22. HAWAII

302 14 1
                                    

ROSÉ'S P.O.V

"Nice to see you again Hawaii!!!!"Malakas na sigaw ni Suelgi.

"My Goodness Suelgi your mouth is so loud!"Inis na saad ni Irene sa kaniya.

"Inis na inis ka sa bunga-nga ko pero napapasaya ka naman nito gabi-gabi."Mahinang bulong ni Suelgi pagkalabas niya ng sasakyan.

"May sinasabi ka?"Mataray na tanong ni Irene sa kaniya.

"Sabi ko bubuhatin ko na yung mga gamit natin excited na ako makita yung girlfriend ko na naka two-piece."Suelgi said to her while wiggling her eyebrows.

"Ang dami mong sinasabi hala sige buhatin mo na yang mga gamit natin bilis." Utos niya kay Suelgi pagkatapos niya magsuot ng sunglasses bago sinundan sina Mina at Jennie na nagseselfie na ngayon sa tabi ng dagat.

"Pambihi naman na buhay to oh buhay princessa ako sa bahay tapos ginagawa lang akong alila ng babaeng yon."Maktol ni Chaeyoung habang binubuhat lahat ng bagaheng dala nila ni Mina. Pano ba naman kasi ang dami ng dala nila balak na yata nila dito tumira eh 1 week lang naman yung stay namin dito.

"Pagnapuno na ako sa babaeng yon isusumbong ko talaga yon kay mommy na inaalila niya ako palagi."Reklamo naman ni Suelgi na pumapadyak pa na parang bata. Natawa na lang ako sa kanila. Kapagsinumbong ko 'tong mga to sa mga jowa nila, bukas palutang-lutang na sila sa dagat at wala ng buhay.

"Ako nga hindi ko pa nga jowa inaalila na ako ng duwendeng yon."Mahinang bulong ni Lisa sa amin na para bang takot na takot na marinig siya ni Jennie.

Minsan natatawa na lang talaga ako sa sitwasyon nilang tatlo dahil sa katarayan ng mga kaibigan ko. Pero hanga din ako sa pasensya nilang tatlo sa mga kaibigan ko kasi hindi parin sila naggigive-up. And I'm really happy for my friends dahil may taong nagtitiis para sa kanila at nagmamahal sa kanila. I mean kamahal-mahal naman talaga yung mga kaibigan ko, yon nga lang matinding pagtitiis muna ang napagdadaanan ng mga manliligaw nila kaya yung iba naggigive up na lang. Iwan ko ba kung bakit napasagot agad ni Suelgi at Chaeyoung yung dalawa kong kaibigan.

"Sumama kana sa kanila ako na bahala magdala ng mga gamit mo sa room mo."Napaigtad ako ng biglang magsalita si Jisoo sa harap ko sabay kuha ng mga gamit ko kaya hindi na ako nakatanggi pa.

"Rosé-yah come here let's take a picture together!!" Sigaw ni Jennie sa di kalayuan. Lumapit na lang ako sa kanila at hinayaan si Jisoo na magbit-bit ng mga gamit since dumating na din naman yung mga crew na magdadala ng mga gamit namin sa loob.

"Ang ganda naman dito sa Resort nila Jisoo." Nakangiting saad ni Mina habang nakapikit ang mga mata at nilalasap ang simoy ng hangin.

Nandito kami ngayon sa resort nila Jisoo dito sa hawaii. And Mina is right it's really beautiful here. Ang peaceful ng lugar ang linis halatang napaka responsible ng mga crew nila dito. Ang ganda ng view and for sure maganda din dito kapag gabi. Napag-usapan kasi namin noong acquaintance party na after ng exam namin magbabakasyon kami para magrelax, kasi subrang na stressed talaga kasi kami sa mga past events sa school and mga exam and projects namin, kaya deserve namin mag relax.

Sagot ni Jisoo yung pagstay namin dito noong una ayaw pa namin pumayag na libre yung pag stay namin dito kasi business nila ito at baka malugi sila kaso ayaw niya talaga kaya wala na kaming nagawa. And yung sa plane tickets naman namin si Lisa na ang sumagot doon kaya wala talaga kaming nagastos papunta dito.

"Pahinga muna tayo mamaya na lang tayong gabi gumala dito." Aya ni Jennie sa amin after namin kumuha ng mga litrato.

2 pm palang kasi kaya tirik na tirik pa ang araw at tsaka pagod din kasi kami sa byahe kaya napagpasyahan na lang muna namin na magpahinga muna sa kaniya-kaniya naming room para makapaggala mamayang gabi.

