JAE'S POV
"Anak ng tinola! Antagal naman masyado, Aika!"
"Wait ka lang siguro teh! Nag-aayos ako kasi first day of class ko to, tapos sa panibagong lugar pa!"
Nagtataka rin ako kasi wala siyang dala na kahit ano simula nong umuwi siya kagabe. Akala ko kasi ay mag ma-mall siya, at kilala ko yun. Hindi niya talaga maiiwasan ang bumili ng kahit anong nagugustohan niya.
"Dalian mo naman ano? Alam mong hindi ko gusto ang naghihintay, Aika." ani ko na tama lang na marinig niya. Nandito kasi ako sa gate naghihintay sakanya.
"I'm ready, bitches!"
"Gaga ka! Mag mo-motor tayo tapos naka dress ka?"
"What?! marunong ka bang mag motor?!" gulat na sabi niya.
(And saan ka nakabili ng motor?)
"Marunong ako mag bike kaya marunong din ako nito. At binili ko 'to sa taong nagbebenta ng motor."
"Ahh talaga? And beh! bakit ganyan yung suot mo? parang hindi ka aalis ah?"
Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Naka normal jeans lang kasi ako at simple t-shirt.
"Oks na yan! Andami mong sinasabi, sumakay ka na nga!"
"Eto na! Excited ka naman masyado"
-
"OMG! I'M SO GLAD THAT I FINALLY MEET YOU MY NEW SCHOOL!!!!"
Obvious na obvious na kung sino ang nagsabi n'yan. She's a psycho. Hindi niya namamalayan na nakapasok na pala ako sa gate.
Malaki rin ang skwelahan na 'to. Sa katunayan ay mas malaki pa to sa skwelahan namin dati.
"Hoy beh! Anlaki ng skwelahan natin ha! Tapos iniiwan mo lang ako. Hayup ka talaga!"
I took a glance sa mga taong napaparaan sa amin.
(who the hell are they?)
(ang chaka ng suot)
(so ingay naman nitong isa, mura mag si kinsa)
-ang ingay naman nitong isa, akala mo kung sino-(saan na ba ang mga boylets??)
I shifted my glance to Aika. "I can understand them"
"S'yempre sis! Nasa mamahaling eskwelahan ka kaya matic na mga taglish din yung ginagamit nila. Minsan lang yata mag bisaya."
(Sino ba yung pinalilibotan nila?)
"You know that already, some random rich ugly assholes na feeling sakanya ang mundo " ani ko at diretsong umalis.
"Meet me at the canteen" ani niya at umalis rin.
Pare-parehas lang talaga, kahit saan ako mag punta. At least panibagong mukha na naman ang makikita ko.
Tinignan ko naman muna yung school map nila and didiretso na ako sa canteen. Ano bang ginawa ng isang yon kung bakit humiwalay pa sa'kin.
-
Their cafeteria is huge rin, and tahimik lang akong pumila.
"Kingina! An taas naman ulit nung linya. Baka lang naman?" narinig kung may nagsalita mula sa likuran.
I didn't bother to look at the asshole instead I read the thoughts of the people in front of me. Nakatingin kasi sila don sa nanggagaling ang boses. They looked shocked na may konting takot at saya.
(shit.. it's him..)
(ohh mas pumogi pa siya!)
I rolled my eyes, I thought they would fight for their ass. They started leaving the line so in the end ako na yung nauna sa linya.