Kabanata 30

10 0 0
                                    

'Luna PoV'

Natulog na kami at hindi na kami doon natulog sa mansion ni Van kasi pinahatid nya kami sa driver. Nagising ako tulog pa rin si Austine kaya bumaba na ako para maipagluto sya ng pagkain.

A/N: She's back! Hanggang doon nalang ang PoV ni Luna at Claudine. Story ni Vanessa to diba.

VANESSA POV

Ilang weeks nang natapos ang kasal nila Luna at Claudine nasa kompanya na ako ngayon dahil matagal tagal na rin akong hindi nakapasok dito. Nagulat ako ng makita ko ang fiance ni Raymond nasa labas ng office ko at naghihintay

"At talagang bumalik ka pa?" Malditang tanong nya "Well Raymond doesn't love you anymore." sabi nya at inirapan ako

"Oh ano ngayon?" tanong ko "Bakit ka nandito?"

"To remind you na akin siya. Akin si Raymond." sabi nya

"Sayo na nga mismo nanggaling na hindi na ako mahal ni Raymond kaya-" pinutol nya ang sasabihin ko

"Talo ang magaganda sa malalanding katulad mo." Sigaw nito dahilan para tumingin ang mga empleyado sa amin

"Ang taong mahal ka hinding hindi magpapalandi sa iba dahil kahit sino pang mas maganda ang nandyan kung ang puso nya ay ikaw ang hanap hindi tatalab ang kahit anong kalandian." sigaw ko naman "If I were you I will leave before i punch your freaking face"

"Vanessa ito tatandaan mo at itatak mo sa utak mo never mapapasayo si Raymond." sabi nya

"Hinahamon mo ako?" tanong ko nakataas ang kilay "Well lets see" sabi ko

Lumapit sya at sinampal ako ng dalawang beses gaganti sana ako kaso nakita ko si Raymond. Well hinamon nya ako challenge accepted hahaha

"Chesca Why you slapped her?" tanong ni Raymond

Nalaglag naman ang panga nya at pumikit then nagulat nalang ako natumba na sya. What the heck? Di ko pa nga nasampal Nahimatay na

"Chesca? Hey wake up." panggigising niya

"You better bring her to hospital" sabi ko at tinalikuran sila para pumasok sa loob ng opisina

Nagbasa basa ako ng mga latest project ng kompanya. Nagulat ako ng pumasok yung secretary ko at sinabi nitong may emergency daw kaya tumayo ako at pumunta sa conference room

"Miss Perez you should do something about this." sabi ng isang Agent na board member sa kompanya na to

Ganito kasi yun si Alteya ang naka assign na magbantay sa sikat at mayaman na lalaking to. Ngayon nawawala si Alteya pati narin tung lalaking to

"I cant believe this. Alis!" inis na sabi ko at kinuha ang laptop para i trace yung kinaroroonan ni Alteya hindi ko pa ma track "Saan huling nakita si Alteya?" tanong ko at galit na sinira yung laptop

"We dont know." sagot nila

"Alam nyo bang mahirap maghanap sa taong hindi ko alam kung nasaan?" pagalit na sabi ko at iniwan ang conference room

Punyeta! Wala akong pake-alam sa pera na ibabayad nung negosyanteng yun. Pag may nangyari lang talaga kay Alteya. Natatakot din ako kasi hindi ko alam ang sasabihin sa parents ni Alteya.

Tumakbo ako sa sasakyan at pinaharurot iyon. Tinawagan ko si Gray pero di ko sya ma-contact. Tinawagan ko naman si Leanna at tinanong kung nasabi ba ni Alteya kung saan sila pupunta agad akong nanlumo sa sagot nitong hindi nasabi ni Teya.

"Leya did your sister tell you where-?" pinutol nya ang sinabi ko

"Sabi nya papunta sila sa mansion ng client." sabi nito

Agad naman akong nagpasalamat at pinatay ang tawag agad kong ti next ang secretary ko at hiningi ang address ng client. Shit! May mali sa address na binigay nung secretary ko.

