It's been one week since I started here. So far sobrang okay naman ako, wag ko lang talaga makita yung mag jowa, medyo masakit sa mata.
"Okay kalang ba miss? Grabe yung pagpunas mona sa table eh!" napatingin naman ako sa customer at agad nagpanic.
"Hala.. Sorry Sir!" nakita kong natawa lang siya.
"I'm just joking! Mukhang ang laki ng problema mo ha." sabi nito. Ahm dapat ba akong nakikipagchikahan sa customer?
"Medyo lang po hehe. Ano pong order niyo?" sabi ko sabay labas ng mini-notebook ko.
"Isang cappuccino nalang and name mo." CRINGE. Buti nalang customer siya kaya nginitian ko nalang siya.
"A-Ailyn po pangalan ko." patience lang Ailyn! Customer yan! Di yan pwedeng sapakin bigla.
"Zayden. Nice meeting you!" sabi niya sabay lahad ng kamay, tinanggap ko naman. Bahala na mag bubuhos nalang ako ng alcohol mamaya sa may likod.
"AILYN!" medyo nagulat ako sa pagsigaw ni Adiel kaya napabitaw ako kaagad sa kamay ni Zayden.
"B-Boss?" bakit ba nanggugulat tss.
"Pumunta ka sa office, maglinis ka don. Ako ng bahala dito." dali-dali naman akong sumunod sakanya, sa isang linggo ko dito ngayon lang siya umakto ng ganito.
"Ailyn anong nangyare?" saad ni Athena habang tinatanaw si Adiel.
"Hindi ko alam, kausap ko lang naman yung customer bago bigla niya akong tinawag." I shrugged.
"Ah nagselos" hindi ko na narinig yung sinabi ni Athena kase pumasok na ako sa loob ng office, baka mapagalitan nanaman ako eh.
Habang naglilinis di ko namalayang nakapasok na pala siya, pasayaw-sayaw pa ako nasa likod ko na pala siya.
"Ailyn we need to talk!" syempre nagulat nanaman ako, hilig niyang manggulat today.
"Ano po yun?" ano kaya kina-badtrip neto? Wala naman akong ginawang mali.
"Kapag bumalik yung lalaking yon dito, ayokong ikaw ang kumuha ng order niya ha? Hayaan mong si Hades ang kumausap don." medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya, bakit bawal kong kuhanin order non?
"Bakit naman po?" nagtataka kong tanong.
"Basta makinig ka nalang sa boss mo!" ay wow?! Sabi ko nga.
"O-Opo" geez. Meron siguro to ngayon, ang sungit amp.
"Pwede na po ba akong lumabas?" sabi ko at aakma na sanang lalabas kaso.
"Hindi! Andyan pa siya, mamaya na." ang sungit talaga. Di ko nalang siya pinansin at bumalik na sa paglilinis.
"Knock.. Knock.." wow great! Andito na si Mam Crizel.
"Pasok" maikling saad ni Adiel.
"Himala di ko ata nakita si—"
"EHEM" di na pinatapos ni Adiel si Crizel magsalita. Sino kaya yung di niya nakita?
"Ow.. Hi baby!" baby my ass!
"Kumain kana, Zel?" edi sana ol may taga tanong kung kumain na.
"Hindi pa nga eh! Tara date tayo, gusto mo?" malapit ko ng mabali tong walis tss.
"Aalis na po ako!" di na kinaya ng powers ko! Diko na nga hinintay sagot ni Adiel basta lumabas na ako. Ang sakit sa mata at tenga, pucha!
Sa sobra kong inis nagdabog ako papuntang second floor, dun nalang ako maglilinis. Paakyat na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko.
"Ailyn" paglingon ko si Zayden lang pala.
"Bakit?" inis kong saad.
"Lagi nakong babalik dito ha?" okay and???? Bakit nagsasabi ka sakin? Chz. Bawal maging ride sa customer.
"Sure. See you again then!" walang buhay kong saad sakanya.
"Yeah. See you again!" he flashed his big smile. Ew
Bakit ba ang weird ng mga tao ngayon?
Umakyat na ako ng second floor at don naglinis. Medyo mas madaming tao dito dahil may mga books dito na pwede mong basahin habang nageenjoy ka sa kape mo.
Kaya sobrang gandang-ganda ako sa coffee shop na to kase sobrang cozy and mag eenjoy talaga yung mga nerd at heart na katulad ko.
After kong linisin yung book shelves ay bumaba na din ako. Malapit na ako sa pinakahuling baitang ng bigla akong mahilo kaya naman na-out of balance ako.
Dire-diretso ako pababa, buti nalang wala masyadong tao ngayon sa café kung hindi mapapahiya pa ako.
"AILYN!" grabe nakakabinge yung sigaw ni Athena.
"Okay kalang ba, Ailyn?" saad ni Hades bago lumapit saakin.
"Okay lang ako!" tatayo na sana ako ng bigla kong naramdaman na masakit yung ankle ko.
"A-Aray!" ano ba yan, napaka clumsy talaga!
Naramdaman kong may umalalay sakin kaya napatingin ako kaagad. Ayoko kaseng may nalapit or nahawak saking iba lalo na pag lalaki. Medyo may phobia ako pero kapag sakanya wala, feeling ko safe ako sa hawak niya.
"Okay kalang ba, Ai?" thump.. thump..
Shhh heart manahimik ka! Ang landi mo.
"M-Masakit lang yung paa ko, okay naman ako." sagot ko. Inalalayan naman niya ako paupo. Don inikot-ikot nya yung paa ko.
"Sobrang clumsy mo pa din!" damn tears! Bakit ngayon pa natrigger pucha!
"Naiyak siya boss, mukhang nasaktan talaga. Baka kailangan niyang dalhin sa hospital!" saad ni Hades. Gagi bakit kase naiiyak ako bigla.
"Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" mas lalo lang akong naiyak nung nagtama yung mga mata namin.
Bakit ganyan kapa din makatingin? Bakit parang di manlang nagbago, ayoko ng umasa.
Sobrang miss na miss ko na siya. Ngayong ganito siya kalapit gusto ko lang siyang yakapin kaso nga lang..
"Hala anong nangyare?" si Crizel.
Binabawi ko na, di ko na siya namimiss.
![](https://img.wattpad.com/cover/303066979-288-k935946.jpg)