Chapter 27: REVEAL

346 11 11
                                    

ROSÈ P.O.V

"Argh!! I hate her!!" frustrated na saad ko habang humihinga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"You know what kung hindi niyo lang sana tinatago yung relasyon niyo walang ganon na mangyayari." Saad sa akin ni Irene.

"You're not sure. Alam man nila o hindi kung malandi yung tao wala ka ng magagawa." Nakahalukipkip na saad naman ni Jennie sa sinabi ni Irene.

"Jennie is right. Kung makati yung tao wala ka na talagang magagawa. And isa pa hindi mo rin sila masisi dahil ang alam ng mga tao single si Jisoo kaya nagkukumahog sila na makuha ang attention ni Jisoo." Umiiling na saad ni Mina habang nakaupo sa couch.

She's right walang nakakaalam dito sa school na may relasyon kami ni Jisoo maliban sa mga kaibigan ko. Ang alam nila single siya at single ako kaya kaliwat-kanan parin ang nagpapapansin sa amin. Pero yung nakita ko kanina parang tumaas lahat ng dugo ko sa ulo. Nadatnan ko lang naman kanina yung president ng tourism department na nakaupo sa lap ni Jisoo at pilit hinahalikan ang girlfriend ko kahit na tinutulak na siya. Nagpaliwanag naman agad sa akin si Jisoo na hindi niya alam na susundan siya ni Brianna sa garden area kaya nagulat na lang siya ng biglang may tumulak sa kaniya sa upo sa bench at umupo sa lap niya kaya saktong naabutan ko sila sa ganong posisyon.

"I thought magiging tahimik yung relasyon namin that's why I want to keep our relationship private." Naiinis kong paliwanag sa kanila.

"Kasalanan mo yan kasi nagjowa ka ng attractive kaya ayan marami kang kaagaw. Feeling ko nga tatanda ako ng maaga dahil kaliwat-kanan yung mga babae ni Suelgi." Reklamo ni Irene na sinang ayunan naman ni Mina at Jennie.

"Huwag mo ng isipon yon ang mahala loyal sa'yo si Jisoo. Kung paiiralin mo lang yang selos mo kayo lang ni Jisoo ang mag-aaway." Payo naman sa akin ni Jennie.

"Wow coming from reyna ng mga selosa."Mahinang bulong ni Mina na pero narinig parin ni Jennie.

"Same to you." Saad naman ni Jennie sabay smirk kay Mina.

"Hoyy lahat tayo dito selosa nagturuan pa kayo." Saad naman ni Irene na ikinatawa ko. Mabuti na lang talaga may mga kaibigan ako na napaglalabasan ko ng sama ng loob.

If your asking me kung anong ginawa ko kay Brianna kanina, wala. Tinawag ko lang yung pangalan ni Jisoo sa pinakamalamig kong boses kaya naitulak niya ng malakas ang babae dahilan para mahulog siya sa sahig na ikinadaing niya. Hinila ko siya papalayo sa higad na nakaupo parin sa sahig habang nakatingin sa akin ng masama. At sa akin pa talaga siya galit ah hindi sa tumulak sa kaniya.

Pagkatapos ko magsabi ng sama ng loob sa mga kaibigan ko ay pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming mga klase. Kasama ko si Jennie at humiwalay naman sa amin sina Irene at Mina dahil magkaiba kami ng sched. ng subject.

Makalipas ang mahigit 3 oras na klase ay nagtapos na ang klase. Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay yung afternoon class. Bukod sa nakakaantok na nakakaantok rin yung boses ng nagtuturo pero, hindi ka pwedeng matulog dahil paggising mo may tres ka ng grade aa card mo. Pagkaligpit ko ng mga gamit namin nagpaalam sa akin si Jennie na pupunta muna siya ng comfortroom kaya mauna na lang raw ako sa canteen.

Nakatanggap naman ako ng text message kay Jisoo na nandon na raw siya at hinihintay ako with I love you sa huli kaya napangiti na lang ako habang naglalakad patungong canteen pero agad namang kumunot ang noo ko ng mapansin na hindi yung mga kaibigan ko o kaibigan niya ang kasama niya kundi isang babae.

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nila. Seryoso lang ang mukha ni Jisoo na nakatingin sa babae, habang yung babae naman matamis na nakangiti kay Jisoo at mahagya pang nakayuko sa harap ng girlfriend ko. For what? malamang para ibalandra ang galit na galit niyang dibdib na nakaharap sa girlfriend ko kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)Where stories live. Discover now