CHAPTER 17

19 2 0
                                    

R-18
Read at your own risk.


Hindi nakaimik ang lahat dahil aa nangyare. Bumalik lang si Adiel sa pagkakaupo at uminom ito na parang walang nangyare.

"Wala eh. Ikaw pa rin talaga, sayo pa rin talaga ako maaattract." paulit-ulit yan sa utak ko. A-Ako pa rin ha?!

"E-Ehem." nagkasiyahan na silang lahat ulet, samantalang ako lutang pa rin.

Napatingin lang ako kay Adiel, walang humpay siya sa paginom samantalang ako ay natameme na. Magpapakasober na nga lang ako dahil mukhang lahat sila ay walang plano sa pagtigil sa paginom, kung sasabayan ko sila baka dito na kami makatulog lahat sa labas.

Wala pang ilang saglit ay bagsak na nga silang lahat pwera samin ni Manong Edzel.

Unti-unti na akong nag ayos ng mga pinaggamitan namin, tumulong naman si Manong Edzel. Isa-isa namin silang pinasok sa kanya-kanya nilang kwarto. Inuna namin si Crizel at Athena, si Hades naman nalalakad pa pero medyo tabingi na.

Nahuli namin si Adiel since siya ang mukhang pinaka wasted sakanila. Hindi ko na sana siya aasikasuhin pag pasok kaso bigla siyang sumuka at nadumihan kaming pareho.

No choice tuloy ako kundi linisan siya pati ako, ayaw pa naman neto ng ganito!

Hiniga ko muna siya sa may sofa. Kumuha ako ng towel at binasa ito para ipampunas. Dali-dali akong naghubad ng damit dahil nga nasukahan ako, tanging bra nalang tuloy ngayon at short ang suot ko. Heheram nalang siguro ako ng shirt niya mamaya.

Nilagay ko muna sa tub yung madumi kong damit bago lumabas ulit ako para puntahan siya. Agad kong pinunasan yung mukha niya pati yung damit para di masyadong kumalat. Bago unti-unti ko ng in-unbutton yung polo niya. Medyo napalunok naman ako, i-it's been years— calm your horses, Ailyn! Lasing yan tss.

Buti nalang may sando pala siya sa loob kaya medyo safe kahit medyo kita dahil kulay white na sando yung suot niya pero kaya namang labanan yung temptation. Nahubad ko na sa wakas yung polo at tinira yung sando since hindi naman niya yon nasukahan. Sinuotan ko na siya ng t-shirt at tinayo ulit para naman dalhin sa kama niya.

Nung naihiga ko na siya ay bumalik ako sa banyo para palitan yung towel, naghanap na rin ako ng bagong damit sakanya pamalit since di naman ako pwedeng lumabas lang ng nakabra mamaya kase sobrang lamigin kong tao.

Pinupunasan ko ulit yung mukha niya ng bigla siyang dumilat kaya nagkatitigan kami. Masyado kaming malapit sa isa't-isa pero concentrate lang.

"Kung panaginip man to ayoko ng magising pa!" sabi niya habang nakatingin pa din sakin.

"Totoo to noh! Lasing lasing ka jan bago di kakayanin." sabi ko sabay irap sakanya.

"Bakit ganon kahit galit ka ang ganda mo pa din?" feeling ko namumula na yung mukha ko.

"Lasing ka lang!" maikli kong saad.

"Oo kanina pero ngayon para akong naging sober agad." tinigil ko na yung pagpunas, mukhang ok naman na siya.

"Tss.. Matulog kana nga!" aakma na sana akong aalis pero pinigilan niya ako.

"Gusto mo bang patunayan ko sayo?" tinawanan ko lang siya at umiling.

"Pano naman?" di pa ako nakakatapos magsalita nung hinila niya ako pahiga at umibabaw siya sakin.

"A-Adiel ano ba!" okayy! Edi siya na sober, tama na! Napatunayan na niya.

T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon