Caius
"Hey, don't be mad at me I didn't tell to her that s*x is a kind of recharge you did last time" natatawa nitong tugon sa tanong ko at napahilot na lamang ako sa magkabilang sentido ko
Gusto ko mang mainis ay hindi ko magawa dahil sa kaibigan ko ito. Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na pagtawa nito sa gilid. Gaya nga ng sinabi ni Khyro ay effective din sa amin ang pakikipagtalik para mabilis na mabawi ang lakas na nawala sa amin ngunit hindi tulad ni Khyro ay hindi ko kayang makipagtalik sa isang mortal dahil sa lakas ko ay nasasaktan ko lamang ito at nasusugatan dahil sa hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko hindi kagaya ni Khyro na gentle sa pakikipagtalik sa mga mortal. And now I only had s*x with a half human and half vampire like me at dahil sa madaling makahanap ng kapareha sa ganitong bagay lalo na at natural na lamang ang mga ganitong bagay para sa kagaya namin.
Binigyan ko ng masamang tingin ang kakaupo lamang na si Khyro sa gilid ko
"Huwag mo na ulit babanggitin ang tungkol dyan kay April dahil sa talino nito ay madali nyang makacope up sa mga bagay bagay" sambit ko na mulit lamang nyang tinawanan
"Alam kong matalino si April pero inosente pa rin ito. Napakaclueless ng mukha nya ng mabanggit ko ang tungkol doon" pangangatwiran niya
Bumuga lamang ako ng hangin bago tinitigan ang mga bulaklak na iniaabot ng tindera ng flowershop bago ko iabot ang bayad at nagsimula ng magdrive patungo sa pupuntahan namin.
"Grow up Matteo Escano, you're older than me remember?" sambit ko sa tabi nya bago ilapag ang mga bulaklak na binili ko at sinindihan ang kandila
"It's Khyro and not Matteo" pagtatama nito sa tinuran kong pangalan nya
Hindi na lamang ako sumagot at tinitigan ang mga pangalan na nasa harapan namin.
Sa loob ng mahabang taon ay ngayon na lamang namin naranasang magluksa sa mga biktimang napapatay namin dahil sa kasamaang gawa ng mga masasamang kalahi namin katulad na lamang ng mga sinapit ng mga estudyanteng ito na sapilitang gawin bampira sa hindi malamang dahilan.
Matagal na ring panahon nang matahimik ang grupo nila Augustus hanggang sa nagsimulang mawala ang mga ordinaryong tao sa ibat ibang panig ng bansa noong anim na taon na ang nakakalipas
Nanatiling magulo ang pagdukot sa mga nawawalang tao dahil walang bakas ng palatandaan sa mga ito ang uri at estado ng kanilang pandudukot basta basta lamang silang kumukuha ng ordinaryong tao at mababalitaan na lamang na bampira na ito pagkabalik.
Habang tumatagal ang kidnapping cases na nagaganap ay nakakakita na kami ng pattern sa kung ano ang basehan nila sa pagdukot lalo na sa mga estudyanteng nawawala kung kayat madali na lamang sa amin ang kumilos at bantayan ang mga elite schools na maaaring susunod nilang puntahan lalo na ang mga top students ng bawat paaralan na ito ay binabantayan na rin namin.
Dahil sa mga pagbabantay at pagiimbestiga na ginawa namin ay nakahuli kami ng mga traydor na bampira ngunit wala rin kaming napala sa mga ito dahil ni isa sa kanila ay walang umaamin kung sino ba talaga ang may pasimuno ng gulong nangyayari sa mundo hanggang sa matunton namin ang isang gusali malapit sa isang kagubatan sa liblib na lugar noong nasa London pa kami ni Khyro kung nasaan naroon ang laboratory ng mga bampira na naglalaman ng ilang impormasyon tungkol sa mga bansang susunod nilang aatakihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/304368145-288-k304892.jpg)
YOU ARE READING
Mask of the Darkness [[COMPLETED]]
VampiroApril believe na hindi pangkaraniwang tao ang nasa likod ng mga maskarang nakita nya, ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Hindi man klaro ang lahat ng mga ala-alang mayroon sya but the mark on her back will prove everything na sila ay...