Mask 07

18 5 2
                                    

April

Pagmulat ko ay una kong nakita ang katabi kong si Alessandra na walang malay. Lalapitan ko sana ito ng maramdaman ang taling nakapalibot sa aking paa at sa kamay na nakatali naman patalikod.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng sasakyan nang maaninag ko ang mukha ng aking kapatid na si kuya Jaden

"You're awake" parang gulat na tanong nito sa akin

Tinitigan ko lamang sya at kitang kita ang kaputlaan nito maging ang pagbabago ng pisikal na anyo nya noong ordinaryong tao pa ito kagaya ko.

Nadako ang tingin ko sa kanyang leeg at kumunot ang noo kong tinitigan nang may makitang tattoo ito sa parteng katawan nito ngunit hindi ito katulad ng mga bampirang una kong nakita bagkus ay iba ang tattoo na nakaukit sa leeg nito.

Hindi ko naman mapigilang hindi magisip kung saan galing ang tattoo na nasa leeg nya. Iniisip ko kung galing ba ito sa ibang organisasyon na nangingidnap din ng bata o hindi kaya ay kasama rin ito ng mga bampira ngunit sa itsura pa lamang ngayon ng kuya ko sa harapan ko ay mukhang alam ko na ang sagot dahil sa mga pula nitong mata na para bang isa na nga syang ganap na bampira na kung saan ay kaya nitong kontrolin ang kung ano mang dugong bampira ang itinurok sa kanya

Bigla naman akong napaungol dahil sa sakit ng pagkakatama ng aking ulo sa may gilid na parte ng sasakyan dahil sa pagkakabangga sa amin ng kung sino man ang may lakas ng loob na gawin iyon lalo na at mga bampira ang nasa loob nito na kasama namin.

Tumingin ako sa paligid at mas binilisan ang pagtakbo ng sasakyan na kinaroroonan namin

"Pasensya na miss masyado kasing mabango ang dugo nyo ng kaibigan mo kaya hindi napigilang magwala ang ilan sa mga mortal na kasama natin" nakangising sambit sa mga lalakeng naroon kahit hindi ko naman tinatanong

Napansin ko namang nakatitig si kuya Jaden sa akin at kita ang kuryusidad sa mga mapupula nitong mga mata

"Paano ka naging bampira kuya? Ang tagal kitang hinanap" sambit ko sa kanya dahil hindi ko na maiwasan ang sarili na tanungin sya

"Ilang beses ko ba sabihin sayo na wala akong kapatid kaya tigilan mo na ang kakatawag sa akin ng kuya" nakataas kilay nitong tugon sa akin

Nabigla naman ako dahil sa sinabi nya, talaga ngang nagbago sya dahil maging ako ay hindi na nya maalala. Nalungkot naman ako dahil sa akala ko ay masaya akong makita ko sya ulit ngunit hindi ako nito naaalala.


Mahirap mang tanggapin para sa akin ang pagiging ganap nitong bampira pero nagpapasalamat pa rin ako dahil alam kong buhay sya

"Kuya nasaan ka nitong anim na taon?" muli kong tanong sa kanya at kita naman ang paglandas ng pagkairita sa kanyang mukha

"Bakit ang dami mong tanong? Totoo nga ba ang hinala nila na hindi lamang aksidente ang pagligtas sayo ng mga keeper?" tanong nito habang may kuryusidad na makikita sa mga mata nito

Imbes na sagutin sya ay nanatili akong tahimik at tinitigan lamang ang mukha nito. Kinakabisado ang lahat ng pagbabago sa mukha ng kapatid ko

Mask of the Darkness [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now