ROSÉ'S P.O.V.
"Rosé anak anjan na yung mga kaibigan mo sa baba hinihintay ka." Rinig kong sigaw ni nany Linda sa labas ng kwarto ko. Siya yung nanay-nanayan ko pag wala si mommy. Bata palang ako nagseserbisyo na siya sa amin kaya parang anak na din ang turing niya sa akin.
"Opo.. palabas na po ako nay." Saad ko habang inaayos yung lipstick.
Nasahagdan palang ako tanaw ko na yung mga kaibigan ko sa sala na nakikipag-usap kay mommy. Bumati muna ako kay mommy bago ko sila binati.
"Alis na po kami mommy." Paalam ko kay mommy. At nagpaalam na din ang mga kaibigan ko.
"Sige na para maaga kayong makauwi at para di kayo malate mamaya sa event niyo." Nakangiting saad sa amin ni mommy.
Gamit namin ang sasakyan nila Jennie ngayon papuntang mall na pagmamay ari nila Jennie dahil tinatamad silang magdrive kasi ayaw daw nilang mahagard ngayong araw. Since gabi pa naman ang start ng event napagpasyahan namin na magpasallon para mamayang gabi kailangan yung mga beauty namin ang mas umangat sa lahat. Charr. Nagpasalamat muna kami kay kuya Art na driver ni Jennie bago bumaba ng sasakyan.
"Grabe Jen mukhang mas lumalago yung mall na 'to habang tumatagal ah." Manghang saad ni Irene pagkababa namin ng sasakyan sa harap ng napakalaking mall na pagmamay-ari lang naman ni Jennie. Yes, she's the owner of this huge mall infront of us na pinamana sa kaniya ng Grandad niya no'ng 18th birthday niya. What a lucky human being.
"Oo nga simula nong ikaw na naghandle ng mall na 'to mas lumago lalo." Pagsang-ayon naman ni Mina habang papasok kami sa loob.
"Syempre naman no businesswoman kaya tong kaibigan niyo." Mayabang na saad niya sa amin sabay flip hair.
"Ok sige hindi na kami tututol total libre naman yung pagsasalon namin ngayon." Naiiling na lang na saad ni Irene.
"Ngayon lang to nexttime may bayad na walang kaibi-kaibigan pagdating sa business." Birong saad ni Jennie sa amin na sinabayan naman namin ng mahihinang tawa. Marami kasing tao nakakahiya naman kung tumawa kami dito ng napakalakas at tsaka nakatingin pa yung iba sa amin.
"Good morning po ma'am Jennie." Bati ni prince na princess kung gabi na nakaassign dito sa salon.
Pagkapasok namin sa loob inassist agad nila kami. Kami lang ang tao dito ngayon dahil malamang sinabihan na sila ni Jennie na pupunta kami ngayon dito kaya hindi na muna sila pwedeng tumanggap ng customer ngayon.
Hindi naman kami nabobored dito dahil mga palabiro naman ang mga nag aasist sa amin actually kilala na namin ang mga tao dito dahil regular costumer kami dito nila Irene at Mina syempre no choice kami kasi masasabunotan kami ni Jennie pag sa ibang mall kami pumunta. Lol.
YOU ARE READING
MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)
RomanceJisoo,Lisa,Suelgi and Son chaeyoung are just four famous hot girls in their school, men and women are drooling over their beauty and body. What if one day matagpuan nila ang magpapabago sa takbo ng kanilang buhay. This is their story.