Luna PoV
Nagtataka ako dun sa sinabi ni Van bakit nya sinabi yun sa harap ng mga taong ito. Inikot ko ang mata ko nakita ko si Raymond dito kanina kung mahal nya si Van paniguradong masasaktan yun.
Nagpaalam ako sandali. Hinanap ko sya at nakita ko sya nasa isang sulok umiinom ng alak. Hmm apektado amp! May pag asa pa. Kung si Van ginawa ang lahat para sa amin kailangan ko rin syang pasayahin alam kong si Raymond lang ang makakapagbigay nun sa kanya.
Nagulat ako ng hinila ako ni Anica yung kapatid ni Ryan na ngayon ay kumakampi na sa amin. Wala na naman kaming problema sa pamilya nila kaya okay na rin ako doon.
"Tumigil ka." sabi ni Anica "Sumama ka sa akin! Alam kong makakatulong sayo tung mga ipapakita ko." sabi ni Anica
"Nica ano ba? Kailangan ko syang makausap." sabi ko
"Ipagpaliban mo na muna ang pakikipagusap sa kanya. Halika at sumama ka sa akin." sabi nya
Napatingin ako kay Raymond at tumingin sin kay Anica. Sumama ako kay Anica dinala nya ako sa isang malaking mansion hindi ko alam kung kaninong mansion at saan ito. Pero ang alam ko ay napakaganda nitong tingnan
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kayong dalawa lang ni Claudine ang nawala?" tanong ni Anica
"Muntik na ring mawala si Vanessa kaso napigilan lang." sabi ko
"Oo tama ka muntik na syang mawala. Alam mo bang ikaw si Vanessa?" tanong nya
"Wth? Ano ang pinagsasabi mo?" tanong ko
"Nagkamali sila ng inakala ang nakuha ni daddy ay ikaw at hindi ang tunay na Luna." sabi nya "Una kang nawala diba? Inisip ni daddy na hindi ikaw si Luna at totoo nga iyon. Kaya kinuha nya si Claudine sa pag-aakalang yun si Luna kaso nagkamali na naman sya kaya kinuha naman nila si Vanessa kaso naharangan. Iniba nila ang pangalan ni Luna sa Vanessa kaya ayun tumigil na sila daddy." sabi nya
Napatingin ako sa damit na binigay ni Anica Vanessa Perez. Napanganga ako at agad na tumingin kay Anica.
"Ang totoong pangalan ni Vanessa ay Luna Slyvette Perez." sabi nya "Mahal nila si Luna dahil sya ang moon ng mga ito kung siya ang moon kayo ang star ni Claudine hindi nya man kayo pinangalan sa star pero star ang turing sainyo ng pamilya nyo." sabi ni Anica "My mother wants to stop my father from doing it. Kaya nagpagawa sya ng damit na parehas nyan at pinalagay siya doong Luna Perez."
"Paano naman pinalitan ng pamilya ko ang pangalan ni Van kung ganon?" tanong ko
"Pumunta sya sa lolo mo at sinabi nyang palitan ang pangalan mo para tumigil si Daddy na sinunod naman nila. Hindi ko alam kung bakit hindi alam ng tatay nyo na si Van at Luna ay iisa?" sabi nya "By the way dinala kita hindi para jan kundi para dito."
Kinuha ko ang papel na iyon at binasa nalaglag ang papel ng makita ko ang pangalan ng pamilyang umampon sa akin.
"Cresha is my cousin anak sya ng taong umampon sayo. Walang sakit si Cresha before I go I will give this to you this will help you gusto mong magkabalikan sila diba?" sabi nya "Sana wag magbago ang isip mo. Luna isipin mo ang sakripisyo ni Vanessa ang lahat ng ginawa nya para maging masaya ka lang."
"Hindi naman nagbabago ang isip ko hindi lang ako makapaniwala na malapit pala si Cresha sa akin. I mean nakilala ko na sya dati." sabi ko
"No hindi mo pa sya nakikilala dahil dito sa manila tumira si Cresha at never syang umuwi sa Batino." sabi niya
"Check this later kailangan ko ng umalis. And by the way this house is my house from your grandfather" sabi nya at umalis "Maraming nakatago ditong papeles kaso wala na akong time para mangalap pa ng balita tungkol sainyo."
Iniwan nya ako sa loob ng bahay. Binuksan ko yung iniwan nya sa akin medical certificate. This is a big help to me kaso totoo kayang buntis din si Vanessa?
SHIT! Kailangan ko nang bumalik paniguradong hinahanap na ako ng lahat. Pagkabalik ko doon wala ng mga tao wala na rin si Raymond si Vanessa nakaupo sa sulok halatang umiyak ganon din si Claudine
"Saan ka galing?" tanong ni Claudine
"Bat ka umiiyak?" tanong ko sa kanya dahil tumulo ang luha nito
"Luna is Van-" pinutol ko ang sasabihin nya
"Vanessa reals name is Luna Slyvette Perez." putol ko sa sinabi niya "I know." binigay ko sa kanya yung damit na may Vanessa "Luna is our moon and we are the star." sabi ko
"She knows everything." sabi ni Van or should I call Luna the real one
"Luna." tawag ko sa kanya
"Dont call me that because that name is not mine anymore." sabi niya "Vanessa ang ginamit kong pangalan kaya hanggang mamatay ako yun ang gagamitin ko."
"Bakit nga ba mahal na mahal nyo siya?" tanong ko
"Kasi huli syang lumabas" sabi ni mom "Ikaw yung nauna. Ikaw yung first born sa pamilya."
"Then bakit mas mahal nyo si Van kesa sa akin?" tanong ko
"Yung mga lolo mo naniniwalang siya ang panganay kahit na sya ang huling lumabas." sabi ni dad
"Hindi naniniwala si mom at dad sa ganon kaya nung wala kayo parang wala rin sila sa mundo." sabi ni Van "Sila lolo lang ang nandito para sa akin."
Tumango ako at ngumiti nilapitan ko si Claudine at hinila sa malayo its time to make Vanessa suffer. Syempre joke lang bwahahah its time to make Vanessa happy.
"What? Dont tell me nagseselos ka kay Vanessa?" tanong ni Claudine
"Duh? Magkakaanak na ako Clau im not immature. Nandito ako para ipakita sayo to." sabi ko
Kinuha ni Claudine ang binigay ko sa kanya at tiningnan iyon. Ng mabasa nya na ay tumingin ito sa akin at binigyan ako ng ngiti. Yung ngiti na may pinaplanong masama.
"Saan mo naman nakuha to?" tanong nya
"Anica give that to me I dont know why. She also tell me about Vanessa." sabi ko "She wants to help me at alam mo bang ang pamilya ni Cresha ay ang pamilyang kumupkop sa akin na pinsan naman ni Anica."
"So gaganapin ang kasal next week bet ko yung habang nagdradrama sila sisigaw tayo na 'Itigil ang kasal' maghanap pa tayo ng mga makakatulong sa atin para mapatigil talaga ang kasal."
"Mas maganda pagkatapos natin sumigaw ng itigil ang kasal mag drama tayo. Katulad nito" sabi ko "Itigil ang kasal. Raymond ako yung dapat pakasalan mo hindi yang babaeng malandi na yan."
"Tapos sasabihin ko" sabi nya "Hindi kayo karapat dapat maging asawa ni Raymond ako ako yung karapat dapat."
Pagkatapos nyang sabihin yun tumingin sya sa akin at sabay kaming tumawa.