Sumapit ang alas dose ng gabi nang gising parin ako dahil sa walang tigil na pag utos sa akin ni Zuzy.Katulad kay Lorens mabilis siyang magalit.Nagbait baitan lang sa tuwing katabi ito.
"Hoy!Butong balat!Ang gatas ko pakibilisan naman!Kainis!"sigaw na naman nito sa sala.Wala dito ngayon si Sir Lorens dahil umalis kanina at mukha pang nagmamadali.
"Butong balat!Ang gatas ko sabi eh!"sigaw na naman nito.Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang katetempla ko lang na gatas sa kanyang baso saka lumabas na.
"Ma'am nandito na 'yung gatas ko."salita ko.Masama niya akong tinitigan at walang pasabing kinuha ang baso sa aking kamay.
"Lutuan mo ako ng pancake.Chololate flavor ang gusto ko kaya bilisan mo diyan!Huwag mo akong tingna na mala bangkay na diyan!"asik niya.Nagbaba taas ang mga mata nito sa akin hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa dalawang paa kong may tali.
"Ano 'yan!Pinapatay mo ba ang sarili mo?!Hindi nakakadaloy ng maayos ang dugo mo kong tinalian mo nang ganyan kahigpit ang mga paa mo!OA!"untag niya.Matamis akong ngumiti.Kahit masakit para sa akin kaya kong baliwalain para lang sa trabaho ko.
"Tsk,pake ko ba sayo.Umalis kana!Bilisan mo hah!"may kalakasan niyang sambit at muling itinuon ang mga mata sa screen ng TV.Nanood pala siya ng Harry Potter.Isa sa mga gusto ko 'yan.Bata palang ako pinanonood ko na 'yan sa YouTube sa cellphone ng pinsan ko pero hindi rin nagtagal dahil umalis sila at lumipat ng tirahan.Hindi ko iyon natapos panoorin."Ano pang tinutunganga diyan!Alis!"pagtataboy na naman nito.Kinuha pa nito ang tinapay sa tabi niya at binato sa akin.
Napalagok akong tumalikod.Paika ika akong bumalik sa kusina at muling naupo sa sahig.Ang sakit talaga ng mga paa ko.Kada gabi nalang sumasakit.Hindi ko maintindihan.Nanghihina rin ang mga buto ko dito.Animo'y may mga ood na unti unting kumakain dito na ganito lamang ang sakit.Mahina akong napadaing.Nanunubig na ang aking mga mata sa sobrang sakit."Butong balat!Ang inutos ko!Bilisan mo diyan!"sigaw na naman sa akin ni Zuzy.Mahirap man para sa akin pinilit kong tumayo.Humawak ang sa gilid ng lamesa at inilalayan ang sariling makatayo.Mabuti nalang naisipan kong lagyan ng tali ang mga paa ko.Kahit papaano nakukuha ko pang tumayo.Pagak akong ngumiti kasunod nang pagtulo nang malamig kong luha.Kailan paba kasi dadating si sir Lorens.Naiinis na ako kay Zuzy.Pag maka asta akala mo siya ang nagpapasahod sa akin na hindi naman.
Pumatak ang alas dos nang gising parin ako.Pagod na ang mga mata ko't katawan pero hindi ako pwedeng matulog nang dahil parin kay Zuzy.Nasa sala parin siya nakaupo habang nanonood parin ng TV.
Samantalang ako nasa gilid nakatayo.Bawal akong maupo sabi niya.Bawal akong tingnan siya ng matagal.Gusto niya utusan lang talaga at ipinagbabawalang makihalubilo sa katulad.
Panay ang hikab ko kasabay nang bawat pag tik ng kamay ng orasan.
Gusto ko na talagang matulog.Nahihilo narin ako.Feeling ko domodoble na ang mga tao sa screen ng TV habang tumatagal na nakatitig ako dito.
Napahugot ako nang hininga at naghintay pa nang ilang minuto hanggang sa bumukas ang pintuan ng condo.Mabilis nalipat ang mga mata ko dito.Nakangiti naring tumayo si Zuzy sa hinigaang sopa para salubungin si Sir Lorens na kakapasok lang sa pintuan.
Pagod na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang mapunta sa akin ang mga mata niya na kaagad din niyang inalis.
Unti unting kumuyom ang mga kamao ko nang mabilis siyang dinambahan ni Zuzy at hinalikan sa mga labi.Ilang minutong nagtagal iyon samantalang ako ni hindi ko man lang nagawang umalis.Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa nang nanunubig ang mga mata.Pati paghinga ko ay animo'y pinagkait na sa akin.
Parang nauupos akong kandila.Gusto ko nalamang mawala na kaagad sa harapan nila at maghanap ng lugar na hindi kuna sila dapat makikita.Muli akong ngumiti nang tumigil na sila sa paghahalikan."Pumasok kana sa kwarto mo Janaia!"matigas na sambit ni Sir.Mahina ako ditong tumango at tumalikod pero bago iyon nahagip pa ng mga mata ko ang muli niyang paghalik kay Zuzy.
Pagak akong natawa sa aking isipan kasunod nang pagtulo muli ng aking mga luha.
BINABASA MO ANG
His unwanted Slave ✓
Romance/Completed/ When he's rich and she's his slave. His unwanted slave who turn to be his muted mate as the time changes. /Started:Nov.20,2022/ /Finished:Nov.28,2022/ The book cover is not mine Crdt's to the rightful owner