Chapter One

7.2K 81 2
                                    











Janaia Pov

Halos liparin kuna ang daan patungo sa ilalim ng condo unit ni Lorens sa subrang pagmamadali.Ayaw kong mapagalitan na naman ako dahil sa kabagalan ng kilos ko.
Ayaw kong pumasok sa eskwelang may bagong pasa sa katawan.

Habol ang aking paghinga nang makarating sa ilalim.Dalidali akong lumapit sa sasakyang niyang nakaparada sa harapan ng condo.Ang kanyang black Lamborghini.

"Ang bagal mo!Ibigay muna 'yan sakin!"utas niya.Mabilis kong ibinigay sa kanya ang jacket na pinakuha niya sa akin bago ako nagmamadaling lumapit sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan para sumakay pero natigil iyon nang magsalita siya.
"Heps!Sumakay ka ng sikad!Ayaw kong madudumihan nang katulad mo ang loob ng sasakyan ko!"aniya sa matigas at inis na tono.Napako ako saking kinatayuan at hindi na tinuloy ang gagawin sana.Malapit nang mag alas otso at malalate na ako sa klase kong sikad lang ang sasakyan ko papunta sa campus.

Nanginginig akong napatingin sa bintana nang kanyang sasakyan kong saan naroon ang mukha niyang nanlilisik ang mga mata habang tinititigan ako.

"Pero malalate ako pag hindi mo ako pasasakayin..."

"Diba sinabi kunang maghanap ka ng sikad!Anong gusto mo!Banggain kita diyan?Alis!"sigaw na niya. Labag man sa kalooban pinilit kong iginalaw ang mga paa para umalis sa daanan ng kotse niya.Sumimangot ako.
Kahit kailan masama talaga ang turing niya sakin.Kung minsan pa nga nasa klase palang ako pinapatawag na niya ako para bumili nang mga kagamitan na ibibigay niya sa kanyang nobya.Halos pa mamahalin.

Mabilis kong iginaya ang mga paa papunta sa kanto ng lugar.Kong walang sikad akong mamataan ngayon sa jeep nalang ako sasakay.Medyo may kalayuan pa naman mula sa condo niya ang paaralan na pinapasukan namin and thanks to him.Siya ang gumagastos sa bayarin ko sa paaralan at sa pangangailangan ko pero ang kapalit niyon ang mga utos niyang mga alien lang ang makakagawa kong makapagsabing isang minuto palang nakabalik na kaagad ako.

Kamot ang aking batok habang tinitingnan ko ang dumadaang sasakyan sa gitna ng kalsada.May ibang nakaducati at may angkas na babaeng halos panty short na ang suot sa pang ilalim na bahagi.
Napatingin ako sa suot na maikling palda.Hindi naman masyadong maikli sa akin pero kita ang mahaba kong hita't paa.Okay lang naman dahil kahit papaano makinis ang balat ko.Hindi man ako kaputian masyado at hindi rin kayumanggi.Sakto lang.

Huminga ako nang malalim.Unti unti narin akong kinakabahan dahil habang tumatagal na nakatayo ako dito ay tumatakbo rin ang oras.May quiz pa kami ngayon sa English teacher namin.Hindi ko dapat iyon mamiss dahil kong magkataon kailangan kong magretake o magsummer class sa taong ito kong hindi ko iyon maipasa.

Mayamaya pa'y may nakita akong mamahaling ducating tumigil sa harapan ko.Natuon ang mga mata ko sa lalaking driver nito.Nakasuot ito ng helmet kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya.Sino ba 'to?

"Janaia sumabay kana sakin.Mukhang malalate kana eh."napakurap ako ng mga mata nang makilala ang boses nito.Siya itong isa sa mga malapit na kaibigan ni Lorens.Ngumiti ako sa kanya.Ibinaba niya ang shield sa mga mata niya para tingnan ako.
Sa lahat ng mga kaibigan ni Lorens siya ang hindi ako tinatrato na mababang uri ng tao.Kahit mayaman sila hindi ko nakita sa mga mata niya ang palagi kong nakikita sa mga mata ng mga kaklase ko.
Ang pagkainis at pagkainggit sa akin.Mahirap naman ako at walang ibubuga kaya hindi ko talaga alam kong ano ba ang dahilan kong ba't tila'y kinakatihan sila sa tuwing nakikita ako.

Mabilis akong lumapit sa ducati niya.

"Hawakan mo ang kamay ko."mabilis ko naman itong sinunod.Medyo nanlamig pa ako nang tuluyang nang magkalapat ang aming mga balat.Hindi ko alam kong kinakabahan lang ba talaga ako sa kanya o nahihiya.Nahihiya sa kadalahinang makiangkas ako sa katulad niya.

His unwanted Slave ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon