CHAPTER 15

12 2 0
                                    

It's been a month and si Adiel naisipan niyang mag take kami ng 3 days outing. Lahat ng tauhan ng MoonSun Cafe kasama including Crizel. Mandatory yung pagsama kaya naman hindi na din ako naka-hindi. That's why maaga ako nagising para mag empake.


"Aga mo mare ha?" si Jae, mukhang patulog palang siya.



"May outing kami!" sabi ko habang naglalagay sa bag ng mga gagamitin.



Tatlong araw kami sa may resort para daw makapagrelax naman kami and malapit na din kase mag summer.



"So makakasama mo siya don hmm?" nakita ko yung nakakaloko niyang ngiti.



"Syempre boss ko siya!" inirapan ko lang siya.



"May mga swimsuit pa ako jan na hindi ko nagagamit, baka gusto mong heramin?" napatigil naman ako sa pag eempake.



"Tempting but nah, makikita niya yung mga scars." sabi ko sabay tingin sa wrist ko.



"Di na siguro mapapansin yan, Mare. Gora mo na! Minsan ka nalang din naman makapag beach." sabagay ano naman kung makita niya, di ko naman habang buhay matatago tong scar na to and it represents me, a survivor.



"Sige na nga, heram ako!" dali-dali siyang tumakbo papuntang kwarto niya at naglabas ng almost 10 pieces na swimsuit.



Namili lang ako ng medyo kaya ko pang suotin, medyo hubadera kase si Jae kaya talagang pinili ko yung swimsuit na alam kong kakayanin ko namang suotin.



Parang tatlong bikini lang ata yung napili ko, bago lahat pa color black kase yon fave color ko.



Pagkaayos ko ng gamit ko ay kumain na muna ako ng konti then nagbihis at saktong 7am ay dumating na yung van na inarkila namin.


Pagkalabas ko ng bahay ay dumiretso na agad ako sa van. Kumaway muna ako kay Jae bago pumasok, kinindatan lang naman niya ako.



Ako nalang pala yung kulang. Andito na silang lahat. Si Athena, Hades, Manong Edzel at yung magjowang si Crizel at Adiel. 3 days ko tong titiisin, sana kayanin ko pa.



Pagpasok ko ay occupied na nung tatlo yung row na yun, di naman na ako makakapasok don sa may likod dahil don nakalagay yung pagkain namin pati ibang gamit. Ang natitirang upuan nalang is etong sa harap, tabi ni Adiel. Nasa passenger seat kase si Crizel, siya kase ata yung may alam don sa resort na pupuntahan namin.


Dapat dito siya eh, siya tong jowa hmp.


No choice kaya dun na ako umupo, umusog pa siya para sa may bintana ako. Ngumiti lang naman ako ng peke bago tumabi sakanya.


Nagkwe-kwentuhan si Hades at Athena, grabe saan sila nakakakuha ng ganyang energy ng ganitong kaaga? Medyo antok pa ako kaya naman sinuot ko na yung headset ko at saka nagpatugtog ng malakas.



Di ko alam sa kakatunganga ko sa bintana ay nakaidlip na pala ako. Medyo nasaktan ako nung nauntog ako sa may bintana pero dahil sa kaantukan ko ay diko na to ininda at patuloy pa rin sa pagtulog.



Naramdaman ko nalang na may humawak sa ulo ko at kusa akong sinandal sa balikat niya. Much better!



"Ai gising na!" naramdaman ko yung mahinang tapik sa mukha ko kaya unti-unti na akong napamulat.



Halos mapabalikwas ako ng ma-realize kung kaninong balikat ako nakasandal. K-Kay Adiel. Lupa pwede mo na akong kainin ngayon!



Dali-dali akong umayos ng upo at agad kong chineck yung pisnge ko, baka mamaya may panis na laway pa.


"S-Sorry! Asan sila?" gagi kase bat sa balikat pa ako ni Adiel nakaidlip, nakakahiya.


