'You are so beautiful'
Alam ko namang maganda ako duh! Palagi kaya akong sinasabihan na ganyan pero bakit nung sya ang nagsabi bumibilis ang tibok ng puso ko.
Am I falling to him?
Is he willing to catch me if I fall?
Now there are so many question that I want to be answered sana saluin nya ako! Sana! Hindi pa ito ang oras para sumugal kasi kahit na tumitibok ang puso ko alam ko may parte sa tibok na yun ang kinakabahan sa maaring manyari.
Maaring saktan nya ako!
Maaring sumaya ako!
Pero wala pang kasiguraduhan jan! Ayaw ko natatakot akong masaktan kaya nga hindi ko makuhang magloko dahil baka ibalik sa akin ang mga ginagawa ko. I hurt boys feeling by telling them the truth para kung sakaling mainlove ako ganon din gawin nang lalaking gusto ko.
"Thanks." sabi ko
"Nandito na tayo." sabi nya
Ginala ko ang paningin ko at tiningnan sya wala akong makitang falls. What the fuck?
"Theres no falls here!"
"Kasi nandito sya." Bumaba ito sa kabayo at dahil gusto kong makita muntik na akong mahulog napasigaw ako mabuti nalang nasalo nya ako.
Nagkatinginan kami nanatili kaming ganon biglang may tumikim kaya agad akong nag iwas ng tingin. What the hell?
"Anyare?" tanong ni Cristine
"Muntik na akong mahulog mabuti nasalo ako ni Raymond." sabi ko at bumaba sa kabayo
"Muntik? pero nasalo ka? Ganon ba kabilis gumalaw si Kuya kaya pati Muntik nagawa ka nyang saluin" si Cris
Pumikit ako mali nga ang sinabi ko lilinawin ko na sana tinalikuran na nila kami at naglakad papunta sa falls. Tahimik akong sumunod sa kanila.
"Oh Raymond Sino to? Bagong mukha?" sabi nung isang lalaki Yes. Gwapo sya mukha ring playboy.
"Guys. this is my Fiance Vanessa Slyvette Perez." sabi nya "This is my Cousin Zach and Kevin and this is our friend"
Tumango ako. Pero di sila pinansin naglakad ako papunta sa falls at nagsimula ng kumuha ng picture. Nakita kong naka 2piece na si Cristine nasa gitna sila agaw pansin din ang malaking Letrang B. Nang niyakap na ni Chandler si Cristine doon ko napagpasyahang kuhanan sila ng picture. Nakatalikod si Cris kay Chan at nakayakap naman si Chan mula sa likod.
How sweet! Ilang minuto pa ako nagpagala-gala nang niyaya na naman nila ako sa pangalawang falls.
The second falls has so many Flowers kung kanina ang B ay napapalibutan ng mga dahon ngayon naman ay A na napapalibutan ng mga bulaklak. Nice!Hindi kami nagtagal sa iba pang falls kasi mas gusto nila sa panghuli.
Sa panghuling falls ay may nakalagay na Seventh fall in Batino. Napatingin ako sa mga tao hindi sila naliligo dahil panay kuha nila ng litrato may golden bridge pumunta ako doon may nakita akong lalaki kumukuha ng litrato.
Tumigil ito at lumapit sa akin nag usap kami tungkol sa photography. Hinawakan nya ang kamay ko at humarap sya sa akin humarap din ako sa kanya.
"You are so beautiful. I like you!" sabi nya
"Uhm-" sasagot na sana ako ng dumating si Raymond
"I like you mo mukha mo!" sigaw ni Raymond at sinapak yung lalaki
"Sino ka ba?" tanong niya
"Ako lang naman ang fiance ng babaeng sinabihan mo ng I like you gusto mo pa dagdagan ang sugat mo?" sarkastikong tanong nya "Kung hindi layo layo ng konti."
Napatingin ako sa lalaking nakahiga dahil sa suntok ni Raymond sa mukha nito namamaga ang kilid ng mata nya. Tinulungan ko syang tumayo at hindi makapaniwala si Raymond sa ginawa ko.
"Ano ba? Tumigil ka nga?" inis na sabi ko
"Wala akong sugat. Namamaga lang ang kilid ng mata ko!" sabi pa ng lalaki kay Raymond
"Ahh so Gusto mo masugatan pa!" sabi ni Raymond
Sumubok ulit ng suntok si Raymond pero pumagitna na ako. Lumapit na rin si Cris at isa pang babae.
"Hep! Hep!" pigil ko ng nagpumilit ulit si Raymond na sumuntok
"Hooray!" sabi ni Chan
Inis ko syang tiningnan kaya umakto itong nagzi-zipper ng bibig galit si Raymond galit din ang lalaki.
"Hay tumigil nga kayong dalawa!" sigaw ko
"Adam tama na!" sabi nung babaeng di ko kilala
"Dont you fucking call me Adam we are not close!" sabi ni Raymond
"Faye umalis kana!" sabi nung lalaki
"Pero Adam magagalit si Mom!" sabi nya
Adam ang pangalan niya? What the fuck pati pangalan magkapareha sila. Napatingin ako kay Raymond na galit pa rin.
"Pati pala sa pangalan may kaagaw ako! Now I hate my name!" sabi nya at umalis
"Sundan ko lang siya ate sumunod kana para maka-uwi na tayo. Lets go Chan!" sabi ni Cris
Humingi ako ng pasensya sa inasal ni Raymond at sumunod na ako sa kanila. Papunta ako sa kanila nakita kong umalis na sina Chan at Cris at ang iba pa naming kasama kami nalang ang natitira ni Raymond lumapit ako sa kanya.
"Raymond Ano ba pumasok jan sa kukote mo at pumatol ka pa doon!" sabay turo ko kung saan sila nagsuntukan
"Van you think I will just watch you habang may umaamin sa harap mo. Im not stupid!" sabi nya "Syempre susugod ako dahil kung hindi baka nagpalitan na kayo ng labi ng lalaking iyon!"
"Hindi ako ganyang babae!" sigaw ko "At isa pa Bakit ka galit? Pinilit lang naman tayo sa kasal na ito diba?"
"Yeah." sabi nya
"Umuwi kana Maglalakad ako!" sabi ko at nagsimula ng maglakad
"Okay. Madali naman akong kausap!" sumakay sya at pinatakbo na ang kabayo
What the fuck? Hindi man lang ako sinuyo. Wait? Sinuyo? Really Van? magpapasuyo ka mahiya ka naman nagsimula na akong maglakad at mi-minsan tumatakbo mabuti nalang at natatandaan ko pa ang daanan.
Minsan natitigil ako dahil may nakitang magandang kuhanan tapos magpaptuloy naabutan ako ng sunset sa burol malapit sa mansion nila Raymond umupo ako doon sa puno. Kitang kita ko dito ang kabahayan sa ibaba. Nagpicture ako ng nagpicture nanatili ako doon napagpasyahan kong umuwi ng gumabi na. Tumakbo ako sa mansion at pumunta doon pagpasok ko humahagulgol na si tita Jo tina-tahan siya ni Cris.