CHAPTER 11

9 2 0
                                    

Kinabukasan nagising ako dahil kanina pa nag iingay yung cellphone ko, kahit antok na antok pa ay sinagot ko na kahit di ko pa nakikita kung sino yung caller kase nga nakapikit pa ako.


"Thank god your awake!" halos mabato ako sa kinahihigaan ko, yung takot na matagal ko ng kinalimutan, pakiramdam ko bumalik ulit.


"A-Anong kailangan mo, Sean?" my fucking ex.



"Balita ko andito ka daw sa Cavite with your new hmm.. girlfriend? Really Ailyn? Sa ganyan mo ako pagseselosin?" kaagad namang uminit ang ulo ko.



Dali-dali akong lumabas para makasagot baka kase marinig ni Adi, ayokong masama siya sa gulo. Kakasimula palang namin.



"Shut the fuck up! Tantanan mo ako Sean ha, di paba sapat na ginago moko? First of all ikaw ang sumira sa relasyon natin kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan. You fucked my ex-bestfriend kaya tantanan mo na ako!" abot abot sa langit yung galit ko para sakanilanh dalawa, lalo na kay Sean.



"Kaya nga nandito ako, willing lumuhod at humingi ng tawad sayo. Alam kong kasalanan ko pero masisisi mo ba ako? Yung kaibigan mo ang nangakit sakin!" napatawa naman ako sa sinabi niya, tanga amputa.



"Pwede ba, gaguhin mo na lahat pwera ako, kilala kita Sean. Hindi lang to ang unang beses. Kaya tantanan mo na ako!" narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, akala ko susuko na.



"Sure thing! Makakaasa ka ding malalaman nila Tita lahat ng pinagagagawa mo lalo na yang bagi mo." Di nako nakaimik pa dahil pinatay na niya agad yung tawag.



Natatakot ako, di dahil baka di nila kami matanggap. Natatakot ako dahil baka kapag may sinabi sila about kay Adiel at diko magustuhan, baka anong masabi ko sakanila. Di baleng ako na saktan nila, wag lang si Adi.



Bumalik ako kaagad sa kwarto. Tulog na tulog pa rin siya, unang araw palang namin na mag girlfriend sinusubok kami kaagad. Pangako kong hindi ko susukuan si Adiel, ano man ang mangyare.



Since hindi na ako makatulog naisipan ko nalang magluto ng pancit canton. Eto lang kase ang nadala kong instant food since uuwi din naman kami kaagad sa apartment ko.



Pagkaluto dumiretso na ako sa kwarto bitbit yung canton pati na din yung kape namin. Hindi ako mahilig sa kape pero feeling ko kailangan ko yon ngayon.



"Baby? Gising na! Kain tayo ng breakfast." gising ko kay Adi.



"Hmm.." nakita ko namang napamulat siya kaya nginitian ko naman siya.



"Good morning! Grabe ang sweet naman ng girlfriend ko." girlfriend. Feeling ko nawala yung galit at inis ko kanina.



"Oum kaya tumayo kana dyan para makakain kana!" imbes na tumayo lalo lang siyang nagtaklob ng kumot.



Binaba ko muna yung mga dala ko sa mesa bago tumabi sakanya.



"Lika na, mahal. Para maaga din tayo makauwi." yaya ko sakanya pero lalo lang siya nagmaktol.



"Parang ayoko ng umuwi, mahal. Parang mas gusto ko sa malayo basta kasama kita." feeling ko any moment iiyak ako.



"Ganon din gusto ko. Kahit saang lugar basta ikaw ang kasama ko." nginitian lang naman niya ako.



"Magwowork ako mahal tapos kukuha ako ng apartment natin para di na natin kailangan pang lumayo sa isa't-isa." natuwa naman ako dahil kasama ako sa mga plano niya sa buhay.



"Opo mahal" yun nalang nasagot ko at napatitig sakanya.



"Para lagi tayong ganito. Gusto ko pagkagising ko ikaw agad makikita ko. Grabe yung nararamdaman ko, ginayuma mo ba ako?" yung patulo na sana yung luha mo bago biglang umurong dahil natawa ka sa joke niya amp.


"Alam kong ako ang naunang magkagusto satin pero diko gagawin yun sayo noh! Natural yang pagkakagusto ko sayo, walang halong kemikal!" nagtawanan lang kami at kumain na ng agahan.



Sana huwag ng matapos ito.

__________

Paalis na sana kami ni Adiel, uuwi na kami sa Manila ng biglang may kumatok sa pinto, nasaktuhan namang inaayos ko pa yung gamit ko kaya si Adiel na tuloy ang nagbukas ng pinto.



"AILYN! AILYN!" at dumating na nga ang kinakatakot ko.



"Mama-" di na ako nakasalita pa dahil nasampal na niya ako kaagad.



"Mahal" dali-daling lumapit sakin si Adi. Agad ko siyang hinarangan dahil baka pati siya saktan din nila.



"So totoo nga? Na tomboy ka? Na lesbiana ka? Anong katarantaduhan to Ailyn?" nakita ko yung pandidiri sa expression of niya, ang sakit.. Sobrang sakit..



"Ano ngayon sayo? Nabawasan ba non ang pagkatao mo? Ilang taon kang walang pake sakin bago ngayon babalik ka na akala mo kung sino kang magaling?" aakma na sana siyang sasampalin ako kaso nahawakan agad ni Adiel yung wrist niya.



"Tama na ho, nasasaktan na yung anak niyo!" nakita kong mas nagalit si Mama kaya naman nilayo ko na kaagad si Adiel sa guestroom.



"Hayaan mo muna kaming mag usap please." dali-dali siyang umiling.



"Pano kung saktan ka niya ulet?" nginitian ko lang siya bago hinalikan.



"I don't care basta ipaglalaban kita. Mahal na mahal kita, Adi. Sobra!" napatahimik naman siya at tumango.


Dali akong bunalik kay Mama.



"Nahihibang kana ba talaga? Pinagpalit mo si Sean para sa babae? Ayos kalang ba? Baka sinasapian ka, kelan kaba huling nagsimba?" natawa lang ako.



"Okay lang ako, Ma. Baka ikaw ang kailangan magsimba kase mas mukhang nahihibang ka!" galit na galit kong saad.



"Ganyan ba natutunan mo sa babaeng yon ha? Ang maging bastos?" nginitian ko lang siya.



"Yung babaeng tinutukoy mo eh yung kaisa-isang babae na nagparamdam sakin ng tunay na pagmamahal. Utang na loob naman layuan niyo kami, ilang taon mo akong natiis na di kausapin o kamustahin, bakit bigla kang nagpapakananay ngayon?" natameme lang siya.



"Matagal mo ng pinaranas sakin na wala akong Ina, wala na sa akin kung anong opinyon nyo okay? Basta mahal ko si Adiel tapos ang usapan." diko na hinintay pa ang sagot niya at bumalik na ako sa guestroom. Pagpasok, niyakap niya kaagad ako.



"Mahal na mahal kita, Ai. Andito lang ako palagi para sayo. Lalaban tayo!"

T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon