CHAPTER 13

8 2 0
                                    

"Anong sabi mo? Coffee shop ni Adiel yung nasa bayan?" muntik ng mabuga ni Kin yung alak na iniinom niya.



"Okay kalang ba?" nag aalalang tanong ni Jae.



So far silang dalawa nalang lagi kong nakakasama since busy na sa trabaho yung iba.



"Kinaya ko naman, ilang taon na din naman. Oras na siguro para mag move on?" saad ko sabay inom ng san mig light.




Ever since that day medyo bawal nako sa hard drinks and stuffs.



"Sana nga umokay kana. Past is past naman na." ani ni Kim.



"Eh tama na inom, may pasok ka pala bukas. Basta Ailyn isipin mo nalang yong trabaho mo, wag mo nalang siyang pansinin." si Jae.



Um-oo nalang ako. Tama naman siya, ang dapat isipin ko nalang is yung trabaho ko. Wala naman ng ibang mas mahalaga kundi yon.



Kinabukasan maaga akong pumasok. Since maaga pa naman at sarado pa yung shop, umupo muna ako sa gilid.  Nilabas yung notebook ko bago nagsulat ng idadagdag sa story ko.



"Hi." muntik ko ng mabato yung notebook ko sa gulat.



"Ay sorry nagulat ata kita." umupo naman sa tabi ko yung lalaki. Base sa uniform niya mukhang tauhan din siya dito.



"Okay lang, magugulatin lang talaga ako." nginitian ko naman siya.



"Ikaw siguro yung bago noh?" tumango lang ako sakanya sabay balik ng tingin sa sinusulat ko.



Wala na distracted nako. Tss..


"Ako nga pala si Hades." ayoko sanang makipagusap kaso no choice, ayoko naman maging rude sa magiging katrabaho ko.



"Ailyn" feeling ko nagulat ko siya dahil nanlaki bigla yung mata niya at bigla siyang dumistansya.



"Siya yung sinasabi ni Boss." pabulong-bulong naman siya ngayon, okay lang kaya to?



"Are you okay?" nagtataka kong tanong.



"A-Ah eh oo hehe. Sorry kinukulit kita wag mo sanang sabihin kay boss ha?" he's weird.



As if namang magsusumbong ako don for this petty reason. Hangga't maari nga sana wag kaming mag usap or mag interact para wala ng matrigger kaso imposible, boss ko siya.



Bigla ng tumigil si Hades sa pagdaldal, nagccellphone naman siya ngayon. Halatang may impoetanteng kausap, ambilis magtype tsaka mukha siyang takot na takot.



Di ko na siya pinansin pa at nag cellphone nalang din ako. Malapit naman ng magbukas yung shop. I wonder kung kami lang papasok ngayon.



"Holy crap! Sorry matagal ba kayong naghintay?" may isang petite na babae ang dumating, she's cute.



"Ang bagal mo talaga kahit kailan, Athena." biro ni Hades.



Athena.. Hades.. What's up with their greek god names.


"Siya pala yung sinasabi ni boss, si Ailyn." feeling ko nagningning yung mukha ni Athena.



At lumapit siya sakin sabay hawak sa kamay ko. Sa sobrang gulat diko namalayang umangat yung suot kong jacket at na-expose yung pulso ko. Nakita ko yung gulat sa mga mata niya kaya hinili ko na yung kamay ko.



"S-Sorry Ailyn. Na-excite lang akong makilala ka." agad naman siyang bumalik sa pagkasigla niya.


"Okay lang" nginitian ko lang siya.


Dali-dali naman siyang hinila ni Hades at nagbulungan sila ng ilang minuto bago binuksan ni Athena yung shop.


"Sabi pala ni boss ako muna mag aalaga sayo– este mag aassist." sabi ni Athena.



Sabagay bago kaya dapat talagang may taga assist pa baka mamaya pashunga-shunga pa naman ako.


Pinaliwanag sakin ni Athena yung mga gagawin, kukuha lang naman ako ng order and ako din magseserve sakanila. Wag ko lang talaga mabagsak yung order nila lalo pa't mabilis manginig yung kamay ko.



Ilang minuto pa may mga dumating ng customer, karaniwan mga estudyante na gumagawa ng thesis or nagbabasa ng notes nila since malapit to sa may University.



So far hindi naman ako nagkaproblema, buti din na wala si Adiel ngayon dito baka kase madistract lang ako. Kahit pa sabihing magfofocus ako sa trabaho ko, syempre di ko pa ding maiwasan since after 3 years, ngayon lang kami ulit nagkita.



"Bakit kaya wala si boss?" tanong ni Hades.


Kasalukuyan akong nagpupunas sa may counter top kaya naman naririnig ko pinaguusapan nila.


"Sinundo ata si Mam Crizel." saad ni Athena.



Crizel? Siguro girlfriend niya. Napatawa ako, nalasahan ko yung bitterness sa dila ko. It's been 3 years malamang move on na yun, ni hindi nga din kami nagtagal kaya expected ko namang makakalimutan niya agad ako.



"Speaking of.. Ayan na pala!" agad akong napatingin sa pintuan. May pumaradang itim na BMW sa labas, sakanya siguro.


Tama nga ako, si Adiel nga. Bumaba siya bago pumunta sa may passnger seat. Binuksan niya ito at dun bumaba ang isang napakagandang babae. Sobrang elegante niyang tingnan, she's too pretty, mala porcelain yung balat. Siya kaya yung Crizel? Di na ako magtataka kung siya yung girlfriend ni Adiel. Girlfriend.. Ngumiti ako ng mapait.



"Good afternoon, boss!" masiglang bati ni Hades.



"Good afternoon, kamusta ang shop?" tanong niya paglapit samin.



"Sobrang okay po. Hi Mam Crizel" lumapit samin yung magandang babae, humawak siya sa braso ni Adiel. Napatingin naman ako don.


"Hello! Mukhang may bago kayong kasama ha, hello! Im Crizel!" naka-poker face pa rin yung mukha ko habang nakatingin sa kamay niyang nakalahad.


Jusko Ailyn! Tigilan mo yang atittude mong yan.



"Ailyn. Nice to meet you, Mam." di ko alam kung pekeng-peke ang pagkakasabi ko non but at least I tried right?



"Ehem.. Back to work.. Ailyn see you at my office." basag ni Adiel sa awkwardness. Ano namang paguusapan namin sa office niya? Tss.



Pigil na pigil akong mag make face buti nalang dumiretso na sila sa office kaya sumunod nalang ako. Nakahawal pa din yung Crizel sa braso niya. I rolled my eyes.



"Zel dun ka muna sa may labas, okay lang?" saad ni Adiel. Dali namang sumunod si Crizel.



Ano bang paguusapan namin? Bakit kailangan pang lumabas ng jowa niya.



"Kamusta Ai..lyn? Okay naman ba? Tell me kung nahihirapan ka—"



"I'm okay naman PO. Nakapag work naman po ako sa ganitong industry dati BOSS kaya sanay naman na din ako." nakita kong napabuntong-hininga siya.



Ngayong kaming dalawa lang gusto kong sabihin na sobra ko siyang namiss. 3 years ikaw pa din kahit pa di ako siguradong ako pa din.



Eto na din siguro yung hinihingi kong closure sa universe. Siguro kapag nasanay nakong nakikita siya lalo na with her girlfriend baka sakaling matanggap ko na din.



Mas madaling matanggap ngayon kase alam mong masaya na siya. At least siya naka move on na. Di bale ng mahirapan ako ulet ang mahalaga alam kong worth it yung lahat ng sakit.



Makita ko lang siyang masaya, masaya na din ako.

T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon