Nagkaroon ng pool party si Raymond we eat lunch late actually kasi naman panay kwentuhan nila kanina kaya medyo. At sinabi din nila na busog daw sila.
"Girl lagot ka." si Alleya
"Why?" tanong ni Alteya at ngumisi
"Nalaman ng boyfriend mo about sa hinalikan mo sa bar last last night." sabi ni Alleya
"You know what alam kong maganda ako at party girl ako pero di ako basta basta makikipag sex sa kanya no." sabi niya
"What happened?" tanong ni Alleya
"Bakit mo tinitiis yang boyfriend mo?" tanong ko
"He knows. Alam nya kung sino at saan natin makikita si bunso." sabi ni Alteya
"Shit! As in si Sheyla Fuentes" sabi ko
"Tama ang narinig ko diba? May nawawala kang kapatid?"
Nabigla ako sa pagsingit ni Asher pero tumango si Alteya ang sinunod nyang tinanong ay kung sino ang boyfriend ni Alteya.
"Clarence Lopez" sagot ni Alteya
"I know him! Hes my cousin" sabi nya "At si tita Jen ay may inampong anak. Parang pinaghalong mukha nyo ang Itsura nya."
"Kamukha ko si mama sya naman si papa pero magkaparehas kami ng buhok at shape ng mukha." sabi ni Alleya
"Anong pangalan ng tinutukoy mong babae Asher?" tanong ko
"Rhianna Sheyla Zuales" sagot nya
Sya yung babaeng nakita kong kasama palagi Gavein pinaghalong Alleya at Alteya nga ang kinalabasan kay Rhianna.
"I know her. Nakita ko na sya kasama ni Gavein. Matalino sya and a scholar." sabi ko
Ang nakakapagtaka bakit mahirap sila kung mayayaman ang mga pinsan nila.
"Nilayo ni Tita si Rhianna sa amin dahil baka sabihin namin kay Rhianna. Hinahanap ni Tita ang family ni Rhian kaso wala eh." sabi ni Asher
"Ang liit talaga ng mundo. Si Asher gusto si Alteya na girlfriend naman ng pinsan nyang si Clarence tapos ang kapatid nyang nawawala ay nasa tita lang pala nila." wala sa sariling sabi ko
Pinanlakihan ako ng mata ni Asher si Raymond na kakarating ay tumawa ito. Napatingin naman ako kay Alteya gulat na gulat sa pinagsasabi ko. Peke akong ngumiti at agad na lumapit kay Raymond tapos nag peace sign.
"Anong sinasabi mong gusto ako ni Asher?" tanong ni Alteya
"Tey tandaan mo ang usapan natin pag nagseryoso kana ikaw na ang humawak ng company!" sabi ni Alleya
"What? I want to build my own business Ley!" reklamo naman ni Alteya
"Ano bang gusto mong business?"
"A hotel or resort." Sabi nya
"Sakto may hotel tong si Asher." singit ni Raymond
"Bro?" tawag ni Asher kay Ray
Tumawa lang si Raymond at hinila ako paalis sa pool kinuha nya agad ang bath robe at sinuot sa akin.
"Go and change. Wag ka ng mag stay sa pool ng matagal." sabi nya
"Okay. Ikaw muna bahala kina Alleya." sabi ko at tumango ito
Pagpasok ko sa kwarto nagulat ako ng nakita ko si Arya doon. Nakaupo sa kama pinagtaasan nya ako ng kilay ng natigil ako sa pinto.
"So ano tatayo ka lang jan?" tanong nya
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Wala. Alis na ako." paalam niya at binangga pa ako
Naghanap ako ng damit sa maleta para secured mamaya may nilagay pa sya jan sa mga damit na nakalagay sa kabinet.
Kinuha ko ang Palda short at crop top. Bumaba ako ng nakaganon nagtaka ako wala si Raymond sa pool tinanong ko sila ang sabi nila magpapahinga daw muna ito. Kaya imbes na akyatin ito ay nagluto nalang ito ng meryenda para sa bisita.
"Guys meryenda." sabi ko at nilagay sa mesa ang nilutong Empanada at may juice din.
"Ano yan?" tanong nila
"Empanada" sagot ko "Yan yung tinuro sa akin nung maid namin eh tapos sabi nya Empanada daw ang tawag jan!"
"Nagluto ka?" gulat na tanong ni Alleya
Binatukan ni Tey si Leya at inirapan naman ni Leya si Tey. Naglakad papunta dito si Leya iniwan nya si Tey
"Ayaw kong magkaroon ng serious relationship." sabi ni Tey
"Why?" tanong ko
"Para maghirap si Alleya na bwibwisit ako tuwing nakikita ko sya." sabi ni Tey natawa naman ako
"Alteya."seryosong tawag ni Alleya sa kapatid "Ate mo pa rin ako kaya respetuhin mo ako."
"Ayan Teya lagot ka sa daddy nyo." tawa ko at pumasok sa luob para kunin yung ibang empanada
Nakangiti akong pumasok sa kusina at kinuha yung mga baso ng maalala kong wala palang baso doon. Maglalakad na sana ako ng nakita ko si Raymond kahalikan nya si Arya nalaglag ko ang mga baso.
Agad kong pinulot ang mga basag na baso. Nakita kong dumudugo na ang kamay ko lumapit sa akin si Raymond at pinipilit akong tumayo pero nagpumilit ako. Nagulat ako ng bigla syang sumigaw.
"Tama na yan. Tingnan mo ang kamay mo!" sigaw nya
"Kaya ko kaya tabi!"sabi ko at dinala ang tray na may basag na baso sa kusina
Bwisit! Dapat di ako magpadala kaya ko to. Nakita ko si Alleya at Alteya natatakot siguro sila.
"Wag kang papadala Van. Hayaan mo na sila!" si Alleya
"Puta Ley! kung kailan pa ako nahulog doon pa ako masasaktan! I dont deserve this." inis na sabi ko "If this is my Karma for making some boys cry by telling the truth!" sabi ko "Im going home"
"Van you're not going home. Let them ipakita mo sa kanya na balewala sya." sabi ni Alteya "We are gonna go to bar mamaya with Raymonds friend! Pupunta tayo."
Hindi kami nagpansinan ni Raymond ng gumabi ay nagbihis ako ng black dress at stellitos. my pouch ako na dala ng lumabas ako sa kwarto. naka red si Alteya at naka white naman si Alleya.
"Oh Raymond Are you gonna come with us?" tanong ni Alteya
Alam kong may plina-plano tung magkapatid nato. Tumango ito at kinuha ang susi sumakay ako sa harapan katabi ko si Raymond ang dalawa ay nasa likod.
Ng pumasok kami sa bar parang gusto kong uminom hanggang sa malasing ako. Kaso hindi pwede malandi ako tuwing nalalasing.
Umupo kami nakita ko si Arya na nakangisi habang nakatingin sa kamay kong may bandage dahil don napainom ako ng dalawang baso.
"Tikman mo to Van masarap." si Alleya kaya kinuha ko yung shot
Shit. Tequila nilalasing talaga ako ng mga to. May binigay si Alteya Juice daw para hindi ako mahilo walang tingin tingin ininom ko iyon.