"No worries! Andon na sila sa loob, nagccheck in. Tara?!" tumango lang ako at sumunod sakanya palabas ng van.


Pumunta ako sa likod para kunin yung gamit ko, medyo may kabigatan pala to since para sa tatlong araw tong dala ko. Medyo nag sstruggle ako sa pagdala at mukhang napansin ito ni Adiel kaya naman bigla nalang niyang kinuha sa kamay ko yung gamit ko.



"Luh wag na! Kaya ko naman." di na niya ako pinansin pa at dire-diretso lang siya papasok sa lobby kaya sumunod nalang din ako.



Nakita kong napansin na kami nila Hades at Athena, nagsisikuhan lang sila na parang kinikilig. Si Crizel naman nakatingin din samin and sobrang visible ng smirk niya. Aba! Diko kasalanan yan ha, yang jowa mo nag presinta!



After namin mag check in, nagpunta na kami sa kanya-kanya naming mga kwarto. Very affordable naman yung price bawat room kaya napagpasyahan ni Adiel na tagiisa nalang kami ng kwarto para din daw may privacy. Privacy nilang magjowa tss!



Pagpasok ay humiga muna ako, mamaya na siguro ako lalabas kapag magllunch na. Gusto ko munang pumikit saglit kaso pagkapikit ko yung mukha ni Adiel kanina yung naaalala ko. Shet kase bakit ang gwapo at ang ganda niya at the same time!



Since hindi na ako nakaidlip, nagpalit lang ako ng white crop top and highwaisted shorts. Balak kong maglakad lakad muna para after nito kakain nalang ako mamaya.



Di pa ako nakakalayo ng bigla mong nakita si Crizel, may kasamang tatlong lalaki at nagtatawanan sila. Yung isa inabot niya yung phone niya kay Crizel at agad namang tinanggap ni Crizel at may tinype doon. A-Ano to? Nagccheat ba siya kay Adiel? Tss. Pake koba?!



Umalis na ako at di na siya pinansin. Ayokong ma-bother kaso kawawa naman si Adiel. Deserve niyang malaman to.. kaso sino ba naman ako para manghimasok sa relasyon nila? Bahala na si Adiel makahuli sakanya hmp.


"Hi miss! Mukhang magisa ka ha? Gusto mo samahan kita maglibot dito?" nagulat ako nung biglang may sumulpot na lalaki sa unahan ko, ang aga pa pero mukhang nakainom na to agad.


"No thanks!" di ko na siya pinansin pa at lalagpasan ko na sana siya kaso hinawakan na niya yung wrist ko.


"Oh come on! Wag ka ng magpabebe miss" pilit kong inaalis yung kamay niya sa wrist ko kaso sobrang lakas niya.


"Pare di mo ba narinig yung sinabi nung babae? Sabi niya ayaw niya!" agad naman akong napatingin sa nagsalita, si Adiel.


"Pfftt.. kilala mo ba yan miss? Kaya ba ayaw mo sakin kase gusto mo sa may bil—" di ko na siya pinatapos pa at agad sinipa yung weakness niya.


"NO MEANS NO, BITCH!" halos magpagulong-gulong siya sa buhangin, buti nga sayo!


Sa sobrang badtrip ko diko na tinuloy yung paglalakad ko, kakarating ko palang may ganyang eksena na agad. Lason talaga tong mga lalaking to na feeling makukuha nila lahat!


"Are you okay?" see pati si Adiel di ko na napansing nakabuntot sakin sa sobrang inis ko.



"Yeah" sabi ko habang dire-diretso pa din.


"Ang galing mo ha, where did you learn that?" napatigil ako sa paglalakad. Di ko akalaing may mattrigger na bad memory dahil lang sa tanong niyang yan.




"Nag training ako ng self-defense after kong marape" mukha namang nanahimik siya kaya di na din ako kumibo at bumalik nalang sa kwarto para magpahinga.

______________

T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon