Chapter 25. Finally

363 17 9
                                    

ROSÉ'S P.O.V


"Ang cute-cute naman ng chipmunk namin magselos." Asar sa akin ni Mina na mas ikinasimangot ko naman lalo.

Kasalukuyan kaming nanunuod ng beach volleyball ngayon at kasama sina Jisoo sa mga naglalaro. Sa halip na matuwa ako sa galing niya maglaro ay naiinis lang ako. Pano ba naman kasi kung makalingkis yung babae na nakita kong nakalingkis sa braso niya noong unang araw namin dito, hito ngayon panay yakap kay Jisoo everytime na nakakascore siya kulang na lang maghalikan sila. Bwesit. At yung kinaiinisan ko pa feeling ko sa akin siya nakatingin kapag niyayakap niya si Jisoo. Dito siya sa gawi ko nakatingin at nakangisis pa.


Tahimik kaming namamahinga kanina habang inienjoy ang simoy ng hangin dahil napagod kami sa ginawa naming underwater activities at super nag enjoy ako sa diving kanina although may takot na naramdaman no'ng una tudo alalay naman sakin si Jisoo kaya nawala yung takot ko. So yon nga masaya kaming inienjoy ang view at ang simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko ng bigla na lang niyang sunggaban nang yakap si Jisoo. And her name is Denise and friend daw siya ni Jisoo, buti naman. And guess what? Isa pala siyang sikat na model at dito nila napili magphotoshoot para sa bagong cover daw ng magazine. Sikat daw pero hindi ko naman kilala, tssk. So yon nga dahil last day na daw nila ngayon nagyaya daw yung ibang kasama niyang model na maglaro ng volleyball. Since kulang sila ng player niyaya na lang nila sila Jisoo maglaro, syempre ano pa nga ba pumayag naman yung apat chixx na yung lumapit eh tatanggi pa ba🙄

Iniirapan ko lang si Jisoo everytime na tumitingin siya sa gawi ko na tinatawanan niya naman kaya mas lalo lang ako sa kaniya naiinis, tuwang-tuwa pa siya na parang bata akong nagmamaktol dito bwesit. Ang landi pa niya tumawa tssk palibhasa gustong-gusto niyang nababaliw sa kaniya yung mga tao sa paligid niya. But, nawawala naman kahit papano yung inis ko kasi kapag niyayakap siya nong Denise, hindi niya niyayakap pabalik nasa gilid lang yung kamay niya behave lang tama yan.


"If I'm Jisoo's girlfriend, kanina ko pa na scratch yung face ng girl na 'yan and I'll drown her in the sea." Conyong saad ni Jennie sa tabi ko habang nanunuod.


"Same baka nasampal at nasabunotan ko na siya. Wala akong paki kahit madaming tao ang nanunuod." Saad naman ni Irene.


"Ang brutal niyo naman mga sis. Pero agree." Natatawang saad naman ni Mina. Ang brutal daw, pero agree siya.


Hindi ko na lang sila pinansin at nanuod na lang sa laro nila. Parami naman ng parami yung mga taong nanunuod sa kanila habang tumatagal kaya mas lalo ng umiingay ang paligid. Syempre ano pa nga ba karamihan sa mga nanunuod ay mga lalaki, busog na busog yung mga mata nila sa mga naggagandahang naglalaro ngayon ng volleyball at naka two-piece pa. Hindi ko naman maipagkakaila na maganda si Denise kaya hindi din malabo na hindi magkagusto si Jisoo sa kaniya.


"Lalim non ah." Puna sa akin ni Jennie dahil sa malalim kong pagbuntong hininga. Ngumiti lang ako sa kaniya telling her that I'm fine and averted my gaze. Hindi ko na namalayan na tapos na pala ang laro at unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao.


"Nice game guys."Dinig kong saad ni Denise at niyakap ulit si Jisoo for the 1M times.

"I enjoyed playing with you." Nakangiting saad ng babaeng nakaswimsuit na black na hapit na hapit sa kaniyang katawan.

"I hope we can play with you again."Saad naman ng isa pang babae na mukhang mabait naman.
May sinabi rin yung ibang kasamang model ni Denise pero hindi ko na narinig or should I say hindi ko na pinakinggan.


"Nice to meet you again lovely ladies." Paalam nila sa amin ng mga kaibigan ko na nginitian at tinanguan naman namin para hindi naman kami magmukhang rude sa kanila. They keep their distance naman kanina habang naglalaro kahit papano kaya sa mga nanunuod uminit yung ulo ng mga kaibigan ko hindi siya mga kasama ni denise, si Denise lang talaga yung panay yakap kay Jisoo.


MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)Where stories live. Discover now