Chapter 6

2.1K 42 17
                                    

Janaia Pov








Sumapit ang lunes.Akala ko may magbago na sa kanya simula noong gabing iyon pero wala.Naging matigas ang damdamin niya.Ni ayaw niyang palaging nakikita ang aking itsura.Nagkakaharap man kami pero hindi na niya tiningnan ang aking mukha dahil sa tuwing ginagawa niya iyon gumuguhit sa pagod niyang mga mata ang galit at puot na siya lang ang nakakaalam.
Naguguluhan man sinunod ko ang sinabi niya.Pumapasok na kaagad ako sa kwarto ko pagkatapos kong magawa ang ipinapagawa niya pero hindi niyon mawala wala ang panlilisik ng kanyang mga mata sa tuwing sinusulyapan ako at natatakot na akong magkamali.Baka sumobra pa ang pangbubogbog niya sa akin pag magalit ko siya.

Pilit akong napalunok ng laway nang tinungo na ang pintuan ng kwarto niya.May klase kami ngayon pero hindi parin siya lumalabas ng kwarto niya.Lumamig na ang hinanda kong gatas para sa kanya pero ni anino niyang dumalaw sa akin sa kusina wala.

"Sir Lorens?Gising na.May klase pa tayo."tawag ko mula sa labas ng kwarto niya.
Naghintay ako nang ilang minutong sumagot siya pero wala kaya muli kong tinawag ang pangalan niya.

"Sir..."

"Get out!Umalis ka kong gusto mong umalis!"he yelled.

"Sige Sir."kinakabahan kong sambit.
Dali dali kong tinungo ang pintuan ng condo para lumabas na nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan niya.
Gusto ko man siyang lingunin pero hindi kuna ginawa at nagpatuloy na.



Pagdating ko sa paaralan ay tinahak kuna ang daang papunta sa classroom namin nang  napatigil rin nang makarinig nang malakas na tilian sa hallway.
Dumapo doon ang mga mata ko.Dahil sa dami nang mga estudyante ang nakidalo sa tumpok hindi ko makita kong sino ang tinitilian nila kaya naisipan kong lumapit.
Nakisiksik rin ako sa ibang estudyante para lang makita kong ano o sino ang nagbibigay kilig sa kanila.

"Can you be my girlfriend again?"tumahip ang kaba sa aking dibdib nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.Animo'y may sumipang kabayo sa walang panangga kong puso nang makita si Zuzy na nakangiti sa gitna nang tumpukan.Nakatungo ito sa ilalim.
At sa sobrang curious kong malaman kong siya ba talaga ang kaharap nito nakiksik ulit ako hanggang sa tuluyan kuna siyang makita.
Nakaluhod sa harapan ni Zuzy hawak ang bouquet ng bulaklak at mga chocolates.Sumikdo ang puso ko.Nagsimulang uminit ang gilid ng aking mga mata indikasyon na nagsisimula nang mamuo ang luha ko dito.

"Can you be my girlfriend again, Zuzy?"malumanay niya tanong dito.Dahil doon nagsimulang lumakas ang ingay ng mga estudyante.

"Kyaaaahh!Sagutin muna!"

"Yays,kainggit naman ang mga ferson!"

"Natatae ako sa inyo!"

"Pwede bang makipagpalit sayo Zuzy!?"

"Bibigay na 'yan!"

Tilian nila.May iba pa akong naririnig pero hindi kuna iyon pinag tuunan nang pansin at umalis na sa tumpukan.Paglabas ko ay halos tumalon talon na ang lahat sa sobrang kilig.May ibang nagsimula nang maglumpasay sa lupa at dahil tanga ako lumingon ako sa likod.
Sakto sa pagtama ng mga mata ko sa pwesto ni Zuzy ay ang pagtayo rin ni Lorens at hinalikan siya sa labi.
Nanatiling dilat ang mga mata ko.Nanatili akong nagpapalakas ng loob habang tinitingnan silang pinagsaluhan ang mainit na halikan nila sa harapan nang marami.
Napakagat ako nang pang ibabang labi nang maramdamang tumulo na ang luha sa kanan kong mata.Nasasaktan ako sa nakikita.Nagseselos ako.

"Kyaaaaahhhhhh!"

"Tinuka talaga!"

"Sana alll!!"

"Pakihawak po ng panty namin!Nawawalan na ng garter!"

"Kainggit!Naiinis ako!Kainis!"

Pagak akong natawa.Seriously?Ano ba ang ginagawa ko dito.Para ba saktan ang sarili ko?Hays,kakahiya naman.

His unwanted Slave ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon