After hearing what she said. My heart hurts that I can't even breath. Parang piling ko pinagkakaitan ako ng hangin sa mga nangyayari.
They may not shows me love but I still love them. All I just want is their attention ang sakit isipin na pinaglaban ako ng sariling ama sa aking ina.
At sa kasamaang palad may nasabi akong di maganda sa aking ina kani kanina lang. I need to calm my self. I have a child
"Kami na ang mag aasikaso sa katawan ng parents mo." Prisinta ni Alleya tumango ako "Sumunod nalang kayo sa maynila."
Hiniga ako ng mommy ni Raymond sa kama at naramdaman kong tumabi naman si Raymond sa akin
"Are you okay?" I asked
"Hmm. How about you?" Pabalik na tanong nya
Napalunok ako at tumulo ang luha. There's no need to lie because it's so obvious naman na nasasaktan ako sa nangyayari kaya hinarap ko ito
"Hindi" sabi ko at himayaan ang sariling maiyak "Kahit na hindi nila ako mahal Raymond pero mahal ko sila kaya ansakit"
Niyakap nya ako para patahanin kaso ang puso ko kumikirot. Gustong gusto ko ilabas ang sakit na nararamdaman ko
"Naiintindihan kita. Andito lang ako" sabi nya at hinalikan ako sa nuo
Ano nalang kaya ang gagawin ko? Kung sakaling naka coma si Raymond ngayon. Ang bait ng panginoon kasi hinayaan nyang makasama ko si Raymond in my Hardest time
"Alam mo bata palang ako hindi na nila ako minahal" iyak ko "They never go in my graduation and there's a time they forget my birthday but because of my grandparents we always celebrate it."
Naiiyak pa ako. Sa birthday ko lang ata kami isang pamilya dahil sa mga lolo ko. Nasa akin ang atensyon ng lahat
"Alam kong mahal ka ng parents mo at ramdam ko yun" sabi ni Raymond sa gitna ng pag e-emote ko "Nung wala ka dito ramdam ko ang lungkot nila. Kasi kahit na hindi natuloy ang engagement pumupunta parin yung mommy at daddy mo sa bahay."
Talaga? Di ko alam na pumupunta sila mommy dito.
"Doon ko rin nalaman na pareho pala kayo" sabi nito "attention seeker" dagdag nya at tumawa "Biro lang pareho kayong mahilig mag bake"
Mahilig si mom mag bake? Kailan pa? Di nga yun pumupunta sa kusina noong bata pa ako. Binibiro lang ata ako ni Raymond
Dahil sa mukhang pinakita ko ay tumawa ito see! Nagbibiro lang talaga sya. Mom would rather work than to bake.
"She really did bake." Pangungumbinsi nya "I'll give you something pagnakauwi na tayo"
Hmm. Nakalimutan ko rin ang sakit dahil sa usapan namin ni Raymond. Nahpahinga kami at nagising na umaga na at may pagkain na sa room
Dahil di ako nakakain kahapon naubos ko ang pagkain sa lamesa sa pag aakalang para sa akin ang lahat ng iyon
"Saan na ang food?" Tanong ni Raymond na kakalabas lang sa bathroom
Tinuro ko ang tiyan ko dahilan para matawa sya pero ng ituro ko ang pinagkainan ay natigilan ito
"Inubos mo? Gutom na ako eh di pa ako nakakakain" malungkot na sabi nya
Ops! Sorry akala ko talaga para sa amin lang yan. Binigyan ko ito ng apologetic look
"Sorry akala ko akin lang yun." Sabi ko
"Nakalimutan ko buntis ka pala at kailangan triple ang kainin mo" sabi nya pa "tinreple ko na nga kasi sabi ko baka gutom ka kaso sobrang gutom ka pala."
Tumawa sya dahilan para mapanguso ako. Inaamin ko marami nga syang inorder kaso sa gutom ko naaubos ko lahat iyo nakakahiya naman
"Samahan kita bumili. Tara" yaya ko
"Ano pa nga ba! Edi tara na"
Umalis kami sa room para bumili ng makakakain. Nakaholding hands kami habang naglakakad.