Five

6 0 0
                                    

KAISER'S POV

"Tara bro! Oks ba sa'yo kapag ngayun?"

Kanina pa yan tanong ng tanong tong si Klein. Ewan ko anong nangyayari sa gagong 'to, baka 'di ko namamalayan may gusto pala to sa nanay ni Percy.

"Kakatapos lang ng klase pre! Napagod kaya ako don. Pero it's fine basta may food agad"

"Amputa? cellphone lang ambag mo don 'tol!"

"Ulol! Ang laki ng ambag ko don! Presence ko palang lugi na kayo. Pano na kaya kung kasama yung kapogian ko 'tol?"

"Tanginamo edi wag ka sumama"

"Oks"

Biglang nag ring naman yung cellphone niya at sinagot niya rin naman agad 'yon.

"Oh p're? Sabihan mo si tita na yung paborito niya, ayaw sumama.... Oo nga, ewan ko nga ba't hinanap to, eh mas pogi naman ako. Ako lang sapat na"

Ang feeling ng gago, mukha namang chanak.

"Tangina mo, sasama na ako."

Tumawa yung gago "Oh sasama na yung kingina. Aalis na rin kami"

"Mauna na kayo, pupunta pa ako ng bahay"

"Sige bro, alis na'ko. Baka hinihintay na yung handsomeness ko don. Kitakits!"

"Ge, shoo"

Maya-maya ay umalis na rin ako.

-

"Ma? I'm going to Percy's house later. Would you like to come?"

"No nak, pumunta na kami don kahapon with your dad."

"Oks."

Umakyat naman ako papuntang kwarto para magbihis. Ang init ng uniform, dumagdag pa yong hotness ko. Someone knocks kaya napalingon ako.

"Kuya?"

Oh, it's my sister, Zekaia. She's twelve.

"Come in, baby"

"You're going to tita's house daw?"

I nodded "Yes, why?"

"Wala ampogi mo lang now, kuya."

Kumunot naman ang noo ko "What do you want, Zek?"

"Naubos na kasi yung ice cream ko, kuya. Umm I just want to ask if you can palit some cookies and cream for me?"

palit : buy

"Sure, yun lang pala. Bilhan kita mamaya."

She smiled and niyakap ako "Thanks kuya!"

"Maliit na bagay, Zek."

"Anyways, ingat kuya. Bye!"

I'm done changing my clothes kaya bumaba na'ko.

"Ma please tell dad I'm leaving, bye!"

Pagkalabas ko ay sumakay agad ako sa kotse at pinaharurot yun. I can't believe makikita ko naman yung mga gago. Okay na sana kung isang beses lang sa isang araw. Sakto at biglang napatawag si Percy.

"Hello bro? Asa naka?"

"Papunta na"

"Okay, nandito na rin si Klein. "

"Oks, malapit na rin ako"

Pagkatapos ay enend ko na yung call. After a few minutes ay nasa harap na ako ng bahay nila Percy.

"Hello Kaiser! Omg it's so nice to see you!" it's tita na inabangan ako sa harap ng pinto nila. Oo nga naman, nakakamiss talaga pag gantong mukha ang 'di mo nakikita for weeks.

Mind reader..Where stories live. Discover now