Pagpasok namin sa loob naman ng hotel hindi naman mapigilang mamangha dahil sa ganda at laki ng hotel ang ganda ng design at napakaaliwalas. Nagawi ang paningin ko sa may couch kung saan nakaupo sila Jisoo dito sa loob ng hotel at may kausap na babae. Hindi ko alam pero parang naiinis ako kasi mukhang close na close sila ni Jisoo nakakapit sa braso niya yung babae at subrang ganda ng ngiti tapos maganda pa siya sexy at matangkad nakalabas din yung dalawang dimple niya sa magkabilang pisnge, para siyang model. Hindi ko tuloy mapagilan hindi mainsecure. May karapatan ba ako magselos? Kasi nanliligaw palang siya sa akin wala pang kami. Hindi ko alam kung ano yung karapatan ko sa kaniya. Ang hirap pala talaga kapag walang label, hindi mo alam kung ano yung sa iyo at ang hindi. Napabuntong hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanila.

"Lalim non ah."Saad ni Irene habang nakatingin na din sa gawi nila Jisoo.

"Bakit kasi hindi mo pa sinasagot para mabakuran mo na." Saad naman ni Mina sa akin. Sasagot na sana ako kaso napatingin naman si Jisoo sa gawi namin. May sinabi muna siya sa babae at tumango-tango naman ito bago nagpaalam kila Jisoo.

"Hi gusto niyo ba muna kumain?" Tanong niya sa akin pagkalapit nila sa amin.

"Mamayang gabi na lang busog pa ako eh gusto ko muna magpahinga."Malumanay kong sabi sa kaniya.

"Ganon ba, tara hatid na kita sa kwarto mo." Saad niya sa akin. Tumango-tango lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Nagpaiwan muna sila Jennie sa baba at susunod na lang daw sila maya-maya kaya kami na lang ni Jisoo ang umakyat sa taas. Ang akward tuloy dito sa loob ng elevator.

"Hmm ok ka lang ba?" Alalang tanong niya sa akin. Tumango lang ako at ngumiti ng bahagya sa kaniya bago ibinalik yung tingin ko sa pinto ng elevator, napansin ko naman sa reflection ng elevator na nakatingin parin siya sa akin. Maya-maya pa ay bumukas na din yung elevator.

"Anjan na sa loob yung mga gamit mo, dito lang sa kabila yung kwarto ko if you need anything just tell me ok?" Nakangiti niyang saad sa akin pagkatapos niyang iabot sa akin yung susi ng room ko.

"Ok thank you." Papasok na sana ako ng bigla siyang magsalita. Ayaw kong tumingin sa kaniya may kiss mark pa siya sa pisngi niya nakakainis kagagawan yan nong babae kanina hinalikan niya kasi si Jisoo sa pisngi kanina bago umalis.

"Rosé... see you later." Saad niya sabay halik sa forehead ko. Mas lumala lang yung inis ko ng maamoy ko yung ibang amoy sa kaniya. Hindi ganon yung pabango ni Jisoo alam ko yung amoy niya. Iba ngayon ang sweet ng amoy kulang na lang langgamin siya sa tamis. Siguro don niya yon nakuha sa babae kanina grabe kasi makadikit kay Jisoo dikit na dikit.

"Bakit?" Inis na saad ko after ko siya pagbuksan ng pinto. Bigla ko na lang kasi sinara yung pinto ng walang pasabi. Napansin ko naman na namumula yung ilong niya.

"Galit ka ba sa akin?"Alanganin niyang tanong habang kinakamot yung nuo niyang namumula na din siguro natamaan din ng pinto.

"Hindi pagod lang ako." Saad ko sa kaniya sabay irap ng mga mata. Bago ko isara yung pinto nakita ko pa yung gulat sa mukha niya at bahagyang pag-awang ng kaniyang bibig sa gulat.

Ngayon lang kasi nagsungit sa kaniya ng harap-harapan. Yes harap-harapan kadalasan kasi hindi ko pinapakita yung inis ko, and the reason is nagseselos ako sa mga umaaligid sa kaniya. Pero ayaw kong ipakita sa kaniya na naaapektohan ako kaya kapag naiinis ako tahimik lang ako.

Anyway, pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko napangiti ako kasi subrang ganda. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Mas lumawak yung ngiti ko ng mapansin ko na may malaking sliding glass door at kitang-kita ang view sa labas dahil nakataas yung kurtina. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang terrace. May roon din ditong table and 2 chair at beach folding chair. Kahit hindi na siguro ako lumabas ng kwarto mag eenjoy parin ako view palang ok na ok na sa akin. Lalo na siguro mamaya pag may sunset na.
______________

Helloo!! Sorry if ngayon lang po nakapag update. Hindi kasi nagfufunction yung braincells ko this past few weeks. I mean everyday naman pala🤧. Mag-uupdate po ulit ako bukas may naiisip na akong idea kaso 11 na kasi need ko na matulog kaya bukas na lang ulit. Thank you. Goodnight... (CTTO) po sa mga pic na nagagamit ko.

MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)Where stories live. Discover now