Kabanata 8

2 0 0
                                    

Sinabi nyang hindi din tumatanggap ng bisita sina tita kaya hindi na sya nag abala after that call I call tita but she didnt answer it. Kaya umakyat nalang ako sa kwarto.

Nang makarating sa kwarto dali dali kong kinuha ang laptop ko pati ang Flash drive na binigay ni Kevin bago siya pumunta sa states. Sabi nya palagi ko daw dalhin ito at buksan ko pag-namatay na daw sya.

Lumabas ang maraming files. May file name na Vanessa kaya binuksan ko iyon may nakita akong 10 video binuksan ko yung pinakauna.

"Hi Van! Have a wonderful day today. You deserve it! Thank you for your friendship - without it, I'd be a lot less happy. Happy birthday!" sabi nya at ngumiti "I will support you in your decision. take care always!"

After that kumuha siya ng cake at may candle iyon tapos kumanta pa ito ng Happy birthday. Tumulo ang luha ko binuksan ang pangalawang Video pareha nung nauna ay mga Video greeting iyon.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Tey sinagot nya naman agad ito.

"Tey naalala mo ba nung binigyan ako ni Kevin ng Flash drive?" tanong ko

"Oo. sabi nya buksan mo pag patay na sya!" sagot niya

"I opened it. Mayroong files doon na Vanessa ang name kaya binuksan ko tapos mga video greeting yung nandoon binabati nya ako hanggang 30th birthday ko" kwento ko "Masigla pa sya sa video."

"then?"

"May nakita akong files na may name na Kevin's files. Gusto kong buksan pero natatakot ako." sabi ko

"Open it." utos nya

Binuksan ko ang files na iyon nakita ko ang stolen pic ko. What the Fuck? 1000 pic? At lahat yun ay mukha ko stolen pa.

"Its my picture Tey. Mga stolen pic ko." sabi ko

"Hm. tama nga ako sya yung nakikita kong kumukuha ng pic sayo noon." natatawa nyang sabi

"You know?" I asked

"Im not sure that time but now Im very sure." sabi nya "Nakasuot ka ng pink off shoulder dress nun. Nasa park tayo that time nakita ko siya kumukuha ng pic sayo pero nung tanggalin nya ang camera sa mukha nya doon ko narealize na hindi sya yun kasi iba manamit pati ang hair style" kwento nya "Pero ngayon napatunayan kong tama ako."

"Pero wala akong nakitang naka-dress ako sa mga stolen pic dito. Puro naka Jeans kung hindi ay naka-uniform." sabi ko

"What? Malay mo na delete nya." pagdedepensa nya

"theres a note sa pinaka last na nagsasabing yan daw lahat ang mga stolen pic na nakuha niya." sabi ko

Natahimik sya pinatay ko na ang tawag at tinanggal ang flash drive sa laptop lumabas ako at pupunta sana ako sa baba ng may narinig akong nabasag sa isang room agad akong lumapit doon at dahan dahan ko iyong binuksan.

Nakita akong frame na nabasag pinulot ko iyon at nakita ko ang picture na tinutukoy ni Alteya nasa park kami noon pareho kaming magkaharap nakatingin si Alteya sa camera nakangisi ako nakangiti ring nakatingin kay Alteya.

"Sya yung kumuha nun!" deklara ko

"What are you doing here?" tanong nya

"You knew me before?" tanong ko

"Hindi pero nakita na kita." sagot nya

Naglakad sya kinuha nya ang frame na nakalagay sa kabinet. Yung kasal na inimbitahan ako ni tita Jo.

"Mama said ipapakilala nya ako sa fiance ko that time papunta ako sa church nasa labas ka nun." kwento nya "Ayaw ko nang makilala ang fiance ko dahil nagkagusto ako sa babaeng nasa labas ng church kaya imbes na magpakita umalis na ako doon." sabi nya "Ginawa ko lahat para makilala ka pero wala akong alam until nung nasa park ako Im taking a picture nakita kita so I took a picture of you nakita ni mommy sabi nya kilala ko na ba daw ang fiance ko sabi ko hindi pa kaya nagtanong sya kung bakit may picture kita sinagot ko sya na you are attractive. Doon muli nabuhay ang fiance ko nagalit ako at syempre na shock ako na ikaw pala yun."

"Saan mo ako nakilala?" tanong ko

"Sa airport." sagot niya "Ayaw kong mag hire ng investigator"

"So kilala mo ako sa mukha pero hindi sa pangalan?" patanong na sabi ko

"Yeah." sagot nya "Nakita ako nung kasama mo mabuti nalang at medyo malayo ako sa inyo."

"Kaya inakala nyang ikaw si Kevin." sabi ko "Pero bakit malapit ako dito?" tanong ko

"Naka-zoom kasi yan." sagot nya "This picture is nung napakalapit ko sa inyo hindi pa ako nakita ng friend mo kasi busy sya sa pagkwe-kwento at nakangiti ka nun kaya ayan ang kuha." sabi nya at binigay sa akin ang frame

"Bakit mag isa ako dito?" tanong ko

"Ayaw ko kasing makasama mo sa pic na yan yung kaibigan mo lalo na't nasa office ko yan palagi." sabi pa nya

"So you like me huh?" nanunuksong sabi ko

Napanguso sya at tumalikod sa akin naglakad ito papunta sa bintana. Nakita kong may pinunasan sya sa mukha niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya nakita kong napatingin sya sa kamay namin at tumingin sa akin may namumuong luha sa mga mata nito.

"Anyare bat parang naiiyak ka?" panunukso ko

"Wala napuwing kasi ako kanina eh." sabi nya

"Ahh!" sabi ko

Humarap ako sa kanya at ngumiti. Binitawan ko ang kamay nya at kinuha ang phone nya na nasa table at nag selfie doon.

"Ayan para hindi mo na kailangan mang stalk." sabi ko at ngumisi "Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya "Ayan meron na din tayong pic together."

"Pwedeng isa pa?" tanong nya

"Sure para sa gwapo kong fan." sabi ko at ngumiti sa cam nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi kaya na click ko iyon "Ninakawan mo ako ng halik." sabi ko

"Sige ibabalik ko sayo." sabi nya at hinalikan ulit ako

Napairap ako at pumunta sa mesa nya kung saan nakalagay ang picture frame na basag na. Napatingin ako sa kanya na nakatingin rin sa akin.

"Bat mo to tinapon?" tanong ko

Nag iwas sya ng tingin at naglakad palapit sa kabinet kung saan may mga folder. "Because Im jealous." sagot nya

I Choose youWhere stories live. Discover now