Nagising ako sa aking kama nang gabi na.Medyo masakit pa ang aking katawan pero okay na ang pakiramdam ko.
Ramdam ko ang benda sa aking ulo nang kumilos ako para bumangon.Sino ang naglagay? Siya ba?"Mabuti't gising kana.Sinabi sa akin ng Doctor ko na magaling kana."he smirk.Hindi ko man lang nakita itong nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.
"Alam mo,naiinis talaga ako sayo.Umaakto kang bata na hindi naman.Malapit kanang mag eighteen!"untag niya.Pansin ko ang tumutubong tensyon sa boses niya dahil sa sinabi.
"Huwag kang papansin sa akin!Dahil nawalan ka ng malay kanina maaawa na ako sayo,hindi noh!"lumapit ito sa aking kama at tiningnan ang paligid ng kwarto ko.
"Tinago mo pa talaga ang dalawang rose na 'yan!"sabay turo niya sa dalawang rose na inilagay ko sa mineral bottle na hindi na ginagamit.
Unti unti nang nalalanta ang mga dahon nito pero nanatiling preska ang kanyang bulaklak.Nanatili akong tahimik at hindi siya pinansin.
"Sabado bukas kaya hindi na muna kita isasama sa pamamalengke ko.Sasamahan ako ni Zuzy..."tumalikod ito at muling tinungo ang pintuan ko.
"At isa pa pala.Aalis ako ngayong gabi.May pupuntahan kaming fashion show ni Zuzy.Ikaw na ang bahala kong ano ang kakainin mo at huwag muna akong hintayin pa,bobo!"natatawa niyang sambit bago siya lumabas.Nanatili akong nakatitig sa likod niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala.
Parang wala lang siya kanya na sinaktan na naman niya ako kanina.Animo'y hindi na bago iyon sa kanya dahil base sa pananalita niya ay parang wala lang iyon.
Pagak akong ngumiti.
Okay lang.Hangga't buhay ako at humihinga pa kakayanin ko para lang makatulong sa aking pamilya.Ako nalang ang pag asa nila.Hinding hindi ko sila bibiguin.Mahirap man kakayanin kong makapag graduate sa senior high.Itinukod ko ang mga kamay para alalayan ang sariling tumayo.Masakit man ang balakang tinungo ko ang pintuan nang paika ika ang lakad.
Mahina ko itong binuksan at tinungo na ang kusina.
Hindi siya nagluto nang hapunan maliban sa natirang pagkain na kinain niya kanina.May isang slice pa dito ng pizza at dalawang paa ng manok.
Napadila ako.Nakaramdam kaagad ako ng gutom sa nakita.Hindi niya naman siguro ito kakainin?
Lumingon ako sa pintuan ng kusina.Nakaalis na kaya siya?Siguro.Hindi na kasi ako nakakarinig ng ingay niya sa sala kaya walang pag aalinlangang lumapit ako sa ibabaw ng lamesa at kinuha dito ang isang slice ng pizza at kinain kaagad.Kinuha ko narin ang dalawang paa ng manok.Gutom na talaga ako.Hindi kasi ako nakapagtanghalian."Bobo!Aalis na ako!Huwag mo na akong hintayin!"rinig kong sigaw nito.Pilit kong nilunok ang nginuya at muling sinulyapan ang pintuan.Himala.Nagpaalam siya sa akin.
Ano kaya ang nakain niya?Ewan.Muli kong nilantakan ang kinakain Naghanap pa ang mga mata ko sa pancake sa ibabaw ng lamesa pero wala na dito ang platong pinaglagyan ko sa halip nakita ko ito sa lababo.Kinain niya.Tipid akong ngumiti.
Mabuti naman.Ayaw kong magutom siya.Iyon ang sinabi ko sa ina niya.Imponto alas dyes ng gabi nang hindi parin siya dumadating.Kanina pa ako naghihintay sa kanya sa sala.Pinatay kuna nga ang TV dahil sa inaantok na ako.
Sumandal ako sa sopa.Hindi na kaya siya babalik?
Dati kasi pag aalis siya umuuwi naman siya.Minsan nagsasabi pa siyang hindi na babalik pero bumabalik parin siya sa condo niya.I sighed at muling tinitigan ang nakasarang pintuan.Kamusta kaya ang punta nila ni Zuzy sa fashion show?Nagsaya kaya silang dalawa?Masaya kaya siyang kasama siya?
I gritted my teeth.
No,hindi kuna dapat isipin iyon.Syempre masaya siya dahil kasama niya ang babaeng gusto niya.Mapait akong ngumiti.Paano kaya ako?Sa tagal na naming magkasama hindi ba siya nakakaramdam ng awa sa akin o ang katulad sa nararamdaman niya kay Zuzy?
Ayaw ko mang mag isip pero paano kong magugustahan rin niya ako.Ano kaya ang magiging takbo ng love story namin.Magkakaroon kaya kami ng happy ending o hindi.
Napakamot ako sa aking batok.Ang tanga ko talaga.Syempre hindi.
BINABASA MO ANG
His unwanted Slave ✓
Romance/Completed/ When he's rich and she's his slave. His unwanted slave who turn to be his muted mate as the time changes. /Started:Nov.20,2022/ /Finished:Nov.28,2022/ The book cover is not mine Crdt's to the rightful owner