag bra dahil dito lang naman ako sa bahay ngayon.
"Hoy bakit nandito ka?!" mahina kung sigaw ko sakanya.
"Tinawagan kasi ako ng mama mo at sinabi na papuntahin ako ngayon sa inyo" sagot nito.
"At bakit naman?" kabado kong tanong.
"Aba ewan ko!" Inis na saad nito.
Sisigawan ko sana ulit si Khairo ng biglang dumating si mama.
"Oh Xianna bumaba ka na pala halina kayo sa kusina luto na ang pagkain" saad ni mama.
Sinamaan ko si Khairo ng tingin.
"Wag mo sasabihin kay mama ang nangyari kagabi" seryoso kong saad.
"Eh ano ngayon kung sasabihin ko" pang-inis na saad nito.
Hindi ko nalang ito pinatulan baka marinig pa kami ni mama. Na babadtrip talaga ako dito kay Khairo bakit ang kulit niya pag kami lang dalawa pero pag may iba kaming kasama ang tahimik niya. Shy type kuno yun bang pa mysterious epic siya. Hindi alam nila na abno ito si Khairo at isip bata.
Umupo na kami. Habang kumakain kami pabida masyado si Khairo kay mama. Na marami daw nagkakarandarapang babae sakanya. Which is true naman. Eh ano ngayon marami naman din lalaking nagkakagusto sakin. Hindi naman talaga ako pangit maganda kaya ako.
"Alam mo Tita sa tuwing nakakashoot ako maraming babaeng parang mahihimatay sa kilig" hambog na saad nito.
"Ang hangin hoooo!" sarkastiko kong saad at inirapan ito.
"Eh totoo naman talaga" hambog na saad nito habang naka taas ang isang sulok ng labi nito.
"Edi wow!" buwelta ko dito.
"Wag kayo mag aaway sa harap ng pagkain" saway ni mama sakin.
Kaya sinipa ko ang paa ni Khairo sa ilalim ng mesa. Bakit ba siya dito kumakain samin wala ba silang pagkain sakanila. Eh ang yaman kaya nila.
Tapos na kami kumain ng mag desisyon si Khairo na umalis na.
"Xianna ihatid mo si Khairo sa may gate" sigaw ni mama sa may kusina.
Nasa sala kami ngayon at sinimaan ko ng tingin ito. Bakit pa ba ko siya ihahatid sa gate eh malaki naman siya ano siya bata.
"Xianna!" sigaw ulit ni mama.
"Tara na para makaalis kana bwesita!" Inis kong saad dito sabay irap.
"Hoy ang maldita mo sakin eh may utang na loob kapa sakin kagabi!" Inis na saad din nito sakin.
"Eh ano ngayon?" sarkastiko kong saad.
"Natameme ka nga nong hinalikan kita" mayabang na saad nito.
Namula agad ako sa sinabi niya. Kaya madali agad akong lumakad paalis pero hinabol parin ako ni Khairo.
"Uy namumula kinikilig ka no?" tanong nito habang mapanuksong ngumise sakin.
"Buang ka talaga!" sigaw ko dito.
"Buang sayo pft!" Saad nito sabay hagikhik.
Lumaki ang butas ng ilong ko sa sobrang pagkabwesit. Alam talaga nito kung paano ako asarin.
"Tumahimik ka nga!" singhal ko.
"Akala mo hindi ko malalaman anong ibig sabihin ng buang senearch ko no!" Saad nito sabay tawa.
Kaya namula ako lalo. Pakshet ka Khairo. Habang tinitigan ko siyang tumatawa biglang nag slomo ang paligid na mute ang paligid at ang naririnig ko lang ay ang puso kung nagwawala. At dun ko napagtanto na ayaw ko sa nararamdaman ko sakanya. Takot ako sa mangyayari kong hindi ko pipigilin to. Masakit masaktan. Kaya habang hindi pa ako lubog masyado tutuldukan ko na ito. Habang alam ko pa umahon aahon ako.
"Oh sige xia aalis na ako pasok kana sa loob" saad nito habang nakangite at ginulo ang buhok ko.
Hindi lang ang buhok ko ang ginulo mo pati isip at puso ko.
BINABASA MO ANG
Stars In The Sky (On-going)
Teen FictionSaksi ang mga bituin sa pagmamahalan nating dalawa. Saksi siya nong na wasak ang puso ko dahil sayo. "Sana hindi nalang kita nakilala...Sana hindi nalang kita minahal" masakit kong saad. Start: April 6 2022