6 months later..
It's been 6 months since Adi and I get back together and all I can say is that.. that's the best 6 months of my life. Lagi pa din naman akong napunta sa therapist ko but she always tells me that I'm fine na. Im off with my meds and matagal na na din akong clean, even in my thoughts. My life is so good right now, mas masaya lang dahil andito siya sa tabi ko.
Hindi na din ako waitress/cashier sa shop dahil kinuha na niya akong secretary, dapat daw lagi lang ako sa tabi niya.
Hindi kami pumasok ngayon since monthsary namin, nag decide nalang kami na magdate sa apartment namin, di naman kami nagsasama pa pero every weekends and pag may ganap samin, dito kami natutulog hanggang ilang araw namin gusto then uuwi kami para mag work. Okay din na mag stay dito minsan since kahit konti may naipundar na din kami para samin.
Nanunuod kami ngayon ng mga disney movies habang nakain ng fries, kadalasan gento lang set up namin lalo na pag pareho namin day off. Bibihira kami lumabas since pareho naman kaming hindi mahilig sa mataong lugar.
Medyo nahihiwagahan ako sa movie na sinalang niya, sabi niya kase disney movie daw pero ngayon ko lang nakita plus may hawig namin yung character and kapareho namin ng work. Diko alam kung imagination ko lang pero gento din set up nung dalawang bida. Nag momovie marathon din sila, naiisip ko tuloy na kaming dalawa to.
Mas lalo akong nacurious ng biglang maglabas ng singsing yung bida na kamukha ni Adi, sa sobrang pagtataka ko napatingin din ako sakanya. And guess what... katulad nung sa movie may hawak din siyang singsing, simple lang pero sobrang ganda.
"Will you marry me?" narinig kong sabi nung bida.
Di ako makapagsalita, masyado akong nauunahan ng emotions ko. Naiiyak ako pero gusto kong magtatalon din sa tuwa.
"Mahal.. will you marry me?" dun na lalong bumuhos yung luha ko. Kala ko imagination lang ang lahat.
Napatingin ako sa movie at natawa ako ng makitang parang kami na ang pinapanuod nila. Sino kaya gumawa neto? Ang ganda.
"Naghihintay sila mahal." natawa naman ako.
"Oo, I will marry you!" di na niya napigilan at napaluha na din siya sabay yakap sakin.
Sinuot naman niya sakin ang singsing at humalik.
"Thank you.. Mahal na mahal kita, Ai! Sobra." -Adiel
"Mahal na mahal din kita, Adi." -me
Then we shared a long passionate kiss. Grabe fiancé ko na siya! From crush to girlfriend bago ngayon fiancé na tapos sa susunod wife na! Omfg. Hindi ba panaginip to?!
"IKAKASAL NA TAYOO!" tawa ako ng tawa ng bigla siyang sumigaw at nagtatalon. Di pa siya nakuntento at sinama pa ako.
"Huy wag ka maingay hahaha" saad ko pero imbes na tumahimik nag sasayaw lang siya sa tuwa.
Grabe ikakasal nako sa pinakamamahal ko.
Napatitig lang ako sa singsing na bigay niya, sobrang saya ng puso ko. Sobrang mahal na mahal ko siya.
__________Might finish this story, abangan ang version ko ng ending neto.
Happy Birthday :)