Tinigil ko ang sasakyan sa isang mansion. Agad naman akong kumuha ng gamit ko at sumugod na sa mansion.

"Papunta na ako dyan." sabi nung lalaking negosyante

Shit! Bakit sya nandito habang si Alteya ay nawawala? Bumalik ito sa loob siguro may naiwan dali dali naman akong pumunta sa sasakyan at nilagyan iyon ng tracking. Nang makita ko syang palabas ay dalidali na akong nagtago. Malayo na yung kotse kaya pinasok ko na yung bahay.

Binuksan ko ang lahat ng kwarto. May sanggol sa kama hindi ko alam kung anak nya ba yun pero nagulat ako ng makita ko ang isang babaeng nakatali.

"Who are you?" tanong ko

"Cherry San Jose" nanghihinang sabi nya

"Is this your child?" tanong ko

Tumango ito at may tinuro kaya agad akong napatingin doon. Kinuha ko ang letter.

"Hinahanap mo yung magandang Agent diba?" hinang hinang tanong nya

"Oo she is my Agent and also my friend." sabi ko

"Sa-ve my da-ugth-er." putol putol na sabi nito

"Huh?" Napatingin ako sa bata at sa note

Charice San Jose
4months old
Buyer:Mr. and Mrs. Fuentabela.

What the heck? Nagbebenta ng baby yung negosyanteng yun? Napatingin ako sa babae na parang mamamatay na.

"Yu-yung A-agent ay ibebenta nya sa mga mayayamang lalaki. Ma-gagaya sya Ahh" inda niya at hinawakan ang dibdib nya "Go f-find her" sabi nya

Kinuha ko ang bata at iniwan yung babae natigil ako ng may nakita akong isang kwarto na hindi ko pa nabubuksan. Agad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang mukha ng magagandang babae. Napatingin ako sa bukas na laptop! Fuck si Aleya ay binenta sa isang lakaki 20 million dollars. Lumabas ako sa kwarto at tumakbo papunta sa kotse.

Tiningnan ko ang cellphone ko na naka connect doon sa tracking na nilagay ko sa kotse. Agad akong nag drive hawak ko ang bata habang nagdra-drive tinext ko si Alleya para makipagkita sa akin. Tinigil ko ang sasakyan ng makita ko si Alleya inabot ko sa kanya ang bata nangangalay na rin kasi ang kamay ko.

"Busy ba girl?" natatawang sabi nya "Ayan kasi may pa alis alis ka pang nalalaman."

Walang kaalam-alam si Alleya na nawala ang kanyang kapatid. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam ng umalis pinaharurot ko ang sasakyan at pumunta sa abandonadong building.

Tumakbo ako at inakyat ang first floor. Anong klaseng bantay to mga tulog. Hays hindi nga talaga nila ine expect ang pagdating ko. Inakyat ko ang second floor at binuksan yung mga kwarto mga bata ang laman.

Umakyat ako sa third floor at nakita ko naman doon ang mga babaeng batang nakatali. Ano bang klaseng sindikato to. Inakyat ko ang huling palapag at may apat na kwarto iyon dahan dahan kong binuksan ang isang kwarto at nakita ko yung kliyente namin nakahiga at natutulog sarap barilin.

Binuksan ko ang pangalawang kwarto bumungad sa akin ang magandang babae na umiiyak. Sa pangatlo mga babae parin umiiyak din sila. Sa pang apat na kwarto nakita ko si Alteya nakatali. Agad kong tinanggal ang tali sa kanya at binigay yun sa kanya.

"Mag ingat ka nga sa susunod." inis na sabi ko

"What sumusunod lang ako ng utos." sabi naman ni Alteya

"Sa pagkakatanda ko wala pa akong pinepermahang mga papeles?" patanong na sabi ko "At hindi pumipirma si lolo ng mga kliyenteng hindi nya na check ang background. Now tell me who told you to take that client?" tanong ko

"The Board member." sabi nya

Hindi man lang nila hinintay ang pag aproba ko gumawa sila ng sarili nilang desisyon. Mga hinayupak tapusin na natin to at ng masapak ko yung mga board member.

I Choose youWhere stories live. Discover now