Caius
Masaya naman akong makita na ligtas si April mula kay Augustus. Nakita ko namang nakalayo na ito sa amin at binalikan si Khyro na naiwan magisa sa mismong mansyon.
Labag man sa kaloobang iwan ito ay nagpumilit syang paalisin ako para iligtas si April at sigurado akong naroon na ang mga kasamahan namin na kasama ngayon ni Khyro dahil sa sunod sunod na pagtumba at pagangil na naririnig ko
"Saan mo itinago ang babaeng iyon?" rinig kong sigaw ni Augustus mula sa likuran ko. Humarap ako dito at nginisian sya
"Kailangan kong makuha ang babaeng iyon" galit na angil nito at bigla naman nya akong sinugod ngunit nakailag ako at tumalon sa isa sa mga sanga ng puno malapit sa amin
Nagpalipat lipat ako ng punong pinwepwestuhan dahil sa pagatakeng ginagawa ni Augustus gamit ang kanyang dugo at pinutol ko naman ang ilan sa mga ito upang hindi ako masugatan ngunit sa isang iglap lamang ay nakaahon na ang mga ito sa ere at walang pikit matang maramdaman ang mga ito sa aking katawan.
"Tsk" bulong ko ng mapaubo ako dugo at pinipilit ang sarili na tumayo
"Look at what your father get out from choosing a mortal over someone who was same as he was. He now have his weak son" saad nito at umangil naman ako sa galit at sinubukang alisin ang nakatusok sa akin ngunit tinawanan lamang ako nito habang nangiinsultong tinitigan ako
"Huwag mo ng ipilit Caius dahil walang magagawa ang isang keeper lamang sa isang katulad kong noble blood" saad nito
"You're so proud of your bloodline after running away. A coward like you which is an act that clearly don't belong to a royal vampires and now you're always claiming to be one of them" nakangisi kong tugon rito dahilan upang sumama ang tingin nya kasabay ng pagkumpas nya ng kamay at naramdaman ko na lang na tumama ang katawan ko sa isang puno na malayo ng kaunti sa kanya at muli nyang hinila ang katawan kong nakahiga sa lupa matapos mahulog sa kinatapunan ko
Muli akong tinapon ni Augustus at bumagsak ang katawan ko sa isang malaking bato at naramdaman ang pagagos ng dugo mula sa nasugatang likod ko sa pagkakatama rito. Tumawa naman muli ng malakas si Augustus na parang nasisiyahan sa kanyang pinapanood ngayon
"Ayusin mo ang talas ng dila mo dahil baka nakakalimutan mong kalahating bampira ka lamang" sambit nito
"I may not be a pure vampire but for me the pure one was more decent than you. After all, I'm doing my job to protect humans which is the right duty of a vampire like us" tugon ko rito
"Huh? Just tell me that you just want to make your father proud on you" muli nitong tugon at tumayo naman ako sa kinaroroonan ko matapos maalis ang mga dugo nitong nakasaksak sa katawan ko at hindi ininda ang sakit na nararamdaman ko
"I don't need to do that dahil matagal ng proud ang ama ko sa akin dahil sa paggawa ko ng tama bilang isang keeper at sisiguraduhin kong huhulihin kita" umaangil na saad ko at mas lalo naman nitong pinalakas ang kanyang kapangyarihan at naramdaman ko ang enerhiyang nakapalibot sa kanya ngunit napakunot noo ako ng makitang bigla itong manghina at napahawak sa kanyang dibdib
"I'd love to play more with you Caius but I guess we can continue it next time and I surely come back to get your mate" turan nito bago akmang aalis
Tumakbo ako para atakihin ito nang bigla akong manigas at nakaramdam ng sobrang sakit sa buong katawan. Para akong pinipilipit ng sobrang higpit dahilan upang bumuka ang ilang mga sugat na natamo ko kay Augustus
![](https://img.wattpad.com/cover/304368145-288-k304892.jpg)
YOU ARE READING
Mask of the Darkness [[COMPLETED]]
VampiroApril believe na hindi pangkaraniwang tao ang nasa likod ng mga maskarang nakita nya, ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Hindi man klaro ang lahat ng mga ala-alang mayroon sya but the mark on her back will prove everything na sila ay...