Chapter 3

2.1K 51 6
                                    








Pumasok muli ako sa eskwela nang nauna namang umalis si Sir Lorens.Sinabihan pa akong ipagbili muna siya ng medyas at kong hindi ko iyon mabibili kakaltasan daw niya ang sahod ko.
Ito ang unang pagkakataong narinig ko iyon sa mga labi niya.Hindi siya nagbibiro.
At kung may ikakasama pa ang tingin niya sa akin mas lalo na ngayon dahil lang sa naganap kagabi.Ayaw ko naman kasing umamin eh.Tipid akong natawa ng pagak.At least alam niya.At least sinabihan na niya ako kong ano ang gagawin para mawala ang feelings ko sa kanya.
Lumungkot ako bigla.
Biglang nanubig ang aking mga mata sa naisip.Blangko ang mga mata kong nakatitig sa sarili ko sa salamin.Ewan,wala na akong ganang pumasok lalong lalo na't makikita ko naman siya doon.Lalong lalo na yung Zuzy na nagpaiyak sa kanya kagabi.Ang hirap.
Inis kong pinalis ang namuong luha sa gilid ng aking mga mata.Hindi na kailangang magsayang pa ako ng luha sa kanya dahil alam kuna ang isasagot niya.



Umalis ako sa condo niya at tinungo na ang malapit na palengke sa lugar.Hindi naman dito kalayuan ang universiting pinag aaralan namin.Pwede ko lang itong lakarin mamaya pagkatapos kong bumili ng medyas
Tumungo ako sa isang tindahan ng mga sapatos at medyas.
Maingat ang bawat pagkilos ko nang pumasok sa store.Ayaw kong makagawa ng kasalanan dito.

"Miss,ano po 'yung sa iyo?"tanong nang saleslady na sumalubong sa akin.I smiled.

"Medyas po na kulay itim.Yung may nakaimprintang panda sa gilid."kwento ko sa medyas na gusto niyang ipabili sa akin.

"Mayroon kami dito miss."tumingin ito sa paahan ko.
"Sa iyo ba?"mabilis akong napailing.

"Hindi po.Medium size lang po."

"Sige.Ilan ba ang papalitin mo?"tumingin ako sa kamay kong nakakuyom kong saan nasa loob nito ang isang libong binigay niya.

"Lima miss."

"Sige."tumalikod ito sa akin.

Nanatili ako sa gilid ng store habang hinihintay siya.Hindi pa naman ako late.Alas neyebe magsisimula ang pangalawa kong subject ngayong umaga.Ang nauna kasi kanina wala ang guro namin kaya may oras pa akong bumili ng medyas.

"Ito na miss.Three fifty po lahat."mahina akong tumango at ibinigay sa kanya ang pera.
Tinanggap ko ang medyas na dala niya bago niya tinungo ang cashier.
Ang cute pa ng plastic.Kulay itim rin na may nakaimprintang panda sa labas.Ang cute talaga.

"Janaia! You're here!"mabilis akong napakurap ng mga mata nang mapansin ang biglaang pagsulpot ng lalaki sa aking harapan.Nakangiti pa ito dahilan na mawala nang tuluyan ang mga mata niya.

"Tetsuya...?"I mumbled.May bitbit rin itong plastic na katulad ko.Kakaiba nga lang ang kulay dahil pink ito pero panda rin ang naka imprinta sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong niya.Peke akong ngumiti saka sumagot na sana nang muli itong magsalita.

"I see.Bumili karin pala ng medyas."anas niya.

"Ah,hindi sa akin ito.Pinabili lang ito ni Sir Lorens."sambit ko.Napakamot siya sa kanyang batok.

"Ganon ba?"tumango ako.

"Eh,ikaw anong ginagawa mo dito?Bumili ka rin ba ng medyas?"tanong ko.Eh,mukhang medyas naman ang binili niya eh.

"Ah,oo.Nagpapabili ang pinsan kong babae para sa sayaw nila bukas sa elementary."ngumiti ulit siya.Walang emosyong natuon dito ang mga mata ko.Ang gwapo niya at mabait pa.Kahit hindi ko siya masyadong nakakasama nararamdaman ko iyon.
Bakit kaya walang napupunta sa akin na lalaking katulad niya.Ganyan ang gusto kong mga lalaki pero wala eh.Noong junior high ako.Ang crush ko magkasingtulad ng ugali kay Sir Lorens.Akala ko mabait siya.Noong nangligaw kasi ang bait bait niya tapos malalaman ko nalang na pinagpustahan lang pala ako kong mapasagot niya ng isang buwan at dahil si Janaia akong may kabobohan pumayag naman ako.Wala nang karogtong iyon dahil kaagad na akong lumayo nang malaman ko ang lahat nang iyon.Mabigat akong nagpakawala ng hangin.
Siguro maghintay nalang ako.Wala naman sigurong masama kong maghintay ka sa lalaking para talaga sayo.

His unwanted Slave ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon