ROSÈ'S P.O.V
It's been a month since Jisoo leave to manage their business abroud. Araw-araw niya akong tinatawagan gaya ng ipinangako niya sa akin bago siya umalis. Minsan nakakatulog siya kapag nagfeface time kami dahil sa subrang pagod and I understand her.
She also told me about Mr. Collins and I understand now why she's so determined to win his trust because Mr. Collins is one of the most successful business tycoon. Hindi naging maganda ang unang pagkikita nila dahil pinahiya agad siya ni Mr. Collins sa ibang mga board members. But my girl didn't give up. Mas nagsumikap pa siya para makuha ang loob ni Mr. Collins.
"Anak may delivery ka sa baba." Nakangiting saad ni nanay sita pagkabukas niya ng pinto dito sa kwarto ko. Para na rin namin siyang pamilya dahil simula ng maliit pa si mommy ay siya na ang nag-aalaga dito at ganoon din ang ginagawa niya sa akin. Niligpit ko muna ang laptop na ginamit ko bago ko siya harapin.
"Galing po ba kay Jisoo?"Malawak ang ngiting tanong ko sa kaniya.
"Sino pa nga ba anak. Yung mga delivery mula sa kaniya lang naman ang tinatanggap mo." Natawa naman ako sa sinabi ni nanay at niyakap ito. Bukod kasi kay Jisoo ay may mga iilan parin na hindi tumitigil na ligawan ako kaya kinausap ko na si kuya victor and guard sa village na 'to na huwag magpapasok kapag hindi galing kay Jisoo ang pinapadeliver sa'kin.
"Ang sweet talaga ng batang 'yon ano. Akalaan mo kahit nasa malayo eh aba hindi parin nakakalimot na padalhan ka ng kung ano-ano." She said while caressing my back.
"Syempre naman nanay ako na 'to yung pinakamaganda mong anak." Biro ko sa kaniya na ikinatawa naman niya.
"Ikaw talagang bata ka. Oh siya bilisan mo na at naghihintay na sa baba yung nagdediver." Ani ni nanay sita. Sabay na kaming bumaba at inalalayan ko pa siya pababa dahil medjo matanda na rin si nanay sita.
"Good Morning po ma'am."Nakangiting bati sa akin ni kuya Nestor.
"Good Morning din po kuya Nestor."Nakangiti kong saad sa kaniya pagkatapos ko pumirma at abutin ang mga pinadala sa'kin.
"THIS BOUQUET MAY BE BEAUTIFUL BUT NOTHING COMPARE TO YOUR BEAUTIFUL SMILE, MY BEAUTIFUL ROSE. I LOVE YOU."
- Jisoo
Hindi ko maiwasang kiligin sa note habang yakap yakap ang bouquet. Since then na nanliligaw siya hanggang sa maging kami walang palya na hindi niya ako binibigyan ng bulaklak, mapa bouquet man o pinitas na bulaklak mula sa garden nila with her sweetest note na nagpapakilig sa'kin.
"She's still not calling you?"Jennie asked me pagkatapos niyang uminom ng whiskey sa wineglass.
Nandito kami ngayon sa birthday party ni ate dara which is Irene's cousin. Ako si jennie, lisa at suelgi lang ang nandito. Mina and Chaeyoung is not here because nagvacation silang dalawa sa province nila Mina at next week pa ang balik nila.
"Yes and I can't help to worry. Pati mga messages ko hindi niya pa naseseen. Tatlong araw ko na siyang hindi nakakausap." Malungkot kong saad sa kaniya.
Huling usap namin is nong araw na natanggap ko yung flowers na pinadeliver niya sa'kin pero saglit lang kami nag-usap kasi may pupuntahan daw siya. Kahit message manlang sana sagutin niya para hindi ako nag-iisip ng kung ano-ano.
"She's not answering my messages and calls too. Baka busy lang si Jisoo. You know it's not easy to please Mr. Collins. Tatawag din yon sayo." Pagpapaalala sakin ni Lisa.
YOU ARE READING
MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)
RomanceJisoo,Lisa,Suelgi and Son chaeyoung are just four famous hot girls in their school, men and women are drooling over their beauty and body. What if one day matagpuan nila ang magpapabago sa takbo ng kanilang buhay. This is their story.