Chapter 8

1.9K 43 3
                                    








Lumipas pa ang mga araw.Hindi ko alam kong kailangan ko bang magsaya o hindi na.
Ngumiti ako habang nakatitig sa di keypad kong cellphone.Simula noong araw na 'yon hindi na niya ako pinagbubuhatan ng kamay o ano.Nagagalit nga siya pero sa boses na lamang.Kahit papaano may pagbabago na sa kanya at masaya ako dahil doon.

"Janaia!"pagkarinig ko sa pangalan kong tinawag niya dali dali na akong lumabas ng kwarto.Excited na akong magpadala sa mga magulang ko.Ngayon ang sahod ko sa kanya.

"Yes Sir!"untag ko.Hanggang tenga ang aking pag ngiti nang matunton siya sa salang nakahiga sa mahabang sopa habang nanonood ng TV.

"Ito,"inabot nito ang isang may kakapalang sobre na kaagad ko namang inabot.
Ang kapal.
Naguguluhan akong napatingin sa kanya at inusisa ang laman nito.Maraming pera.Kinakabahan akong napalunok ng laway.

"Sir,sobra na ata 'to ang bigay..."hindi kuna natapos pa ang sasabihin nang inis siyang magsalita.

"Umalis kana nga!Bigay ko 'yan sayo.Iyan ang sahod mo sa akin kaya umalis kana!"untag niya.

"Pero marami po ito Sir,"masama niya akong tiningnan.I gulped.

"Sabi ko sahod mo 'yan kaya umalis kana.Isa pa hindi naman 'yan malaki.Fifty thousand lang 'yan kaya alis!Umalis kana!"tumaas ang boses niya kaya hindi na ako nag abala pang huwag umalis.
Lumapit ako sa shoe rack at kinuha mula dito ang dollshoes kong ginagamit sa tuwing lalabas ako.Total sabado ngayon.
Yays,hindi alam ni Sir na masaya ako ngayon.Mabibigyan ko na naman ng pera ang mga magulang ko.

Tinungo ko ang pintuan at lumingon sa kanya sa sala.

"Sir,lalabas na muna ako.Pagpapadala lang ako ng pera sa mga magulang ko."paalam ko.Nagtaas lang ito ng kamay na animo'y tinataboy na ako.
Nakangiti kong ipinasok sa dala kong shoulder bag ang sobre at pinihit na ang siradora.
Lumabas ako ng may ngiti sa aking labi.
Kahit paglalakad ko palayo ng condo hindi ko parin maiwasang huwag kumurba ang masayang pag ngiti ko sa tuwing maalala ko ang mga magulang ko.
Alam kong naghihintay narin sila ngayon.

Tumitig ako sa aking cellphone.Hindi pa sila nakakatawag.Eh,malapit nang magtanghali?Napakurap ako ng mga mata at tinitigan ang numero ni mama.

Ilang minuto akong nakatitig dito hanggang sa mag ring ito.Lumaki ang aking pag ngiti nang mag appear sa screen ang pangalan ni mama.

Mabilis ko itong sinagot.

"Hello Ma!"may kalakasang sambit ko.

"Hello anak! Pasensya na kararating lang namin sa syudad.Kasama ko ang papa at ang dalawang kapatid mo.Naiwan sa bahay ang lola mo."

"Nakapag agahan ba kayo nang umalis kayo sa bahay?"

"Hindi eh.Alam mo naman ang layo nang lalakarin natin papuntang kalsada kaya nagmamadali na kaming umalis.Nagbenta rin kami nang inani naming kamote at batwan kahapon para ibenta.Bibili nalang kami ng puto dito mamaya."ngumiti ako.

"Sige ma.Basta kumain kayo diyan hah.Mahirap pag magutom ngayon."natawa ito sa kabilang linya.Naririnig ko narin ang boses ni papa at ang dalawa kong kapatid na bumabati sa akin.
Tumingala ako sa langit.Naiiyak ako.Gusto ko nang umuwi.Gusto ko na silang makita.

"Huwag kang mag alala anak.Marami ditong pagkain."

"Sige Mama,hintayin niyo nalang ang padala ko.Magpapadala ako ng fourty thousand ngayon sa inyo.Kayo na ang bahala diyan hah."

"Ang laki naman niyan anak.Baka wala kana diyang pera."

"Huwag kang mag alala Ma,may natira pa sa akin."

His unwanted Slave ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon