CHAPTER 16

6 2 0
                                    

After nung incident kanina sa may beach ay bumalik na muna ako sa room ko. Kailangan ko munang mag muni-muni at may na-trigger na bad memory sa akin. Ayokong mag breakdown dito! Dapat nagrerelax lang ako.



Sinuot ko ulit yung headset at nagpatugtog, pampakalma ko talaga ang music eversince. Lahat na ng uri ng therapy nagawa ko na, wala pa ring tatalo sa music therapy.




Lumabas lang ako nung nag 12 noon na, kakain na ako since nagugutom na din naman na ako. Dumiretso lang ako sa may buffet table at kumuha na ng pagkain, di na ako namili pa ng pagkain at nilagay ko na lahat sa plato ko. Nung naghahanap na ako ng mauupuan ay wala na akong makita, sakto kaseng lunch kaya madami ng tao ngayon.




"Ailyn!!!" narinig ko ang matinis na boses ni Athena kaya lumapit na kaagad ako sa table nila.



Kumpleto sila even Adiel, di na ako nagsalita at kumain nalang ng matiwasay. Nasagot lang ako sa usapan nila kapag may tinatanong sila saakin.



"Mamaya mag bonfire tayo, bago laro tayo ng truth or dare." yaya ni Hades. Sumang-ayon naman sila. Not a fan of truth or dare pero why not?



"Sali ka ha, Ailyn?" nagtinginan naman silang lahat sakin, tumango lang ako.



After kumain nagyaya silang mag swimming kaya naman bumalik muna ako sa kwarto para magpalit ng swimsuit. Nagsuot lang muna ako ng oversized na shirt para di halata.



"Yun oh! Kahit nakashirt halata mo yung kasexy-han ni Ailyn." saad ni Athena. Medyo nahiya naman ako sa katawan nila ni Crizel. Pareho silang nakabikini lang.



"Tanggalin na yan!" nagulat ako nung biglang lumapit saakin si Crizel at bigla nalang tinaas yung shirt ko. Lalo lang akong nahiya!



"Look at those curves.. kaya pala may di pa makamove on dito!" di ko na pinansin ang sinabi niya, kinuha ko lang yung shirt ko at nilagay na sa may cottage namin.



Diko alam na andon pala si Adiel sa may cottage at nag iihaw, medyo naconcious ako nung tumingin siya sakin sabay iwas ng tingin. Mukhang di okay yung suot ko ha, sabagay wala ng tatalo pa sa katawan ni Crizel.



Bumalik na ako kaagad sa may tabing-dagat kung asan yung iba. Nakita kong nagiinom na agad sila kaya nakiupo nalang ako sa tabi ni Hades.



Binigyan niya ako ng Smirnoff at dali ko namang ininom to, wala akong balak mag lasing. Alam ko naman limitation ko.



"Asan naba si Adiel? Paltan mo nga yun Hades." dali namang sumaludo si Hades bago pumunta sa may cottage.



Siya nga ang pumalit kay Adiel sa pagiihaw at si Adiel naman ang pumunta samin at tumabi saakin. Medyo na-awkward talaga ako dahil sa suot ko, dapat ata di na ako nakinig kay Jae.




Kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang ako naman ay nakatanaw lang sa dagat. Sobrang ganda talaga dito!



Ilang minuto pa, nung medyo kumulimlim na ay nagtampisaw na sila sa dagat. Di pa ako makasama sakanila kase may naiwan silang gamit mga gamit dito, ako nalang muna magbabantay.



"Bakit ayaw mong maligo?" napaangat naman ako ng tingin, si Adiel lang pala.



"Maya na, walang magbabantay dito." sabi ko sabay turo sa gamit nila.



"Sige na, ako na munang bahala dito." sabi niya sabay tabi saakin.



"De, okay lang. Medyo mainit pa din naman." sabi ko sabay inom ng alak.



T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon