Nagising ako sa loob ng aking kwarto.Maingat kong iniangat ang mga kamay pero natigil iyon nang makaramdam nang hapdi sa palapulsuhan ko.
Natuon dito ang mga mata ko.May maliit ditong hose na nakakonecta sa isang mukhang lagayan ng tubig sa tabi ng aking kama.
Nagtangka akong bumangon para kumpermahin sana kong para sa ano ito kong ba't nakakonekta ito sa katawan ko nang may narinig akong nagsalita."Huwag ka munang kumilos iha.Hindi ko pa naalis ang aparato sa katawan mo.
Mapait akong nahiga muli."Sino ka?"tanong kuna.Nakasuot nang puting kasuotan.Nakaupo sa isang upuan sa tabi ng aking kama.
"Ako ang Doctor mo."anas niya.Kulot ang buhok nitong pinusod niya sa likod.Morena ang klase ng balat at payat ang pangangatawan.
Tumingin ako sa kisame.Kahit papaano mukhang nawawala narin ang pananakit ng katawan ko maliban sa aking batok.Masakit ito.
"Okay naba ang pakiramdam mo?"tanong nito.Mahina akong tumango.Gusto ko nang bumangon.Baka hindi pa nakakain si Sir Lorens.
Nagtangka akong kunin ang nakatarak sa aking pulso nang may isang kamay ang tumigil sa akin para gawin iyon."Okay mag relax ka muna.Ako na ang kukuha."salita ng Doctor.Ngumiti ito sa akin.
Pinagmasdan ko lamang siya habang unti unting hinuhugot ang karayom mula sa aking balat.May lumabas pa ditong dugo na kaagad niyang tinakpan ng cotton.
Kinuha niya ang nakakabit ditong bag ng tubig at ang lagayan nito.May nakita pa akong mukhang lagayan ng gasul sa tabi ng aking kama na mabilis niyang inilagay sa gilid ng aking kwarto kasama sa ibang gamit.
"Sa ngayon stable na ang tibok ng puso mo.Bumalik na ang sigla ng mukha mo dahil sa gamot na ibinigay ko sa katawan mo."nagseryoso itong tinitigan ako.
"Anong nangyayari sayo dito? Sinasaktan kaba niya?"mabilis na akong napailing.
"Hindi pa nakakabawi ang katawan mo may pasa kana naman.Hindi na ito maganda sa katawan mo.Kong pwede lang lumayo ka muna sa mga bagay bagay na pwedeng makakasama sa katawan mo."hinaplos nito ang aking kamay saka ngumiti.
"Ingatan mo naman ang sarili mo,iha.Noong unang beses kong pumunta dito sa ulo pa ang sugat mo.Pero ngayon batok muna at braso."kinakabahang lumipat ang aking mga mata sa braso kong hinawakan ni Sir Lorens.May benda ito."Alam mo hindi kuna talaga alam ang gagawin kay Lorens..."sumbong niya.Napahugot ito nang hangin saka siya nag ayos ng tayo.
"Alam ko na kahit ayaw mong sabihin sinasaktan ka niya dahil kamukha mo..."she blinked.Seryoso nitong tinitigan ang aking mukha.
"Magpagaling kana.Nasa lamesita muna ang mga gamot na kailangan mong inumin.May papel narin doon na kailangan mong basahin para alam mo kong anong oras ka o kailan ka iinom ng mga gamot mo.Sa ngayon aalis na muna ako.May trabaho pang naghihintay sa akin sa hospital."tumalikod ito mula sa akin at tinungo na ang pintuan nang magsalita ako."Anong araw na?"tanong ko.Hindi ko alam pero feeling ko hindi na ito martes.
"Bernis na ngayon.Tatlong araw kang walang malay."tumingin ito sa wrist watch niya.
"Pero huwag kang mag alala.Alam ng mga guro mo na nagkasakit ka."ngumiti siya.
"Sige na.Aalis na ako."mahina akong napahugot nang hangin habang pinagmasdan siyang umalis.Nanatiling bukas ang aking pintuan.Tatlong araw na akong walang malay.Tatlong araw akong nakahiga lamang sa aking kama at walang ginagawa sa loob ng condo niya.Nagsimula akong kabahan.
Paano kong hindi niya ako bibigyan ng sweldo ko sa susunod pang mga araw?
Napadila ako.
Bumangon ako sa aking kama.Mabuti nalang dahil kahit papaano naibsan na ang sakit sa katawan ko.Hindi na ito kasing sakit noong lunes.Peke akong ngumiti at lumabas na ng kwarto.
Sinulyapan ko ang orasan sa ibabaw ng pintuan ng kusina.Alas singko na ng hapon.Kailangan kunang magluto para sa hapunan namin.Naging tahimik ang pagluluto ko sa kusina at tanging ang mga ginamit ko lamang na kagamitan ang nagbibigay ingay sa loob.Kahit mahina ang pagkilos ko okay na at least tapos na akong makapagluto.
BINABASA MO ANG
His unwanted Slave ✓
Romance/Completed/ When he's rich and she's his slave. His unwanted slave who turn to be his muted mate as the time changes. /Started:Nov.20,2022/ /Finished:Nov.28,2022/ The book cover is not mine Crdt's to the rightful owner