Prologue

27 1 0
                                    

Prologue

Kasama ko ngayon ang dalawang Best friend ko si Chelzee at si Jennyl. Bata pa lang kami mag kaibigan na kami.

Grade 2 talaga kami nagkakilalang tatlo nung may nang bully sakin tapos pinagtangol nila ako kaya ayon simula noon para na kaming sangang magkadikit.

"Gretchel Xianna nakikinig ka ba?" tanong ni Chelzee ang pinaka maiingay samin.

"Tulala pa gurl" second motion naman ni Jennyl sabay tawa.

"Ano ba ang topic?" tanong ko nila.

"Sabi ko ano sasama ka ba sa opening ng lights sa plaza?" tanong ni Chelzee.

"Eh baka hindi ako payagan alam mo naman na strikto si papa okay lang si mama pero si papa ewan ko pero susubukan kong magpaalam" sagot ko.

"Wag kang mag-alala alam ko na papayagan ka ni tito" saad ni Chelzee.

"Pano mo na sabi na papayagan talaga ako?" tanong ko dito.

"Basta sabi ng radar ko" saad nito sabay tawa.

Nandito pala kami sa Halston International School dito kami nag-aaral tatlo. Pareho kaming grade 11 students at pareho din kami ng strand HUMSS. Nandito kami ngayon sa may garden ng HIS sa may bench wala kasi kaming klase ngayon kasi absent si ma'am castro kaya dito nalang naming naisipan tumambay.

Nang may tumawag sa cellphone ko unregistered number ang tumawag kaya kinabahan ako kaya sinagot ko na lang.

"Hello sino to?"

"Xianna please comeback to me" sabi nung caller kaya dumoble ang kaba ko what the heck kailan pa ako nagkaroon ng ex eh ni boyfriend wala ako sinong hinayupak kaya ang nang trip sakin!

"Sorry but you have called the wrong number" saad ko tapos pinatay ko na ang tawag.

Pakingshet pinapawisan ako ng malagkit.

"Okay ka lang Xianna?" tanong ni Jennyl sakin.

"May tumawag sakin at gustong mag comeback kami!" histerya kong saad.

"Ano?!" saad nila pareho.

Nasa bahay na ako ng makita ko si papa sa may couch kaya nilapitan ko ito.

"Pa may opening pala ng lights sa plaza ngayon lunes gusto ko sanang pumunta kasama ko naman silang Jennyl at Chelzee" saad ko.

"Sige basta uuwi ka ng maaga ha"

"Opo papa!" excited kung saad.

Dali dali akong umakyat sa kwarto ko para e chat sa group chat na pinayagan ako ni papa pumunta.

Krazy Brains🧠

Me: Guys! pinayagan na ako ni papa pumunta sa opening ng lights sa plaza.

Chelzee: Owemji totoo ba yan sabi na nga ba eh!

Jennyl: Go gora tayo mga gurls hahaha

Tapos mahabanghabang topic pa ang aming na chat kaya hindi ko na namalayan ang oras.

"Ate hugasan mo daw ang mga pinggan!" sigaw ng bwesit kong kapatid.

Kaya lumabas na ako ng kwarto at nakita ko ang kapatid ko na nanood ng TV 10 years old palang si Xianndra pero daig pa si mama sa paninermon sakin.

Tapos ko ng hugasan ang mga plato kaya pumasok na ako sa kwarto nag half bath mo na ako tapos nag toothbrush pagkatapos gawin lahat pinatay ko na ang ilaw.

"Sana maganda ang araw ko bukas" saad ko bago nakatulog.

Nasa school na ako busy akong lumingalinga dahil hinahanap ko ang dalawang abno. Siguro late na naman yung dalawa lagi na lang kasing late si Chelzee at Jennyl sabi kasi ni Chelzee kaya lagi siyang late dahil late na ito natutulog kasi may ka late night talks daw ito edi sanaol nalang sakanila wala namang label. Si Jennyl naman maaga naman daw siyang matulog pero hindi talaga siya nagigising maaga.

Nang may na tapakan akong papel pinagpag ko ang papel kasi na dumihan ito. May marka pa ng sapatos ko.

"Shit bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo!" sigaw sakin ng isang lalaki.

"Hindi ko naman sinasadya" hinging paumanhin ko.

"Bulag ka ba pagbabagsak ako sa literature ikaw ang may kasalanan!" saad nito.

"Anong nangyari dito dre?" saad ng bagong dating na lalaki.

"Ito kasing babaeng ito tinapakan lang naman ang 500 words essay ko!" sigaw na naman nito.

"Pwedi ba wag mo akong sigawsigawan dahil hindi ikaw ang nagpapakain sakin!" singhal ko din napatid na talaga ang kunti kong pasensiya gago ba siya hindi ko namang sinasadyang tapakan ang essay niya! tumaas yata ang alta pression ko.

"Dre relax okay miss sorry dahil nasigawan ka pa ng baliw kong kaibigan" saad nung lalaki tapos hinigit nito ang kaibigan niyang parang mayon volcano kulang nalang bugahan ako ng apoy.

Pumasok na ako sa classroom gagi parang na drain ako ngayong araw nato. Aminado akong guilty ako sa nangyari dahil ako talaga ang nakatapak non pero hindi ko naman sinadya.

"Hoy! kanina ka pa namin tinatawag pero hindi ka nakikinig ano ba nangyari sayo?" saad ni Chelzee.

Sobrang lutang ako sa nangyari kaya hindi ko siya na sagot.

"Girl okay ka lang ba talaga tulaley ka eh" nag-alalang ni Jennyl.

"Guys may malaking kasalan akong nagawa" saad ko

"Wag mong sabihin naka patay ka?!" sigaw nito -Chelzee.

"Wag mong sabihin na may pinatay ka?!" sigaw din ni Jennyl.

"Pwedi ba mga gago ba kayo at pareho pa kayo ng naisip!" singhal ko sa kanila.

"Sorry girl nadala lang kami" saad ni Chelzee tapos nag peace sign.

"Ano ba talaga ang nangyari bakit ka tulala jan?" saad ni Jennyl.

Bumuntong hininga nalang ako tapos kiniwento ko sa kanila ang nangyari. Takte lang ha! hindi ko naman sinadya yun eh siya nga ang may kasalan dahil hindi niya hinawakan ng mabuti ang essay niya kaya ayon nilipad ng hangin.

"Okay lang yan dzai hindi mo naman talaga kasalan" saad ni Jennyl pilit pinapagaan ang loob ko.

"Wag ka ng mag-alala Xianna hindi mo yon kasalanan ituro mo sakin kong sino yung gago na yun para maturuan ng leksyon!" Inis na saad ni Chelzee.

Naglalakad na kami papuntang cafeteria kasi bigla nalang kaming nakaramdam ng gutom. Doon kami umupo sa usual spot naming tatlo sa may gilid.

"Xianna kami nalang ang mag-oorder ano gusto mo?" tanong ni Jennyl sakin.

"Burger nalang sakin tsaka C2" sagot sa tanong niya.

Tapos umalis na sila lumingalinga lang ako sa paligid ng mahagip ng mata ko yung lalaking asungot kanina. Diritso itong nakatingin sakin nakakunot ang noo nito na parang anong oras ay bubugahan ako nito ng apoy. Tinaasan ko naman ito ng kilay pake ko ba sa kanya! kainis bad mood na naman agad ako kagigil sarap iumpog sa semento ang pagmumukha niya argh!



Stars In The Sky (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon