Mask 14

17 3 0
                                    

April

"You're too young to understand even you had a photographic mind you're still a human. Pero nakikita ko ang posibilidad na maging isa kang vessel na pwede kong paglagyan ng ilan sa aking kapangyarihan" saad ng babae na may blonde na buhok sabay haplos sa aking ulo

Tinitigan ko lamang ito at pinoproseso ang mga salitang sinasambit nya sa akin. Alam kong wala pa kami sa wastong edad ngunit parang matanda na ito kung payuhan at kausapin ako tungkol sa mga bagay na hindi ko alam kung para saan.

Umupo ito sa harapan ko at ipinatong ang kanyang kamay sa kaliwang balikat ko

"Is it okay with you if you will be my vessel April?" pagtatanong nito habang titig na titig ang kanyang mata sa akin

"Huh?" wala sa sariling nasambit ko

"Because of my overwhelming power I need someone that can be my vessel para sa sobrang kapangyarihan na taglay ko para hindi mamatay ang katawan na hiniram ko" muli nitong sambit sa akin

"If I can be your vessel is that mean that I will become a very powerful one too? And I can be strong like those superheroes?" saad ko rito

Tumango naman sya dahilan upang mapangiti ako sa aking naiisip at mabilis akong sumagot ng oo ng tinanong nya akong muli

"I also want you to meet a vessel like you, April" she chuckled and look at my back

"Come here Sandra. I will introduce you to April" pagtawag nito sa babae at lumapit naman ito sa amin bago naupo sa bandang tabi ko

"This is Alessandra and this is April" pagpapakilala nya sa amin sa isat isa and we both smile and say hi to each other

"Now, close your eyes" sambit nya sa amin ay sinunod namin ito at naramdaman ko ang kanyang mainit na palad sa aking dibdib

"I will be given a part of me to my vessels, Sandra and April" sambit nya at ilang oras pa ay may sinambit itong lenggwahe na hindi ko maintindihan na para bang kinakausap nya ang sarili nya dahil mukhang sya lamang ang nakakaintindi ng kung ano man ang kanyang sinasambit

Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ng ibang eksena nanaman ang pumasok sa aking isipan at malinaw na sa akin na ang babaeng iyon ang nagturo sa akin ng ibat ibang orasyon na nalalaman ko ngayon

Nakita ko ang sariling naglalaro kasama si Sandra pati ang babaeng kulay blonde ang buhok at sa nakikita kong iyon ay hindi normal na laro lamang dahil walang araw na hindi ako nito tinuturuan ng salamangka at mga orasyon na sinusundan kong sambitin katulad ng kanyang sinabi na gayahin ko ang anumang bagay na ituturo nya sa akin

Mabilis nanamang nagbago ang ala-alang nakikita ko kung saan ay may itinuturo ito sa akin na hindi ko kayang gawin

Nakita ko ang mukha nyang parang dismayado dahil hindi ko iyon kayang gawin ng maayos

"Don't worry April, you still a good vessel. The important thing was that you learned everything that I taught you sabagay sobrang talas ng utak mo kaya siguro nagagawa mo ang mga orasyon na itinuturo ko sayo kahit sa murang edad mo pa lamang" sambit nito sa akin habang nakatingin lamang ako sa kanya

Mask of the Darkness [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now