Mask 05

19 5 1
                                    

April

"Kaibigan ka ni Caius, right?" tanong ko kay Khyro ng makasalubong ko ito patungo sa kusina

Guwapo din ito at katulad ni Caius ay may maputlang balat. He's also taller and mascular, he had a dark brown hair and a deep blue eyes. May matangos din itong ilong at kissable red lips

"If I'm not mistaken ikaw din iyong kasama ni Caius noong gabi na inatake akong ng mga bampira?" Muli kong pagtatanong rito

Tumawa ito dahilan upang mamula ang mga pisngi nya at ang sexy ng boses nito habang tumatawa

"Tama ka April ako nga yon at kaibigan din ako ni Caius pero secret lang natin ang mga nalalaman mo lalo na ang tunay na anyo namin" tinanguan ko ito sa kanyang sinambit

"No problem and no one believe me naman na mayroong mga bampira talaga" sambit ko sa kanya

"Pero sana hayaan nyo din akong makatulong sa inyo sa pagiimbestiga tungkol sa kidnapping cases na nangyayari ngayon" pagpapakiusap ko sa kanya at tinitigan ako nito

"Para mahanap ang kuya mo, tama?" napakurap ako dahil sa tinuran nya pero hindi na ako nagtaka kung paano nya nalaman iyon marahil ay ikenwento ng kaibigan nya sa kanya

"May tanong pala ako" sambit ko bago maupo sa tabi kong upuan

"Spill it, kaya ko naman yatang sagutin yan" natatawa nitong saad at inabutan ako ng ginawa nyang juice

"Mga bampira din ba ang mga kasambahay na kasama nyo dito?" mahinang bulong ko malapit sa tainga nya dahil baka marinig kami

Napalakas naman ang tawa nito sa hindi ko malaman na dahilan at inisip kung may nakakatawa ba sa tinanong ko ngunit mukhang wala namang nakakatawa doon. Nakakunot ko na lamang itong tinitigan at hinintay na matapos sya sa kakatawa

"Purong tao ang mga kasambahay namin dito April. Sila ang mga sumumpa ng katapatan sa amin at maluwag din nila kaming binibigyan ng kanilang dugo para inumin" sambit nito na ikinagulat ko

"Umiinom din kayo ng dugo?" pagtatanong ko at tumango ito

"We're still vampires kahit half lang. We could live not only with human foods but with blood also" turan nito

"Normal na sa amin ang paginom ng dugo mula sa tao lalo na kung may malala kaming injury ay nakakatulong ito sa amin para mapabilis ang paggaling namin pero hindi kami pumapatay para lamang makakuha nun" dagdag pa nito sa harapan ko

Magtatanong pa sana akong muli ng biglang nasa tabi ko na si Caius at tinitigan si Khyro na parang naguusap sila ng walang salitang sinasambit. Nakita ko namang ngumisi si Khyro bago iabot sa akin ni Caius ang mga gamit ko

"Si Khyro na ang maghahatid sayo pabalik sa dorm mo dahil may aasikasuhin pa ako" saad nito bago muling umalis

Isinukbit ko ang bag na kung nasaan ang mga gamit ko at sumunod kay Khyro palabas ng bahay hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ng sasakyan nya

Mask of the Darkness [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now